Chapter 43: Mall Fight

327 8 0
                                    

JANA

"IT'S okay, atleast you did your best," sabi ni Miss Marval at nginitian ko na lang siya maging si Miss Bautista.

"Hatid ka na namin sa inyo," sabi ni Miss Bautista at umiling ako.

"Hindi na po, may pupuntahan pa po kasi ako eh," sabi ko. Pupunta pa ako ng mall ngayon dahil mamamasyal kami ni Niko. Tamang-tama dahil stress ako nitong mga nakaraang araw. Kailangan kong mag-unwind. Para na din makalimutan kong natalo ako ngayon dahil hinayaan ako ng tigre na makipag-compete mag-isa. That asshole. Psh.

"Are you sure?" Miss Marval asked and I nodded. Sinabihan lang nila akong mag-ingat bago sila umalis.

Nang mawala na sila sa paningin ko, napabuga ako ng hangin. Ngayon alam ko na kung ano ang pakiramdam na hindi ka siputin ng taong kailangan mo. I needed him, kinailangan ko siya kanina. Kailangan ko siya para magkasama kaming makipagtagisan kanina. Pero wala, hindi siya pumunta. Hindi niya ako sinamahan.

"Just forget about that Jana," bulong ko sa sarili ko at pumara na ng taxi. Nagpahatid ako sa mall at ilang minuto lang naman ang inabot bago ako makarating doon.

Saktong pagkababa ko ng taxi, nag-ring ang phone ko. When I looked at my phone's screen, isang unregistered number ang nakita kong tumatawag. Napakunot noo ako, sino 'to?

I answered the phone. "Sino 'to?"

Imbes na sumagot, isang tawa ang narinig ko. And just by hearing that laugh, alam ko na agad kung sino 'to. "Niko? Hoy! Paano mo nakuha number kong gago ka?"

"Grabe ka naman! Maka-gago ah?" sabi niya sa kabilang linya gamit ang tonong animo'y nasasaktan. Napairap ako. Hindi naman niya sinagot 'yung tanong ko eh.

"Paano mo nga nakuha number ko?"

"Secret," sabi niya at napa-tsk na lang ako. Hindi na nga ako magtatanong. Matigas ang bungo ng lalaking 'to. Alam kong hindi niya sasagutin 'yung tanong ko kahit anong pilit ko. Parang sila Darren lang din eh.

"Psh. Oh? Bakit ka tumawag?"

"I will just ask kung nasaan ka na. Sa'n ka na ba? I'm already here at the mall."

"Nandito na din ako. Actually, kabababa ko lang ng taxi. Where are you?" tanong ko.

"Wait! Ikaw ba 'yung magandang babae na naka-ponytail ang buhok habang nakasuot ng white hanging shirt at black pants?" napairap ako sa tanong niya. Napatingin din ako sa suot ko at tama siya, 'yon nga ang suot ko.

I looked back and I saw him grinning from ear to ear habang nakatapat sa tenga niya ang phone niya. "May patanong tanong ka pa eh nakita mo na nga ako," I said and ended the call. Naglakad naman siya palapit sa akin habang natatawa.

"Actually, nakita na kita pagkababa mo pa lang ng taxi. Nakita ko din kung paano kumunot 'yung noo mo ng tumawag ako. Pati na din 'yung masungit mong mukha ha-" I cut him off.

"Papasok ba tayo ng mall o dadada ka na lang dyan?" tanong ko sabay taas kilay.

He made a poker face. "Papasok na nga diba?" tsaka niya ako hinila.

Napabuntong hininga na lang ako. Sana lang talaga makalimutan ko 'yung nangyari kanina. Kasi kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko 'yung ginawa ni Alvarez. Ang sama niya. Nakakabwiset.

Una kaming pumunta sa isang restaurday. Kumain muna kami doon. Napapairap na lang ako dahil katulad din pala nila Darren at Jay 'tong lalaking 'to. Para din kasing armalite 'yung bibig niya at salita ng salita. But well, nage-gets ko din naman. Syempre, magsasalita ng magsasalita 'yan para naman hindi masyadong tahimik ang atmosphere at hindi boring. Siya na ang nagbayad ng pagkain namin at hindi na ako magtataka kung mamulubi siya dahil sa dami ng kinain ko. Gutom ako eh.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon