JANA
HANGGANG ngayon naiinis pa din ako sa lalaking iyon. Monday na ngayon and it means pasukan na ulit. For two days 'di man lang nagparamdam ang walanghiya. Natakot ko kaya? Mukha namang hindi dahil mas katakot takot ang pagmumukha niya.
"Hey! You look scary na Jana ah! Stop that expression na nga" sabi ni Lucy habang nakasakay kami sa kotse, on our way to AU. Napairap na lang ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa ng lalaking iyon. Like what the fuck?! Nang-indyan ng babae. Pinaghintay pa. Putangina niya talaga.
Pagkababa pa lang namin ay nakita ko agad ang mga tingin ng mga estudyante sa amin. Hanggang ngayon kasi 'di pa umuupa ang issue tungkol sa nangyari ilang araw lang ang nagdaan. Ang tagal tagal na no'n 'di pa rin nakakamove-on. 'Yung iba tinitignan si Lucy na para bang nandidiri sila, 'yung iba naman nakatingin sa akin na may galit sa mga mata, at ang iba wapake lang.
I glared at them. "Oh? Hanggang tingin na lang kayo? Huwag niyo kaming bigyan ng ganyang tingin kung ayaw niyong mawalan kayo ng paningin!" pagbabanta ko. Hinila na ako ni Lucy palayo doon dahil baka magsimula pa ang gulo.
Kasalanan naman nila. Huwag silang dumagdag ngayong mainit init pa ang ulo ko. Baka sila mapagbuntungan ng inis ko.
Pumasok na kami sa classroom and as usual, ang mga tingin nilang mapanghusga ang sumalubong sa amin. Dukutin ko kaya mata nila? Tapos benta ko? Oh diba? Yumaman pa ako.
Magsasalita pa dapat ako kaso hinila na ako ni Lucy paupo sa upuan namin sa bandang likod. Pagkaupo ko ay sinundan pa talaga nila kami ng tingin kaya napataas kilay ko. Nag-iwas sila ng tingin at hindi na ako umimik. Ganyan! Marunong dapat silang matakot.
Maya-maya pa pumasok na si Sir Dela Vega at pinilit na ngumiti kahit obvious namang malungkot siya. Anong meron at parang malungkot si Sir?
"Good morning class" sabi ni Sir and we greeted him too.
"Okay class, may sasabihin ako" tsaka bumuntong hininga si Sir. "Your classmate, Leila Torres already transferred to another school. And it means hindi niyo na siya makikita sa school na ito at magiging kaklase pa" napaawang ang labi ko at ang iba ay nagbulong-bulungan pa. Si Leila? Nagtransfer?
Biglang tumayo si Clarrise, Leila's bestfriend. "S-sir, bakit daw po?" medyo nautal pa siya. Marahil ay pinipigilan ang pag-iyak dahil sa ginawa ng bestfriend niya.
"I don't know. She only said she can't stay in this school anymore" sabi ni Sir. May kinalaman kaya iyon sa pagpapahiya ni Alvarez sa kanya? Maybe. Kase pagkatapos no'n ay marami ng nangbully kay Leila na kaklase namin at iba pa. Baka hindi niya na nakayanan.
Narinig ko naman ang pagbubulong bulungan ng mga kaklase mo.
"Buti naman! Hindi naman kasi deserve na nandito eh!"
"Baka nagtransfer dahil alam na walang pag-asa kay Zild?"
"Good! Pakitang tao lang naman 'yun eh. Mabait daw pero pasikreto kung manaksak!"
Padabog na humarap si Clarrise sa mga nagbubulong-bulungan. Kung matatawag ba iyong bulong. Mukha namang sinadya nilang iparinig iyon kay Clarrise.
"Anong sabi niyo?! Sinong pakitang tao?! Hindi ganun si Leila! Mabait talaga siyang tao!" sigaw niya and I agree with her. Mabait si Leila, she's a good person and I'm one of the people who saw it.
Tumawa naman ang isa sa mga kaklase kong babae. Hindi ko maalala ang name. Hindi naman kasi siya importante. "Oh c'mon Clarrise! Wake up! Diba inahas niya boyfriend mo? Kaya naghiwalay kayo? Oh? Ngayon mo sabihing hindi malandi at pakitang tao ang babaeng iyon!" sigaw nito and that made Clarrise's hands turn into fists.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...