Chapter 62: Family Hug

348 14 0
                                    

JANA

TAHIMIK lang ako habang naglalakad kami ni Lucy papuntang gym. After we went out of the cafeteria and left all of them dumbfounded, hindi na ako nagsalita. Nanahimik din si Lucy sa tabi ko at alam kong nagdadalawang isip siya kung magsasalita ba siya o hindi.

While we are walking towards the gym, the students are staring at us, at me to be exact. They are staring at me like a predator who finally found their prey. Para silang mangangain dahil sa talim ng mga titig nila. But the hell I care? Hindi naman ako mamamatay sa mga tingin nila.

I stopped when I felt Lucy's uneasiness. "Don't mind them." Sambit ko. I was about to walk again but she held my hand. Nilingon ko siya at sinenyasan niya akong pumunta kami sa cr. Tumango lang ako at sabay kaming lumiko ng daan.

When we entered the restroom, Lucy checked all of the cubicles and when she made sure that no one is here, she locked the door. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. "Anong ginagawa mo?"

Nag-iwas siya saglit ng tingin ngunit tumingin din sa akin ng diretso pagkatapos. Sa tingin pa lang niya, alam ko ng magtatanong siya. I readied myself for any questions that might slip out of her tongue. "Why did you say that you hate him?" Natigilan ako sa una niyang tanong. Her eyes are full of confusion. Well, sino ba namang hindi? I just said that I won't get mad at him but I will hate him.

"Because I truly hate him?" Patanong na sagot ko at kumunot naman ang noo niya.

"But you told me you love him."

"I did. I loved him." Sambit ko. Mas lalong kumunot ang kunot niyang noo.

"L-Loved?"

Natawa ako. "Yes, loved. Past tense, Lucy."

"Don't tell me..."

I laughed even more. "Na naka move-on na ako? Honestly, hindi pa. I loved him Lucy, and I'm still loving him. But I need to hate him in order to get rid of that love. Kasi hindi ko alam kung kailan matatapos ito kung hindi ako gagawa ng paraan. I won't get mad at him because he judged me. But I will hate him because I can't love him anymore." Sambit ko. Nawala ang pagkunot ng noo ni Lucy at mukhang naiintindihan na ang punto ko. Pero nagsimulang magtubig ang mga mata niya. "Why? Because sometimes, love will be the thing that will totally kill you inside. And if I won't stop this, I'll die." Nang sinabi ko iyon, tuluyan na naman siyang naiyak sa harap ko. Napasimangot tuloy ako. Kanina pa umiiyak ito ah? Parang nahahawa tuloy ako.

"S-Sorry. H-Hindi na dapat a-ako nagtanong." Ngumiti na lang ako at ako na mismo ang nagpunas ng luha niya. I promised to myself that I won't cry anymore. Maybe that's why my feeling gets lighter when I saw Lucy crying in front of me, because she's the one who's crying for me instead of me. Siya ang umiiyak para sa akin dahil alam niyang ayaw ko ng umiyak.

Hindi na ako iiyak.

I looked at my watch and saw that it's already pass eight. Siguradong madami ng tao sa gym. "Let's go. Baka hindi natin marinig ang announcement." She only nodded and fixed herself before we went to the gym.

Pagkarating namin doon ay marami na ngang tao. Ang ilan sa mga estudyante ay napatingin pa sa amin. We ignored them. Hindi na din sila tinitignan ni Lucy na para lang silang hangin na hindi nakikita.

Umupo kami sa pinakamataas na bleachers at ramdam ko ang mga matang nakasunod sa amin, sa akin. I rolled my eyes heavenwards. Ano bang napapala nila sa pagsunod ng tingin sa akin? Ikakaganda ba nila 'yan? Kung nakakamatay lang ang pagtitig sa isang tao, siguro lahat ng estudyante ngayon dito, patay na. Sarap manusok ng mata tapos ipakain sa buwaya. Psh.

"Don't mind them." I looked at Lucy when she said that. Ngumisi lang siya at natawa naman ako dahil ginaya niya lang 'yung sinabi ko kanina. I guess naka-recover siya kaagad sa pag-iyak niya kanina, ano?

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon