JANA
I went out of our car. Sumalubong kaagad sa akin ang ilang malalaking bus na naka-park sa harap ng AU. I saw some teachers standing in front of the buses and doing some roll calls. Some of the students are already sitting in their respective buses. By section kasi ang bawat bus. One bus per section. But in our case, ang dalawang section ay magsasama sa isang bus since hindi naman kayang punuin ng isang section ang isang bus.
"Jana!" Napalingon ako sa babaeng nakangiti habang nakatingin sa akin. But, some students also turned their heads towards us. Hindi ko na lang sila pinansin at tipid na ngumiti kay Lucy. "I thought hindi ka pupunta."
I laughed a bit. "Of course, I'll come. Hindi ko ito pwedeng palagpasin." Sambit ko. Ngumiti na lang si Lucy at sabay kaming naglakad patungo sa assigned bus ng Section 10-A and 10-B. Sila kasi ang makakasama namin sa bus.
"Lucy Mendoza." When we get there, saktong tinawag na ang pangalan ni Lucy.
"Sir, sinong katabi ko?" Tanong ni Lucy kay Sir Dela Vega. Napatingin naman ako sa bus at mukhang malapit ng mapuno ang bus namin.
"Isang babae from section B." Sagot ni Sir at napasimangot si Lucy. By surnames kasi ang sitting arrangement. Hindi ko din alam kung bakit pero mas madali daw nilang mamomonitor kung gano'n. Natawa naman ako kaya napatingin sa akin si Sir. "And Jana, doon ka sa bus ng section C sasakay dahil puno na ang mga bus at doon na lang may vacant." Pero kaagad akong napatigil ng marinig ko ang sinabi ni Sir. Lucy and I looked at each other.
"B-But Sir-" Lucy was about to say something but Sir Dela Vega raised his hand.
"No buts. Go inside, Ms. Mendoza," sambit ni Sir at sinenyasan akong sumunod sa kanya. Lucy looked at me with a sad face. Pilit na lang akong ngumiti.
"Go." Sabi ko with hand gesture pa na pumasok na siya. She looked at me with a serious face so I smiled even more. "I'll be fine."
"Sure?"
"Very sure." Sambit ko. Ngumiti lang siya at niyakap ako bago pumasok sa bus.
Sumunod naman ako kay Sir na ilang metro na ang layo sa akin.
"Makakasama niyo ang section c ng grade 9 sa bus. But, may isa pa silang bakante at sakto namang ikaw lang ang wala ng mauupuan, doon ka na lang." He said while grinning. Naningkit ang mga mata ko.
"Hindi naman po siguro ito sinasadya, 'diba po Sir?" Natawa si Sir sa tanong ko.
"Of course not." He said while shaking his head and I nodded continuously. Kahit hindi naman siya umamin, alam ko naman.
"Okay, Sir." Hindi na lang ako nagsalita. Maybe Rico and the boys requested it. But it can also be those assholes. Sana naman hindi ang apat na iyon.
Nang makarating kami sa tapat ng bus, naghihintay na doon si Sir Valle. Nag-usap lang silang dalawa at hindi mawala ang ngiti sa mga labi nila. Kung hindi ko lang naririnig na nagbibilin si Sir Dela Vega ay baka isipin kong may balak sila sa akin dahil sa mga ngiti nila. Ugh. Siguradong planado ang pag-upo ko dito sa bus na ito.
Sir Dela Vega bid his goodbye and went back to my original bus. Nginitian ko si Sir Valle at sinuklian niya ako ng isang ngisi na mapanukso. Napangiwi ako. "Sir, hindi ito planado 'di ba?" He laughed like the way Sir Dela Vega laughed at me. Sabi ko na nga ba.
"Of course not." Tangina. Pati sagot nila pareho. Scripted ba toh? "Let's go?" I just nodded and followed him inside the bus since my things are already on the compartment.
Pagka-akyat pa lang namin sa bus, narinig ko kaagad ang ingay ng buong Section C.
"Jana!" I heard Lucas calling my name at nakita kong nasa pang-apat siyang row sa left side. I just nodded at him at umatras ng kunti para mapunta ako sa likod ni Sir Valle. The bus is big enough for two person to stand in the middle of the way. Kahit magkatabi kami ni Sir, kasya pa din kami.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...