JANA
BUMABA na ako ng taxi at sumalubong agad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. I roamed my eyes around the place at medyo madilim.
Nandito ako ngayon sa isang street. May nakikita din naman akong mga naglalakad na tao pero hindi ko makita sila Rico. Aish! Nasaan ba sila?
Nagsimula akong maglakad lakad and tried to ask the people na naglalakad kung may nakita silang mga lalaki na kasing edad ko but they only kept on answering me, no.
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang tunnel. Hindi naman madilim sa loob dahil may mga ilaw and something is pushing me to go inside. Papasok ba ako? Dahil likas na masunurin ako, edi papasok ako.
I was about to enter the tunnel when someone grabbed my right hand. Napasubsob ako sa dibdib ng kung sino mang poncho pilato na 'to. When I raised my head, nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino.
"It's too dangerous for a lady to be in this kind of place." sabi niya. Naamoy ko ang mabango niyang hininga at doon ko napagtantong sobrang lapit namin sa isa't isa. When I heard the loud pound of my heart, I immediately went away from him.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya.
"You mean, anong ginagawa namin dito?" agad akong napatingin sa likod niya ng marinig ang boses ni Darren. And there, I saw his jerk friends. Pa-cool pa sila kung maglakad.
"Anong ginagawa niyo dito?"
"Kami yata ang dapat magtanong sayo nyan. Anong ginagawa mo dito, Jana?" tanong ni Inigo.
"Shhhh.... " Alvarez gestured. Nang matahimik kami, nakarinig kami ng mga tunog sa loob ng tunnel. Parang tunog ng tubo na nakikiskis sa lupa.
The four of them looked at each other at nagtanguan sila. 'Di man lang ako sinali.
Tumingin naman sa akin si Alvarez. "You'll stay here." he said with authority. Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay mabilis na silang tumakbo papasok.
Napaawang ang labi ko. So, ganon? Walanghiya. Iwan ba naman ako? Mga gago talaga.
"You'll stay here." I said in a mockery tone at napairap sa hangin. Sino ba siya para sundin ko? Papasok ako kung kailan ko gusto.
Lalakad na sana ako papasok ng matigilan ako. Papasok ba ako? Sige na nga. Pero 'di pa man din ako nakakailang hakbang ay bumalik din ako sa pinanggalingan ko.
"Aish! Ba't kasi iniwan ako?!" inis na sabi ko at napapadyak padyak.
Napasandal na lang ako sa bungad ng tunnel at napabuntong hininga. I looked at my phone's screen at nakitang 8:24 pm na. Ang dami na ding missed calls ni Yaya at mga texts na sinasabing umuwi na ako at nagtatanong kung okay lang ba ako. She's now worried but I can't go home now because I need to make sure that my classmates are fine.
Nakailang minuto din siguro akong nakasandal doon. Pero nang hindi na talaga ako mapakali, I decided to follow them inside. Pinilit kong huwag gumawa ng kahit anong ingay habang naglalakad papasok. This tunnel also looks old at madami na ding mga vandals. Mukhang hindi na din ito pinupuntahan at dinadaanan ng mga tao. Perfect place for basagan ng ulo.
Nakarinig na ako ng mga ingay habang naglalakad. May tunog ng mga bumabagsak na bagay at mga boses ng mga lalaking nagmumurahan. When I reached the center of the tunnel, I saw them. Ang buong Section C ay ngayo'y nakikipagbugbugan sa mga lalaking halos kasing edad lang din namin. Halos pantay lang din ang bilang nila at parehong nagpapalitan ng mga suntok.
I saw Alvarez punching someone on it's face. Kaya palang sumuntok nito? Bakit kaya hindi ako sinuntok nito ng sinuntok ko siya noon? Pero infairness, linis niya mangbugb--err. What am I talking about?
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Ficção AdolescenteSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...