JANA
"HINDI. Pilit lang 'yun eh" naiiling na sabi ko at naghanap ulit ng babaeng tumatawa.
May nakita naman ako malapit sa swing na tumatawa habang kakwentuhan ang mga kaibigan niya. She's laughing pero hindi naman tumatawa ang mga mata niya. Obvious na pinipilit niya lang tumawa. Siguro para makaride naman sa mga kaibigan niya. I shook my head. Hindi din.
Mukha na siguro akong weird dito na naghahanap ng mga babaeng tumatawa. Nasa park kasi ako ngayon na malapit lang sa bahay namin. Dito na ako bumaba imbes na dumiretso sa bahay galing AU. Sabi naman kasi ni Bwiset dapat babae na kayang tumawa ng buong puso.
Kanina pa ako dito pero wala pa din. Kung hindi pilit ang tawa, tunog palaka naman kung tumawa. Shet lang. Wala pa din akong makita. Arte naman kasi ng Alvarez na 'yun. Tangina niya. Diba pwede na basta maganda na lang kung tumawa? Kailangan may puso talaga? Paano ko naman kaya malalaman kung tumatawa ang isang babae ng buong puso? Hayst. Hindi ko na alam pero nagbebase na lang ako sa mga mata nila. They say that if you're laughing, your eyes will laugh too. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero mukhang totoo nga dahil kapag tinitignan ko 'yung mga mata nila, nakikita kong pilit lang. Paano kaya 'yun?
"Grabe naman ang isang iyon. Parang mangkukulam eh" I murmured and looked for an another lady that is laughing. Wala naman na kasi akong maisip na paraan para makahanap ng ganung babae. Kaya dito na lang. Bakit? Malalaman mo ba na kayang tumawa ng isang babae ng buong puso kung nakita mo lang ang picture niya sa dating app? Hindi naman eh. Unless kung tumatawa mag-isa 'yung picture. Wow magic.
Then I noticed one lady. Tumatawa siya habang tinutulak ang swing kung saan nakaupo ang isang batang lalaki na tuwang tuwa. I noticed her eyes, its sparkling and expressing a real joy. Medyo malakas lakas ang tawa niya pati ng bata pero maganda naman sa pandinig. Sakto lang ang height, maputi at maganda. Hanggang balikat lang naman ang buhok niya na obvious na narebond. Mukha din namang kasing edad lang namin siya.
Napangiti ako ng mahanap ang babaeng kailangan ko para sa tipo ni Alvarez. A girl that can laugh with all her heart. She damn fits for that.
Pinagmasdan ko muna sila sandali. Nang mapansin kong tumakbo papunta malapit sa monkey bars ang batang lalaki para makipaglaro sa ilang mga batang lalaki doon at naupo siya sa isang bench para pagmasdan ito ay lumapit na ako sa kanya. I sat down beside her. Nanatili naman ang mga mata niya sa batang lalaki na nakikipaghabulan na.
I faced her with a smile. "Hi" sabi ko at agad siyang napalingon sa akin.
Pilit siyang ngumiti dahil siguro sa pagkailang. "H-hello" tipid na sagot niya lamang. Mahiyain siguro 'to.
"May I ask your name?" tanong ko. Paksyet mo Alvarez. Kung hindi lang dahil sa Finding Ms. Right mo hindi ko 'to gagawin eh.
"Aileen. Aileen Cordova" she answered with a smile. Tumango naman ako.
Nagpakilala din ako sa kanya. Nagkwentuhan lang kami saglit at naging komportable din kami sa isa't isa. Nalaman kong magkasing edad nga talaga kami pero sa ibang University siya nag-aaral. Hindi na ako nagtaka, hindi naman kasi siya pamilyar sa akin. Tinanong ko kung sino 'yung batang kasama niya at sabi niya kapatid niya daw. I felt relieved. Aba malay ko naman diba? Baka anak niya pala 'yan. For sure hindi gusto ni Bwiset ang may sabit na. Kasalanan ko pa.
Tinanong niya kung taken na ako at agad ko namang sinabi ni hindi. Ako taken? Imposible na 'yan. Walang maglalakas loob na manligaw sa akin. Tinanong ko din kung taken na siya at napangisi na lang ako when she also said no. Sakto!
I told her na may ipapakilala ako sa kanya. Gwapo, mabait, mayaman at matalino. Masuka-suka ako habang sinasabi ang mga 'yan na kabaliktaran naman talaga eh. Malay ko ba sa mga babae sa AU. Nagkakandarapa kay Alvarez eh kambal nga sila ng kuko ko eh.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Ficção AdolescenteSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...