Chapter 22: Stupids Under the Rain

385 12 0
                                    

JANA

HUMARAP ako sa salamin. Kumuha ako ng pantali ng buhok at suklay tsaka ko mataas na tinali ang buhok ko. Hindi naman na basa dahil nagblower ako. Sabi kasi ni Yaya, baka daw sumakit ang ulo ko kapag tinatali ko ang buhok ko kapag basa. Hindi ko naman alam kung totoo pero sumusunod na lang ako. Mas maalam naman si Yaya Linda eh.

"Tapos ka na ba? Kakain na" napalingon ako kay Yaya ng sumilip ang ulo niya sa pinto ng kwarto ko.

I smiled. "Susunod na lang po ako sa baba" sabi ko and she only nodded before going downstairs.

Napabuntong hininga ako. Huwebes ngayon at may pasok. Hindi ko pa din nakakalimutan ang nangyari kahapon sa mall pero hindi ko naman pinagsisisihan. Bigla naman akong natawa ng maalalang tumawag sa akin si Kuya Jake kagabi at sinabing ang galing ko daw. Hindi na ako nagtaka na nakarating agad sa kanila iyon.

Pero agad din akong natigilan ng maalala si Alvarez. Hayst. Kailangan ko nga palang magsorry sa kanya. Malay ko ba kasi kung nagsasabi siya ng totoo? Hindi naman kami close eh.

Hindi nga ba?

I slowly shook my head at lumabas na ng kwarto ko dala- dala ang bag ko. Pinatong ko muna iyon sa sofa sa salas at pumunta ng dining room. Naabutan ko doon si Yaya na nagsasalin ng gatas sa isang malaking baso.

She raised her head ng mapansin siguro niyang nandito na ako.

"Kain ka na, baka ma-late ka pa nyan"

"Salamat 'ya"

Umupo na ako at nagdasal muna bago magsimulang kumain. Sumabay na din sa akin si Yaya pagkalapag niya ng gatas malapit sa akin. Ganyan ako, gatas ang iniinom sa umaga at gatas din sa gabi.

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko mapigilang isipin kung paano ako magsosorry sa bwiset na iyon. Sasabihin ko lang bang sorry sabay takbo? Magsosorry ako tapos libre ko siya? Or luluhod na lang ako sa harapan niya at hihilingin na patayin na niya ako?

I sighed. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.

"Ang lalim naman no'n. May problema ba 'nak?" tanong ni Yaya kaya napatingin ako sa kanya.

"W-wala naman po... " sabi ko at nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Yaya at pagngiti sa akin. I sighed. Hindi siya naniniwala.

Bumuntong hininga na muna ako bago magsalita. "K-kasi 'ya, may kaibigan ako tapos may kasalanan po siya sa isang k-kaibigan niya. H-hindi niya po alam kung paano m-magsosorry dito. Nagpatulong po sa akin pero hindi ko din alam. P-paano na?" halos magkadautal-utal ako. Sinabi ko na lang na isang kaibigan ko. Alangan namang sabihin kong ako? Magtatanong ng magtatanong si Yaya nyan.

Napahawak sa baba niya si Yaya na tila nag-iisip. Maya-maya pa ay ngumiti siya sa akin. "Mag-sorry siya, iyon ang sabihin mo"

"Pero paano 'ya kung hindi niya tanggapin?" 'di mapigilang tanong ko.

"Edi gawin mo ang lahat para mapatawad ka niya" sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "H-hindi ako 'ya! Isang kaibigan ko po! Hindi ako!"

Humalakhak si Yaya. "Okay, okay. Kalma 'nak, nagkamali lang" natatawang sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko talaga alam kung paano magsosorry sa kanya. Ang cold pa naman ng lalaking iyon.

Napatunghay naman ako ng tawagin ni Yaya ang pangalan ko.

"Po?"

"Kung sino man 'yang kaibigan mo, eto ang sabihin mo. Gaano man kalaki o kaliit ang kasalanan sayo, sino man ang may kasalanan sa inyo, marunong dapat tayong humingi ng tawad at magpatawad. Dahil hindi lahat ng tao sa mundo ay nagkakaroon ng pagkakataong humingi ng tawad sa isang tao dahil kung minsan, kailangan nating lumayo para maiwasang mas masaktan pa ang taong iyon" sabi ni Yaya at nakita ko ang panggigilid ng luha sa mga mata niya. What she said reached my heart. Para kasing hindi lang payo ang sinabi ni Yaya. Parang sinasabi niya din iyon sa sarili niya.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon