JANA
IT'S already 9 in the evening and I am currently trying so hard to sleep but I really can't. Tulog na tulog na si Lucy sa tabi ko pero ako, kahit antok man lang ay wala. Pumikit na lang ako ulit at pinilit na matulog pero wala talaga.
Dahan-dahan akong umupo sa loob ng tent. Nilingon ko si Lucy at mukhang ang sarap pa ng tulog ng gaga. Buti pa siya. I am sure that she's having a good night sleep because she spent her time with Jay a while ago. Natapos na kami kanina ni Darren sa ginagawa namin ay hindi pa din dumating iyong dalawa kanina. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ng dalawang 'to kanina dahil nakita ko na lang silang lumabas mula sa gubat. Hindi naman siguro sila gumawa ng milagro doon, 'di ba?
I just sighed and wore my jacket. Siguro maganda kung magpapahangin muna ako sa labas. I unzipped out tent and silently went outside. Sinara ko naman ito kaagad dahil kung hahayaan kong nakabukas ang tent namin, baka lamigin si Lucy sa loob.
Umayos ako ng tayo at nilibot ang tingin ko. Wala ng tao dito sa labas at napakatahimik. Napabuga ako ng umihip ang hangin. It swayed my hair and the cold wind made me tremble. Namulsa na lang ako at naglakad.
I walked towards the bench that is near at the woods. Ito din ang inupuan ko kanina bago kami kumain ng dinner at malayo-layo ito ng kaunti sa mga tent.
I sat down and rested my back. Malalim na ang gabi at malamig dito sa labas pero hindi ko ininda. I looked at the sky and stared at the shining stars. Naisip ko bigla, paano kaya kung naging bituin na lang ako? Siguro nando'n lang ako sa taas at pinapanood ang mga tao dito sa baba. I can see how they smile, laugh with their friends, cuddle with their families, hurt each other and shed million of tears. Iyong wala kang ibang gagawin kung hindi ang pagmasdan na lang sila. Siguro kung naging bituin ako, hindi ako masasaktan.
I laughed a bit with my own thoughts. Can you say that I am kind of a lunatic if I think that way? Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa kawalan. All I want for now is to heal. Pagkatapos siguro no'n, magagawa ko na silang harapin, magagawa ko na siyang harapin.
"Malalim na ang gabi, bakit hindi ka pa natutulog?" I immediately looked at my right side when I heard that voice. Napakunot ako ng noo ng makita ko na naman ang lalaki na 'to. Seriously? Bakit ba sa tuwing mag-isa ako ay eepal ang tsunggo na 'to?
Tumaas ang kilay ko. "Trabaho mo bang umepal sa tuwing mag-isa ako?" Tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya ng bahagya at umupo sa tabi ko. Kaagad akong umusog palayo sa kanya at narinig ko na naman ang tawa niya. Okay, I think he's crazier than me.
He shrugged. "Maybe destiny is making a way for us to talk."
"I didn't know you are that kind of lunatic." Kaagad na sambit ko and I heard him chuckle.
"And I didn't thought you can joke around like that."
"I'm not joking. Mukha ka talagang baliw na bakulaw."
"Ang gwapo ko namang bakulaw."
"Whatever, monkey." Tumawa siyang muli. Umirap na lang ako sa hangin at tumingin sa kawalan.
We were silent for minutes. No one dared to talk. And I can say, the silence between us is not awkward anymore. Bakit gano'n? Alam kong naiinis ako sa kanya but at the same time, ang gaan din ng loob ko.
"Do you know amnesia?" I was caught off guard of his sudden question. Napatingin ako sa kanya and I saw him looking up with a slight smile on his lips. Tangina. Bakit sa lahat ng itatanong niya, 'yun pa?
"At bakit mo naman naitanong 'yan?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
He shrugged. "I just want to know kung anong opinion mo sa sakit na 'yon."
BINABASA MO ANG
Finding Ms. Right
Teen FictionSi Jana Lyn Tolentino ay isang babaeng may pagka-boyish, matalino, mayaman, at maganda na hindi niya pinaniniwalaan. Umiiwas siya sa kahit na anong gulo dahil iyon ang bilin sa kanya ng kanyang ama pero sa totoo lang, kung suntukan, sabunutan at sam...