Chapter 10: Sick

432 17 0
                                    

JANA

ITS been one month but still no progress. Anim sa list ang tanggal na and there are only eight left. At ni isa sa anim na iyon, walang sinipot ang gago. Oo! Wala siyang sinipot ni isa.

Palagi akong nagseset ng meeting place nila para makipagkita si Alvarez but that guy is really a pain in the ass at hindi talaga sumisipot. Kaya lahat ng babaeng iyon ay galit na galit na sa akin sa pag-aakalang ako ang hinayupak na lalaking iyon.

Two months na lang at kailangan ko ng makahanap ng babae na mamahalin niya. But that's impossible right? Paano niya mamahalin ang isang babae na 'di niya man lang nakikita? Ang labo talaga ng lalaking iyon. I want to give up in that one month because that guy is really evil. Ang sama ng ugali, sarap ipakain sa elepante.

Hindi ko naman siya nakikita sa AU dahil mukhang hindi pumapasok or laging nandoon sa tambayan nila. Gusto ko din sanang magtanong kay nila Darren pero paano kung minsan ko lang din sila makita? Nakakainis talaga.

"Hey! That isda is already patay na. Gusto mo bang maging double dead that?" imik ni Lucy at napatingin ako sa fish na kinakain ko.

I just sighed and continued to eat. Nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch time na. Inaabangan ko nga napapasok 'yung apat pero wala, mukhang sa tambayan nila sila kumakain.

Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay agad akong nagpaalam kay Lucy dahil gusto ko ng umuwi. She just nodded at mukha daw akong magkakasakit. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at umuwi na. Gladly, nag-aabang na si Kuya Sic sa parking lot kaya agad din kaming nakauwi.

Dumiretso ako agad sa kwarto kahit naririnig ko ang pagtahol ni Foodie. I can't play with him right now, feeling ko talaga pagod ako.

Sumalampak ako agad sa kama ko at pumikit. I just want to rest dahil bigo na naman akong makausap ang Alvarez na iyon. Talaga bang pinaninindigan niya 'yung sinabi ko na siya na ang bahala kung sisipot ba siya o hindi?

"Ugh!" I want to slap myself right now. Sana pala hindi ko na lang sinabi dahil mukhang sineryoso niya ang sinabi ko. Nakakainis talaga ang lalaking iyon.

I was there, sa lahat ng meeting place at nakikita ko ang mga babaeng sineset ko ng meet up sa kanya. Nakikita ko din ang galit sa mga mata nila dahil halos inaabot sila ng isang oras kakahintay sa lalaking iyon pero ni anino ay 'di dumating. Palagi kong inaasahan ang pagdating ng lalaking iyon pero hindi talaga siya sumisipot. I always text him pero hindi siya nagrereply. I also call him pero hindi sinasagot o kaya minsan ay naka-off ang phone niya. Damn that guy. He's really making me suffer.

Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko but I didn't bother to look who it is at nanatiling nakahiga.

"Jana? Matutulog ka na ba? Hindi pa tayo kumakain ng dinner ah" narinig ko ang boses ni Yaya Linda at naramdaman ang pag-upo niya sa kama. I forced myself to sit up upang magkaharapan kami.

"Opo 'ya, pagod po kasi ako. Sorry" sabi ko na lang. Tinanong niya kung okay lang ba ako and I said yes. But no! I'm not, nakakainis kasi si Alvarez. Ugh!

Napatingin ako sa notebook na nasa study table ko at kinuha ito. Binasa ko ang pangpitong babae sa list. Should I set a meet up again?

I sighed. Kinuha ko ang phone ko at nagsent ng message sa bwiset na lalaking iyon.

To: Mr. Bwiset

Katrina West. 17 years-old. Her family owns hotels in the country. A model.

Nag-atach din ako ng photo ng picture ni Katrina para makita niya. I sent it to him and waited a reply but I got none. Nakakainis!

Kahit walang reply ang tanginang lalaki na 'yon ay minessage ko si Katrina. Napag-usapan namin ang meeting place. Kahit walang assurance na dadating ang lalaking iyon. I don't know how I managed to say sweet swords again pero ang mas iniisip ko ngayon na sana ay sumipot siya.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon