JANA
"PINTURA na lang kulang!" masayang sigaw ni Landon at napatango tango naman sila. Palihim akong napangiti.
Mabilis nilang natapos ang pag-aayos dito sa dating daycare center dahil nagtutulungan sila. Tumutulong din naman ako. Nalinis na lahat ng upuan ng dalawang classrooms na kailangan nilang linisan. Bago na din ang mga jalousies ng mga bintana at ayos na ang pinto ng dalawang rooms. Ang kulang na lang, mapinturahan ang mga pader.
"Ano bang pintura?" tanong ni Jim at iba't ibang kulay ang sinagot ng boys.
"Blue para kunyari nasa dagat!"
"Red para astig!"
"Pink!" lahat yata kami ay napalingon sa gawi ni Christian ng sinabi niya 'yan.
"Ha? Pink? Yuck! Bakla ka ba?" panunuya agad ni Jay at nagtawanan ang mga boys. Napailing-iling na lang ako dahil nagtuloy-tuloy na ang asaran nila. Inaasar nila si Christian na bakla.
"Hindi nga ako bakla! Magiging crush ko ba si Jana kung bakla ako?" my brows furrowed when I heard that. Natahimik din ang boys.
"Anong sabi mo?" tanong ko at napalunok siya. Parang natakot pa siya ng magtanong ako. Bakit? Nagtatanong lang naman ako ah?
"Wala!" sabi niya at nagtawanan sila.
"Balik tayo sa topic, anong ilalagay natin sa mga pader?" tanong ni Inigo at napaisip din ako. Kung pure colors lang ang ilalagay namin, baka hindi ito magmukhang daycare center para sa mga bata. It must be painted with something na creative at nakakaakit sa mga mata ng mga bata.
"Masyado namang boring kung kulay lang. Dapat magmukhang masaya, something that is lively." Sabi ni Darren kaya napatingin ako sa kanya. And there, he's smiling again. Napaiwas naman ako agad ng tingin ng tumingin din siya sa akin, ng nakangiti. Somehow, magaan naman ang loob ko sa tuwing kasama ko siya. Para nga akong nahahawa ng ngiti niya eh.
"Sino bang marunong mag-paint dito?" tanong ni Tom at lahat sila'y umiling.
"Wala!" sabay sabay pa nilang sabi.
Wait.. paint? Paintings? Sa pagkakaalam ko, magaling magdrawing ang mga taong magaling din sa pagpipinta. At may kilala akong tao na magaling gumuhit.
"I know someone who can help," I said at tumingin sila sa akin. Nginisian ko si Jay.
"Sino naman?" tanong nila.
"Si Lucy," I said.
"Lucy? Sino 'yun?"
"Tanga! Lucy Mendoza! 'Yung taga-section A!" sigaw ni Lucas kay Christian. Napailing-iling na lang ako sa kanila at tumingin sa relo ko. Mag-a-alas sais na din pala ng gabi.
I took a last glance on the whole room bago bumaling sa boys. "Ako na bahalang kumausap kay Lucy tungkol sa paint. Kayo, uwi na. Magga-gabi na," sabi ko at kinuha na ang bago ko. Ganun din ang ginawa nila.
Lumabas kaming lahat sa gate ng center at nagkanya-kanya na. Nagsimula na akong maglakad patungong highway dahil doon lang ako makakapara ng taxi. Paloob kasi ang location ng center.I was walking in silence ng may humintong puting sasakyan sa tabi ko. Bumaba ang bintana no'n at nakita ko 'yung tatlong ugok.
"Jana! Sabay ka na sa'min!" sigaw ni Jay at umiling ako.
"Hindi na. Ilang lakad lang naman at highway na," giit ko pero umiling din sila.
"It's almost dark, and it's dangerous for a girl to walk alone. Sumabay ka na sa amin, libre naman eh," giit ni Darren. Napabuntong hininga ako. Nakatingin silang tatlo sa akin kaya sa huli, pumayag na din ako.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...