JANA
NANG makita kong nagstart ng makipag-usap si Pamela kay Alvarez ay tumayo na ako. Yumuko ako at naglakad na palabas. Sana lang maging okay silang dalawa. Wala naman akong balak na panoorin sila habang nag-uusap gaya ng ginawa ko noong una.
I went to the seaside near at the mall at umupo sa border habang nakaharap sa dagat. It's already five in the afternoon kaya hindi na ganun kainit. Mahangin din dito at ang daming mga pamilyang namamasyal, ganun din ang mga magkasintahan. Tsk.
Naramdaman ko din ang pagsayaw ng buhok kong nakatali. Hinayaan ko lang. Buti pala hindi ako naglugay dahil siguradong magugulo ang buhok ko. Well, hindi naman talaga ako naglulugay kapag lumalabas. Kapag sa bahay lang talaga.
Kapag naglulugay kasi ako, naaalala ko si mama. Madami kasing nagsasabi na kamukhang kamukha ko siya when we were at the same age lalo na daw kapag nakaladlad ang buhok kong hanggang siko. So I always ponytail it kapag lumalabas ako. Hindi naman sa ayaw kong maalala si mama. Nasasaktan lang kasi talaga ako.
She died when I was really in a young age. That was so painful that I don't even know how I managed to handle that pain the fact that I was just a kid back then. She died when I was six years old. Siguro hanggang doon na lang talaga ang buhay ni mama. Tinanggap ko naman, kahit sobrang hirap.
I closed my eyes and feel the air. Then a blurred image came in my mind na agad na nagpamulat sa akin.
"Na naman?" nasabi ko na lang sa sarili ko dahil hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng blurred image sa isip ko.
I remembered when I was stull in US. Palagi akong nakakakita ng blurred images maging sa mga panaginip ko. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon but one thing is for sure, that it's an important part of my life. Tinanong ko na sila papa at mga kuya ko kung ano ang mga nakikita ko pero baka dala lang daw iyon ng aksidenteng nangyari sa akin noon.
But I felt that something is missing with me. Something is not right. At alam kong dadating ang panahon na malalaman ko din iyon.
"Your thoughts are too deep"
"Ay pusa!" medyo napahawak ako sa bandang dibdib ko ng bigla na lang may magsalita sa gilid ko. Doon ko lang napansin na nasa tabi ko pala si Alvarez pero may ilang inches ang layo namin sa isa't isa. "Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Pamela?" tanong ko.
"I left her there"
"H-huh? Bakit naman?" tanong ko. Iniwan niya si Pamela? Eh diba may date pa sila? Huwag naman sanang fail din siya. Pasado naman si Pamela sa salitang simple eh.
"She's so flirt" sa sinabi niya ay napaawang ang labi ko. Flirt?
"A-anong sabi mo?"
"When you left the coffee shop, she became aggressive. She sat beside me and held my hand. And you know what? She even told me that she wants to go to a hotel. Such a filthy flirt" sa sinabi ni Alvarez ay tila nagpantig ang tenga ko.
"T-teka! Imposible 'yang sinasabi mo. Kilala ko si Pamela, she's not a flirt and she won't do what you said. Hindi ganon ang kaibigan ko" pagtatanggol ko kay Pamela. Iyon naman kasi ang alam ko. At isa pa, ang sabi niya lang ang gusto niya simpleng babae. Wala siyang sinabi na ayaw niya sa malandi.
He looked at me unbelievably. "So you don't believe me?" sa tanong niyang iyon ay agad akong tumango.
"Oo. Dahil mas kilala ko si Pamela kaysa sayo at alam kong hindi niya magagawa 'yang sinasabi mo. Huwag mo siyang siraan!" sabi ko at nakita ko ang inis sa mga mata niya. Alam ko din naman na galit na ang ekspresyon ko ngayon but I don't care. Hindi naman tamang siraan niya si Pamela. Kaibigan ko 'yon.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Roman pour AdolescentsSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...