JANA
KANINA pa ako naiirita sa babaeng 'toh. Kung ano-ano ang sinasabi puro naman walang sense! Tapalan ko kaya ng packing tape 'yang bibig niya ng matigil siya sa kakadada.
"Paano kung sunugin ako ng buhay ng mga students sa AU? Or paluin nila ako ng tubo tapos magkaroon ako ng amnesia? Paano din kung naghire sila ng mga assasins tapos habang naglalakad ako bigla na lang may pumana sa akin? Or sugudin nila ako ng itak? Oh kaya na-"
"Alam mo ang ganda nang mga suggestions mo? Gusto mo ako mismo gumawa niyan sayo?" I asked and glared at her. Inirapan niya ako at tahimik na nagdasal sa tabi ko na sana makauwi pa siya ng buhay mamaya.
"Ouch! My hair!" binatukan ko na nga, buhok pa ang inalala.
"Ang OA mo naman kasi! Baka nga sa akin pa gawin iyon at hindi sayo! 'Wag kang OA dyan at baka hindi ako makapagpigil, at ako mismo ang gagawa ng mga iyon sayo" sa wakas ay natahimik na rin siya. Nag-aalala kasi ang gaga dahil on the way na kami papuntang AU. Syempre, ngayon na lang ulit kami papasok matapos nang nangyari. Baka daw isavage siya doon. Eh ano naman? Okay nga iyon at mabawasan naman ng isang tanga ang mundo ngayon. De joke lang!
Sabi niya kasi sabay na kami pumasok dahil natatakot daw siya na baka bigla na lang siyang awayin doon. Para daw kapag nangyari iyon, haharangan ko daw siya tsaka siya tatakbo. Ang galing noh? Ano ako bodyguard? Sarap sakalin.
Kaya ayun, sinundo namin siya ni Kuya Sic sa bahay nila. Nang matanaw ko na ang AU ay napatingin ako kay Lucy. Obvious ngang kinakabahan siya kaya ang ginawa ko? Binatukan siya.
"Aray ko! Ano na naman ba!? You're hurting hurting me na ah!" maarteng sabi niya.
"Ganyan ang ipakita mo. Kapag inaway ka edi manigaw ka! Kung sinaktan ka tarayan mo!" sabi ko at umirap lang siya.
"Bye kuya Sic!" paalam ko at bumaba na kami. Pagbaba pa lang namin ay tinginan na agad sila sa amin. Naramdaman ko naman ang kamay ni Lucy sa braso ko.
Hinila ko na siya papasok at binati pa ako nung guard na para bang nang-aasar. Sarap ipabitay ni manong guard!
"A-ang sama nila m-makatingin" bulong sa akin ni Lucy habang todo kapit sa braso ko. Tsk!
Hindi ko sila pinansin at dumeretso sa classroom namin. Pagkapasok pa lang namin ay nasa amin na agad ang atensyon. Ang sama ng tingin nila sa amin, sa akin to be exact lalo na ng mga babae dito. Samantalang ang iba ay tinitignan ako na para bang ang cool ko at ang iba walang pake.
"Oh? Tinitingin tingin niyo? Gusto niyong dukutin ko mga mata niyo?"
Obvious na nagulat sila sa sinabi ko. Hinila ko na si Lucy at buti na lang talaga at sa likuran ang upuan namin.
Pagkaupo pa lang namin ay nagbulong-bulungan na agad sila. But the hell I care? Kahit iloud speaker pa nila sa buong AU yan wala akong pake.Syempre, magugulat sila. Like duh! Ito ata ang first time na nagsabi ako ng ganun. First time din na nanuntok ako ng lalaki dito sa school. Umiiwas ako sa gulo kaya nga wala akong record dito pero anong tingin nila sa akin hindi marunong lumaban? Kaya ko sa oras na alam kong kami ang naaagrabyado.
Umiwas ako sa gulo dahil na rin sa pamilya ko. Isa akong Tolentino, isa sa mga mayayamang pamilya sa bansa ngayon at maging sa labas ng bansa at malaking kahihiyan kapag lumabas ang tsismis na ang nag-iisang unica hija ng mga Tolentino ay basagulera, bobo, at walang pinag-aralan. So as long as nakakapagpigil ako, nagpipigil ako. Pero nang dahil lang sa tsunggo na iyon nangyari ito? tsk!
Matalino ako, I know that. Bakit ako mapupunta sa first honor at mukhang gragraduate pa as a Valedictorian kung hindi? Hindi lang sa section namin kundi sa over-all. Hindi lang sa Academics ako nangunguna kundi pati sa Sports. Pero kahit ganun hindi ako nagyabang, kahit alam ko din na di hamak na mas mayaman ang pamilya ko kesa sa mga babaeng sikat dito sa AU ay wala akong ginawa. Like heler? Hindi ako tulad nila. Hindi ko ginagamit ang pangalan ko o ang pera para sa kasikatan. Basta hangga't malinis ang pangalan ko at ng pamilya ko, okay na ako doon.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Roman pour AdolescentsSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...