JANA
"KAMUSTA?"
Napaangat ako ng tingin ng may narinig akong magsalita. Then I saw Niko at umupo siya sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked at binaba muna ang ballpen na hawak ko. Sumasagot kasi ako eh. Pero nandito naman 'to kaya ititigil ko muna.
"Binibisita ka. I just want na kamustahin ka sa pagre-review. So, how are you?" he asked at bumuntong hininga ako.
"Okay lang, buhay pa naman," I said at natawa siya.
Nagkwentuhan lang kami saglit. And somehow, gumagaan na din ang loob ko kay Niko. Hayst. I just wonder kung bakit madalas, 'yung mga taong inaakala nating masama ang ugali, sila pa 'yung mabuti. Gaya ni Niko at ng section C. At minsan, 'yung inaakala pa nating mabait, sila pa pala ang sasaksak sayo patalikod. Gaya na lang ni Pamela.
Napansin ko namang nilibot ni Niko ang paningin dito sa library. "Where's the asshole? Diba dapat magkasama kayong nagre-review?" bigla niyang tanong kaya natigilan ako. Si Alvarez ba tinutukoy nito? Malamang. Galing naman nito, minumura 'yung pinsan niya.
Nagkibit balikat na lang ako at hindi na siya nagtanong. Actually, dalawang araw ko ng hindi nakikita ang tigre na 'yun. Sa tuwing papasok kasi ako, didiretso na ako agad dito sa library dahil palagi namang buong araw ang review. Pati nga si Ms. Bautista ay naiinis na dahil mukhang wala talagang balak na mag-review si Alvarez. Pero alam ko namang kahit hindi siya mag-review, may ibubuga pa din siya, may laban pa din. At bukas na ang Division level, I just hope na pumunta siya kahit hindi kami good terms ngayon.
"Lunch time na. Tara, lunch tayo?" yaya ni Niko at hindi na ako tumanggi. Gutom na din naman na ako. Ikaw ba naman mabulok sa loob ng library at puro numero at letra ang nakikita mo? Tignan lang natin kung hindi ka tablan ng matinding gutom.
Inayos ko muna ang mga gamit ko sa library bago iniwan. Kinuha ko naman ang wallet at phone ko kaya kung sakaling may magnanakaw, wala din silang mapapala. Babalik din naman ako dito after lunch kaya hindi ko na kukunin. Magpapagod lang ako.
We both went out of the library at sabay na naglakad papuntang cafeteria. Nang makarating kami sa cafeteria, halos lahat ng estudyante ay napalingon sa amin. They started whispering unknown words to each other at nairap ako. Bulong-bulungan na naman ng mga tsismosa't tsismoso ang nakikita ko. Ang sakit nila sa mata. Myghad.
Naghanap kami ng upuan and we saw the vacant table with two seats sa gilid na part. Umupo kami doon.
"Ako na mag-o-order, anong gusto mo?" tanong niya.
"Ikaw na bahala," I was going to give him a money pero tumawa at umiling siya.
"My treat," then he winked before going.
Napabuntong hininga na lang ako. Nakakailang libre na ako tuwing lunch ha? Kahapon kasi, nilibre ulit ako ni Darren ng lunch. Tapos ngayon, si Niko naman. Ewan ko ba sa dalawang 'yan at palagi na lang akong nililibre at pinupuntahan sa library. Pero okay lang, atleast nga may bumibisita sa akin doon eh. Si Lucy? Aba malay ko! Tinatawagan naman niya ako. Kapag pinapapunta ko sa library, ayaw niya. Ang sakit daw kasi sa mata ang makakita ng mga libro. Wew lang, ano? Pwede naman siyang pumikit tapos iwanan ko siya doon. Boba.
I'm just tapping the table with my fingers ng bigla kong naramdaman ang isang tao na nakatayo sa gilid ko.
"Hello Jana!" I looked at that person. At hindi na ako nagulat ng makita na si Darren ito.
"Hi." I said and smiled at him for a but.
"Wow! First time yata na nag-hi ka sa akin? Achievement 'to!" tuwang tuwang sabi niya at napairap ako. Here we go again. The enervon guy. Hindi ko alam kung pinagtitinginan kami dahil magkasama kami or tinitignan nila kami dahil mukhang baliw 'tong si Darren. But somehow, he look cute with those acts.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Подростковая литератураSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...