JANA
HINDI ko alam kung paano ko sisimulan. Nakaisang daang buntong hininga na nga ata ako dito. Paano 'pag galit pa siya?
Kahit pagdoorbell hindi ko magawa. Kanina pa ako nakatayo dito pero wala pa ding nagagawa. Kakainis naman eh. Nasaan na ang tapang mo Jana? Hayst.
I looked at the mansion infront of me, Mendoza's mansion. Gusto ko kasing kausapin si Lucy. Sabihin sa kanya na 'di na ako tuloy sa pag-alis sa AU.
I sighed. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa eh makapal mukha mo" I said trying to encourage myself.
Nagdoorbell ako ng tatlong beses. Ilang sandali pa'y bumukas ang gate ng kaunti at sumilip ang isang babae, isa sa mga katulong nila. "Anong... M-ma'am Jana?" natanong niya ng makita kung sino ako.
I forced a smile. "Si Lucy po?" tanong ko. Binuksan na niya ng tuluyan ang gate at lumabas para lumapit sa akin.
"Wala po dito ngayon si Ma'am Lucy" magalang na sabi niya. Though, mas matanda naman siya sa akin. I think she's four or five years older than me. Matagal na din siya dito sa pagkakaalam ko.
"Bakit? Nasaan po siya?" tanong ko naman. Syempre may 'po' pa din dahil mas matanda naman siya sa akin.
Atsaka nasaan naman si Lucy? Bakit wala dito 'yun?
"Hindi ko po alam eh. Basta umalis po siya kaninang umaga" sagot niya.
"May kasama po ba siya? O saan siya pupunta?" tanong ko ulit. Tila nag-isip naman siya.
"Wala naman siyang sinabi na pupuntahan niya. Pero kanina, sinundo siya ng isang gwapong lalaki"
"Po?!" gulat na tanong ko. Ano daw?! Lalaki?! As in lalaki?! Huwag mong sabihing boyfriend niya 'yon?
Napatingin naman ako sa kanya na napaatras dahil sa biglaang pagsigaw ko. Napatikhim ako at napipilitang ngumiti. "S-sige po. Mauna na po ako, thank you"
After saying goodbye ay nagsimula na akong maglakad. Sunday ng umaga na ngayon. Kung kailan naman kakausapin ko siya tsaka naman wala sa bahay nila. Naka-off naman kasi ang phone niya kaya hindi matawagan kaya pumunta na lang ako sa bahay nila.
Sana pala hindi ko agad pinaalis si Manong Sic kanina. Balak ko kasing yayain na magmall ang gaga pagnagkataon. Ang kaso! Wala pala at may kasama pa daw na lalaki? The heck?! Sino naman kaya iyon?
I tried calling her again pero naka-off pa din ang phone niya. Ugh! Nasaan na ba kasi iyon?
But I know Lucy, hindi siya sasama sa kung sino mang tao lalo na kung hindi niya kilala. Tanga man 'yun madalas ay marunong din naman siyang mag-isip. Kung sumama siya sa lalaki na iyon, it means she know him.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman siguro kailangang mag-alala masyado. She can take care of herself.
Pumara na ako ng taxi at nagpasyang umuwi na ng bahay. Saan naman kasi ako pupunta? Ayoko namang magmall ng mag-isa.
Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay nasalubong ko agad si Yaya na mukhang nagulat pa ng makita ako. "Oh Jana? 'Kala ko ba magbabonding kayo ni Lucy?" she asked.
"Wala po siya sa bahay nila eh. I guess she went out with a friend" sabi ko at tumango lang si Yaya. Doon ko napansing may dala siyang wallet at nakabihis. "'Ya, saan po kayo pupunta?" I asked out of curiosity.
"Maggro-grocery lang. Paubos na pala kasi 'yung stock natin dito" sabi niya. Grocery? Kung aalis si Yaya edi maiiwan ako dito mag-isa.
"Sama ako 'ya!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Novela JuvenilSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...