Chapter 38: The Cousins

368 8 0
                                    

JANA

"WALA bang balak sumama sa pagre-review ang Zild na 'yon?" tila naiinis na tanong ni Niko sa akin habang nandito kami sa library.

Nagkibit balikat ako. "I don't know." He only tsk-ed at nanahimik na din.

Binalik ko naman ang tingin sa Math book ko. Pero ilang minuto ko na atang tinititigan ang mga formulas pero wala pa ding pumapasok sa utak ko. Seriously? Third day of the week na kaya ngayon tapos third day na din ng pagre-review namin. Pero sa tatlong araw na 'yon, hindi man lang nagpakita si Alvarez. Ano 'yun? Pumasok lang siya noong umaga ng Monday tapos wala na? Ang galing naman ng tigre na 'yun. Sarap ingudngud sa putik. Psh.

Napapitlag naman ako ng medyo malakas na ipatong ni Niko ang libro niya sa lamesa. Napatingin din sa amin ang ibang grade na nagre-review din.

He looked at me. "Alam ba ng Zild na 'yan kung gaano kagagaling ang mga makakalaban natin? Tayo nagpapakahirap dito tapos siya pa-absent absent lang? That asshole is so unfair," galit na turan ni Niko. Kahit naka-eyeglasses siya, kitang kita ko pa din ang inis sa mga mata niya. Well, gets ko naman siya. Magagaling ang mga makakalaban namin kaya kailangan talaga naming mag-review ng maigi. Sa Zonal kasi, kahit individual ang paraan ng pagsagot, by group naman ang scoring. Kaya ang technique doon, kailangan mataas ang makuha naming tatlo para sure na pasok na kami sa Division level.

"Who's the asshole?" natigilan kami ng marinig ang isang boses. Napatingin ako sa lalaking naglalakad palapit sa direksyon namin. Oh, speaking of the tiger.

Napatingin naman ako kay Niko. Lagot na ang isang 'to. Dada kasi ng dada, narinig naman pala niya.

"I'm talking about the asshole who doesn't have any damn about the upcoming MTAP challenge. Wala yatang common sense at paabsent-absent lang kahit kailangan naming magreview ng maigi," sarcastic na sabi ni Niko at buong tapang na hinarap si Alvarez. Napa-facepalm ako. Oo nga pala, malakas din pala ang apog ng lalaking 'to. Walang kinakatakutan. Bully din kasi 'tong Vinos na 'to kahit na matalino. Pareho lang silang dalawa.

"Oh really? But I heard that the asshole you are talking about is really a genius one," ngisi naman ni Alvarez. Napailing-iling ako at sumandal na lang sa upuan ko at tinignan ang Math book ko. Bahala sila dyan. Magpatayan pa sila sa tabi ko wala akong pakeelam. Ngayon na nga lang kami makokompleto tapos ganyan pa sila? Hayst.

"Talaga? Genius? Baka a stupid one 'yon at hindi genius?" kahit hindi ko sila tignan, alam kong nakangisi na din si Niko ngayon. Haynako. Nag-asaran pa. Bakit kaya hindi na lang niya pangalanan si Alvarez kahit obvious namang siya 'yung tinutukoy niya?

Bahagyang natawa ang tigre kaya napatingin ako sa kanya. Ngumisi siya ng malawak. "Well, that guy might be stupid, but he's really handsome. How about you? You're just a smart mother fucker who pretends like a nerd well honestly, you're eyes are okay. Ano 'yan? Costume? Nasaan ka ba? Roleplay?" uh oh, the tiger just hit the jackpot. Nawala ang ngisi ni Niko at kita na ngayon ang namumula niyang mukha dahil sa galit. Insultuhin mo na kasi siya, huwag mo lang idamay 'yung eyeglasses niya. He's known as the 'dakilang nerd' because of his eyeglasses. Ayaw niya ding namumura siya kahit siya mismo, nagmumura. At itong tigre na 'to, ginamit 'yon para pikunin siya. Dinagdagan niya pa ng kahanginan. Tsk.

Nakakuyom na ang mga kamay ni Niko. Binaba ko ang Math book ko at napabuntong hininga. Gulo na 'to for sure.

"Hey! What's happening there?!" Nakahinga ako ng maluwag ng biglang dumating ang librarian. Wow po ha? Kanina pa sila nagsasagutan dyan ngayon ka lang po lalapit? Tsk.

"Why? You want to join our fight?" the tiger asked and smirked. Natigilan naman ang librarian at parang nanginig ang mga tuhod.

"M-Mr. Alvarez...hehe h-hindi naman. Sige, t-tuloy niyo na 'y-yan..." napanganga ako dahil umalis agad ang librarian pagkatapos sabihin 'yon. Nagtanong lang 'tong tigre na 'to natakot na agad. Estudyante na pala ang kinakatakutan ngayon. Bago 'yun ah?

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon