JANA
"HOW'S MTAP?"
Imbes na sagutin si Lucy, sinubsob ko lang ang ulo ko sa table dito sa cafeteria. It's already lunch time but I still don't have the appetite to eat. Hindi ko din alam. Basta wala akong gana.
"Huy! What's nangyayari to you? I heard nag-place naman daw kayo? Then your guys were able to make pasok pasok in the Division? So what's your problema?" tanong ni Lucy at tinignan ko siya.
"Alam mo naman palang pasok kami tapos magtatanong ka pa? Sabunutan kita dyan, makita mo," sabi ko at inirapan siya. 'Tong babaeng 'to talaga, kahit kailan hindi nag-iisip. 'Yung utak niya nasa talampakan niya ata. Tsk.
"You ha! You're so sungit sungit? Meron ka noh?" sinipa ko 'yung paa niya sa ibaba ng lamesa no'ng hindi pa siya tumigil. Pero ang bruha mukhang nakatunog yata dahil 'yung upuan niya ang nasipa ko at hindi 'yung paa niya. I only tsk-ed while she stucked her tongue out. Parang bata. Bwiset.
"Kamusta kayo ni Jay?" unti unti namang nawala ang ngiti niya ng biglaan ko 'yang itanong. I smirked. Got you!
"A-anong kamusta kami?"
"Diba may something sa inyo?" I said while smirking at nanlaki ang mga mata niya.
"H-hoy! Wala a-ah!"
"Ba't ka nauutal?"
"Masama?"
"Oo."
"Nagsabi?"
"Ako."
Inirapan niya lang ako at tinawanan ko lang siya. Kita mo nga naman. Isang banggit ko pa lang sa pangalan ng babaero na 'yun taob na agad 'tong babaita na 'to. There must really something going on between them. I can feel it. Kailangan ko lang ng confirmation.
"Mag-iingat ka," I said at sumandal sa upuan ko.
She frowned. "What do you mean?"
Ngumisi naman ako. "Jay is known for his handsome looks. But he is also famous because he's a Casanova, a heart breaker. And every heart breaker is a liar. You should be careful on going out with him. Ngayon pa nga lang na natututunan mo ng mag-cut ng klase. I'm sure, madami pa siyang maituturo sayo." I said at sumeryoso ang mukha ni Lucy.
"Sinisiraan mo ba siya?" tanong ni Lucy and I shrugged. Sinisiraan? I'm just stating a fact.
I also looked at her seriously. "Jay is my friend, he's a good friend. Pero hindi lahat ng mabuting kaibigan, palaging totoo sayo. I'm just saying na huwag mong hayaan na sakupin niya ang buong puso at isip mo. Huwag kang maging sunod sunuran kung sakaling ginagawa ka niyang aso. If he said na mag-cut ka, it will depend on you kung gagawin mo talaga. Hindi ko siya sinisiraan, I'm just giving you a warning. And besides," I said at lumingon sa pinto ng cafeteria ng bumukas ito. Pumasok si Jay at napangisi ako ng makitang kasama niya si Carla. I looked at Lucy. "Hindi imbes sinabi niyang gusto o mahal ka niya, hindi na pwedeng iwanan ka niya. Tandaan mo 'yan," sabi ko at tumayo na ng makita kong natulala na siya habang pinagmamasdan sila Carla at Jay na umupo sa isang table.
Naglakad ako palapit sa kanilang dalawa. They are both talking. Itong Carla na 'to, kapit na kapit pa sa braso ni Jay na kulang na lang yakapin niya talaga. Tapos itong lalaki naman na 'to, tawa pa ng tawa at halata namang gustong gusto niya.
I smirked. "It looks like you two are enjoying each others company?" natigilan silang dalawa sa paglalandian na ewan ng magsalita ako.
Nagtaas naman ng kilay si Carla at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Excuse me? Pero sino ka?" muntik na akong matawa sa tanong niya. I forgot, kaka-transfer nga lang pala ng palaka na 'to. Hindi niya pa ako kilala.
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Ficção AdolescenteSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...