JANA
"HOY! Nasa'n ka na? Kanina pa ako nandito ah"
"Sorry! I can't make punta there" sabi ni Lucy sa kabilang linya at umiling iling ako na para bang nakikita niya ako.
"At baki-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko when Lucy ended the call. Napakunot noo ako. Ano bang problema no'n at bigla bigla na lang hindi sumipot?
I sighed. Mag-isa na naman akong magmo-mall. Hayst. Dapat magkasama kami ngayon ni Lucy eh. Siya pa nga nagpumilit na magmall kami dahil madalas na daw kaming hindi magkasama. Syempre, iba na section ko sa AU eh. Magsha-shopping daw siya at sasamahan ko pero anyare? Nang-iwan sa ere. Tsk.
I went inside the mall at naisipang kumain na lang. Tutal magla-lunch na din naman.
Naghanap ako ng makakainan at napapabuntong hininga na lang dahil halos lahat ng fast food chains dito sa mall ay puno na. Sabado kasi ngayon kaya talagang madami.
Pumasok ako sa Chic-Boy at naghanap kaagad ng mauupuan. I smiled when I spotted a table for four. Dahil wala naman ng ibang bakante ay doon na lang ako umupo kahit sobra naman dahil mag-isa lang ako. I will surely pull every hair on Lucy's head. Mang-iiwan. Psh.
I was about to stand up ng mapagtanto kong wala nga pala akong kasama at walang magbabantay sa table. Maaagawan pa yata ako eh.
Magtatawag pa lang sana ako ng waiter ng mapansin ko ang isang pamilya na kakapasok pa lang dito. The father is currently searching for a vacant seat while the mother is carrying a baby and a three or four years-old girl beside her.
"Daddy! I'm hungry!" sigaw ng batang babae sabay hila sa laylayan ng damit ng daddy niya. Medyo malakas ang pagkasabi ng bata why almost of the customers looked at their direction.
"Wait lang baby... " sabi ng daddy niya and asked a waiter kung may vacant pa. Suddenly, the girl began to cry while saying na gutom na siya at gusto ng maupo.
I saw how the waiter shook his head as a sign na walang bakante. The family was about to leave when I stood up and waved my hand. "This table is vacant!" sigaw ko. Lumapit sila sa akin at nginitian ako ng mag-asawa.
"Are you sure miss?" tanong sa akin ng mommy.
I nodded. "Sa inyo na lang po itong table. Hindi pa naman talaga ako gutom eh" sabi ko. But the truth is, gutom na kaya ako.
"Thank you" sabi ng daddy and I looked at the little girl whose staring at me. Medyo mamasa masa pa ang mata niya galing sa pag-iyak.
I smiled at her. "Don't cry like that again, okay? Be patient and the things you want will come to you in an unexpected time" I said as I tapped her head. Medyo natigilan pa ako ng ngumiti ng malawak ang bata. I bid my goodbye to them. Bago tuluyang makalabas, narinig ko pa ang sinabi ng bata sa mommy.
"Mommy, ate is kind!" she called me ate? Ang sarap namang pakinggan.
"Yeah, her mother taught her well. And I want you to become like her when you grew up, okay?" medyo natigilan pa ako pero mabilis ding tumuloy sa paglabas.
I sighed. Mama really taught me well. Madaming nagsasabi na sa kanya ako nagmana. Mukha, expressions and even attitude. But sadly, nawala siya ng maaga at hindi ko na nakamasa sa paglaki ko. But I know that she's always there, watching and guiding me on every way that I will take.
Dahil puno na din sa ibang fast food chains ay napagdesisyunan ko na lang na pumasok sa Starbucks. Then, I remembered the scene I made with Pamela. Wala na akong balita sa kanya pero naichismis sa akin ni Lucy na tumawag daw sa mommy niya ang parents ni Pamela. Saying sorry for what their daughter did. Lucy and I laughed with that. Sabi niya kasi obvious ang kaba ng mag-asawa base sa tono nila.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Novela JuvenilSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...