Chapter 37: Excellence in Math

368 9 0
                                    

JANA

KUMUNOT ang noo ko ng ipatawag kami ni Sir Valle sa office niya. Pinatawag niya kaming dalawa ni Alvarez sa hindi ko malamang dahilan. And yeah, pumasok na ulit ang tigre sa school. Yey! Tsk. Kahit naman pumapasok, hindi naman ata nag-aaral.

At isa pa, bwisit pa din ako sa kanya. Buti na lang talaga nalaman kong binibiro lang ako ni Yaya kahapon dahil naniniwala naman daw siyang mas mahalaga ang pag-aaral ko kaysa sa lovelife na 'yan. At tama naman siya doon, 'yon naman talaga ang pinaniniwalaan ko. At isa pa, wala akong balak pumasok sa mga love love na 'yan. Ang bata bata ko pa kaya. I'm only 17 at mag-e-eighteen pa lang. Tapos love life agad? No way.

"Siguro nakarating na hanggang Europe 'yang iniisip mo," I looked at him ng bigla siyang magsalita habang naglalakad kami papuntang Faculty Building.

I raised a brow. "Pake mo ba?" pagsusungit ko sa kanya. Okay lang 'yon, masungit din naman siya. Pasungitan kami.

He smirked. "Maybe you're thinking kung paano ako naging ganito kagwapo," sabi niya at humagalpak ako ng tawa. Ang hangin ng lalaking 'to. Grabe! "Why are you laughing?" kunot noo niyang tanong.

Ngumisi ako. "Hindi ba dapat? That's a joke, right?"

He showed me a serious face. "It's not."

"Oh sorry, I thought it's a joke," sabi ko at kinindatan siya. Sakto namang nakarating na kami sa harap ng pinto ng office ni Sir Valle. Kumatok ako habang masama pa din ang tingin sa akin ng lalaking 'to. Ha! Akala niya ha? Hindi niya yata ako matatalo pagdating sa asaran. Ako kaya ang reyna tungkol dyan.

When I heard a response from the inside, agad akong pumasok. Sumunod naman si Alvarez.

"Good morning Sir," I greeted ng maabutan namin siyang nakaupo sa swivel chair niya. Ngumiti lang siya sa akin. Tuloy tuloy namang pumasok si Alvarez at prenteng prente ng naupo sa isa sa mga upuan sa harapan ng table ni Sir. Napanganga ako. Walang modo talaga, ano?

Sinenyasan ako ni Sir na maupo and I did. Umupo ako sa harapan ng tigreng bastos at inirapan siya. Bwiset na 'to. Lahat talaga ng tao binabastos niya. Hambalusin ko siya ng dictionary, makita niya.

"Okay, so since the both of you are already here, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa," panimula ni Sir at tumingin sa aming dalawa.

He looked at me. "Jana, I know na suki ka na ng mga quiz bees diba? Well, hindi naman maiiwasan 'yon with the fact na palagi kang nangunguna sa lahat ng klase. And since you are skilled enough and already has the experience, you will be competing on the upcoming MTAP challenge." Napatango ako sa sinabi ni Sir. Hindi naman na bago sa akin iyon dahil last year, ako din naman ang pinili nila para sa MTAP. MTAP is a Math quiz bee at palaging mataas ang nakukuha kong place kaya siguro ako din ang palaging pinipili.

Pero wait, kung pinatawag ako ni Sir para sabihin iyon. Bakit pati si Alvarez? T-teka.. don't tell me isa ang tigre na 'to sa mga makakasama ko?

Then Sir Valle looked at him. "And since isa ka din Zild sa mga magagaling sa Math, you're going to compete too." Pagkasabi ni Sir no'n ay agad akong napanganga. So talagang makakasama ko siya?

"Okay," normal na sabi niya.

Napatikhim naman ako. "Sir, I-I'm just curious kung bakit siy-" he cut me off.

Tumawa si Sir. "Oo nga pala, hindi ka yata aware Miss Tolentino na si Zild ang pumapangalawa sayo pagdating sa subject na Math?"

Kumunot ang noo ko. "Po?"

"Zild excel in Math. Ang kaso, mababa ang ilang grades niya sa ibang subjects kaya nahihila ito. But if he will work hard, kayang kaya niyang makapasok sa top. And he's grade in Math last third quarter is 98," napanganga ako sa sinabi ni Sir at napatingin sa tigreng kasalukuyang nakangisi sa akin ngayon. Shit. 99 ang grade ko last grading at 98 ang kanya? Wow. Isang point lang pala ang pagitan namin.

Finding Ms. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon