Chapter 41: Real Purpose

336 9 0
                                    

JANA

NAALIMPUNGATAN ako ng may marinig akong nag-uusap. I felt a little dizziness pero binalewala ko. Imumulat ko na sana ang mga mata ko ng may narinig ako bigla, ang pangalan ko at boses ni Darren.

"Who's Jana for you?" nagulat ako sa tinanong ni Darren. Hindi ko din alam kung sinong kausap niya. But the moment I heard his voice, biglang kumabog ang dibdib ko.

"What do you mean?" si Alvarez.

Ano bang pinag-uusapan nila at nabanggit ang pangalan ko? Nasaan din ba ako? The last thing I remember, sumasakit ang ulo ko sa center at... at.. bigla akong natigilan. Sumakit ang ulo ko at nakita ko siyang tumatakbo. Tumatakbo palapit sa akin.

Darren laughed. "Umamin ka na Zild, bago ka pa unahan ng pinsan mo." Mas lalo akong nagtaka sa sinabi ni Darren. Pinsan? Si Niko? At unahan saan? Ano ba talagang pinag-uusapan ng dalawang ugok na 'to? "Or baka ako ang mauna sayo."

After that, nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Naramdaman ko ang taong palapit sa akin kaya talagang hindi ako nagmulat. I don't know kung anong pinag-uusapan nila but I'm sure na may involvement ako doon dahil narinig ko ang pangalan ko. Anong ibigsabihin ni Darren doon? I don't know. Ang gulo nilang mag-usap. Wala man lang akong naintindihan.

"Why did you fainted?" nagtaka ako dahil biglang nagtanong si Alvarez. And I can feel na nakaupo siya sa hinihigaan ko. Shit. Alam niya bang gising na ako at nagpapanggap lang? "Is there something wrong? May masakit ba sayo?"

Mukhang hindi naman niya alam na gising na ako dahil tinuloy niya lang ang pagtatanong. He's asking me knowing na tulog pa ako? Nababaliw na ata 'to. Pero bakit gano'n? Bakit nakarinig ako ng pag-aalala sa tono niya?

"Well, ano bang pake ko? You're not my obligation and responsibility. Hindi ko responsibilidad na alagaan ka. It's not my responsibility to save you when you need to be saved. It's not my obligation to bring you here whenever you faint. Ginawa ko na iyon noong nahimatay ka sa tambayan namin, at ginawa ko na naman ngayon. At hindi ko alam kung bakit. But we both know na wala tayong pakeelam sa isa't isa. You're not my obligation, I shouldn't did those things because I shouldn't care about you on the first place."

Naramdaman ko ang pagtayo niya at alam kong umalis na siya dahil narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.

I opened my eyes but I easily regret it. Dahil no'ng minulat ko ang mga mata ko, nagsituluan na ang mga luha ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. Hindi ko alam kung bakit tumutulo. Hindi ko alam, wala akong maisip na dahilan.

Pinagsasalamat ko na lang na hindi ako nakikita ng iba pang tao dito sa clinic dahil sa mga kurtina na nagsilbing mga divider ng mga kama.

"Putangina..." mahinang mura ko. I can't feel any headaches now pero parang mas masakit pa ata ang nararamdaman ko ngayon, kaysa sa naramdaman ko kanina.

Bakit kailangan niya pang sabihin iyon? Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin na wala siyang pakeelam sa akin? Na hindi niya ako responsibilidad?

I bitterly smiled. Noong araw pala na hinimatay ako sa tambayan nila dahil sa nagpa-ulan ako, siya pala ang nagdala sa akin sa Hospital. Noong araw naman na gusto akong ipa-detention ni Miss Borja dahil nagmura ako sa klase, niligtas niya ako. Noong araw na pumunta ako sa bar dahil hinahanap ko siya at napa-trouble kami nila Darren, niligtas niya kami, ako. At ngayong araw kung saan nawalan na naman ako ng malay sa center, dinala niya naman ako dito sa school clinic.

Bakit ngayon ko lang na-realize na palagi niya pala akong nililigtas? Bakit ngayon lang? But what's the point kung ngayon ko lang maisip iyon? Hindi naman daw niya ako responsibilidad. I'm not his obligation at tama siya, wala naman kaming pakeelam sa isa't isa. But I am wondering kung bakit kailangan niya pang sabihin iyon. Dahil ba akala niya tulog ako? Na hindi ko siya naririnig? I heard that.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon