JANA
UMUPO muna ako sa isang stool dito at kumuha ng bottled water. Diniretsong lagok ko iyon at napahinga ng malalim. Pagod na pagod ako pero alam kong kaya ko pa. Inabot ko ang isang towel at nagpunas ng pawis.
I inhaled and exhaled three times at nagdesisyon ng tumayo. Okay naman na siguro ang isang oras na workout dito sa gym namin sa bahay. Medyo hindi ko na din kasi ito nagagawa dahil naging busy ako sa pagre-review. But now that I have a free time, nag-workout muna ako.
Lumabas ako ng gym namin at pumunta ng kusina. Naabutan ko doon si Yaya na kasalukuyan ng nagluluto ng dinner namin. Dinungaw ko saglit ang ulo ko sa sala and looked at the wall clock. 6:34 na pala ng gabi.
"Ang bango naman n'yan Ya'!" sabi ko at sinilip kung anong niluluto niya. Then I saw na ginataang tilapia pala iyon. Napangisi ako dahil amoy at itsura pa lang, busog ka na. Pero syempre, kailangan ko pa din isubo 'yun. Para talagang busog na busog.
"Ikaw bata ka, umakyat ka kaya muna at magpalit? Pawis na pawis ka na," sabi ni Yaya nang lumingon siya sa akin. Napatingin naman ako sa katawan at damit ko dahil sa sinabi niya. Obvious bang pawis ako? Well, siguro. Naka-sports bra lang kasi ako at cycling shorts. Kita ngayon ang tiyan ko at may mga butil pa ng pawis iyon. Wow ha? Bakit nakalimutan kong punasan 'yon?
"Yes ma'am!" sabi ko at tumakbo na pataas.
Pumasok ako sa kwarto ko. Pero imbes na magpalit, umupo muna ako sa kama.
I decided to have a workout today dahil madalang ko na lang itong nagagawa. Though, sabi naman ni Yaya ay parang wala namang nagbago sa katawan ko. Gano'n pa din, payat pero sakto lang. Hindi tulad ng ibang tao na mukha ng kawayan sa sobrang payat.
Napalingon naman ako sa ilalim ng study table ko at napangiti ng makita si Foody na natutulog doon. Even him ay hindi ko na naipapasyal. Nawawalan na ako ng oras na hindi naman nangyayari noon.
"Tutor na kasi ako, finder pa ng babae. Tsk," napailing-iling ako. Tutoring the Section C is not my responsibility. Pero dahil ako ang inaasahan nila, wala akong magagawa. Well, gusto ko din naman ito eh. Atleast may natutulungan kahit medyo nahihirapan.
As a finder naman? Mahirap...sobra. Ang hirap kasing pakisamahan no'ng lalaking hinahanapan ko, 'yung tigre. Hindi ko mawari kung ano ba talagang nasa utak. Until now nga hindi ko pa din alam kung paanong magkasama sila ni Celestine noon sa Mall. But well, wala naman na akong pakeelam. Okay nga 'yon eh, atleast may improvement. Lumalabas na siya ngayon kasama ang mga babae at mukhang hindi naman niya sinusungitan si Celestine 'di tulad ng ibang babae noon. So mga tipo pala ni Celestine ang gusto niya, huh? Hollie said na isang masamang babae ang Madrigal na 'yun.
I smirked. "Bitches pala ang gusto niya," napatango-tango ako. At the end, napabuntong hininga na lang ako at tumayo.
Magpapalit na lang ako at kakain kahit katatapos ko lang mag-workout. Kakaiba na naman kasi ang nararamdaman ko. 'Yung puso ko kasi, sumasalungat sa sinasabi ko. Bwiset.
~~~
Pumasok na ako ng gate at nagsimulang maglakad papuntang classroom namin. Every students na nadadaanan ko ay nagbubulong-bulungan. But it looks like hindi naman ako kasama doon dahil hindi naman ako pinagtitinginan. Mukhang may issue na namang nangyari. What is it this time?
Nang madaanan ko ang dati kong classroom, nakita kong nakasandal doon si Lucy at mukhang may inaabangan.
"Hoy! Sino hinihintay mo? Si Jay?" ngisi ko at agad siyang napatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at agad na lumapit sa akin. I thought magre-react siya sa sinabi ko pero may sinabi siyang iba.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Novela JuvenilSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...