So ayun masaya akong uuwi kasi nagawan ni Miggy ng paraan na makapag enrol ako sa kursong Business Ad. ang mahal nga pala ng tuition, sa isang buwan 1700 agad, kaya yung pinadala sakin ni Papa na 2000 ay 300 nalang, so ayun ng nasa tapat nako ng bahay ay nakarinig ako ng pagtatalo.
"Pa. naman, andaming public school dyan, bakit pinayagan nyopang dyan sa private eh alam nyo namang hindi natin kakayanin" sabi ni Kuya.
"Sean hayaan mona ang kapatid mo, wag mo ng alalahanin yun kaya ko yan wag kang mag alala" sagot naman ni Papa.
"Pa. hindi lang tuition ang ginagastos dyan, andami pang kung ano anong kailangan mong pagkagastusan" sagot ni Kuya.
"Bahala nga kayo dyan" medyo galit ng sagot ni Kuya. Ng wala nakong naririnig na pagtatalo ay pumasok nako sa bahay. Naabutan konalang na nakaupo si Papa sa isang upuan sa loob.
"Pa. andito napo ako" walang emosyon kong bungad at lumapit sa kanya para mag bless.
"Kamusta anak? nakapag enroll kaba?" tanong nya sakin.
"Opo, ayos napo" tipid kong sagot.
"Mabuti naman kung ganon" nakangiti nyang sagot, kinuha ko sa wallet yung sukli.
"Pa. ito po, labis po, 1700 lang po pala sa isang buwan" sagot ko at iniabot sa kanya yun.
"Ibili mo nalang anak ng mga gamit mo, pagkasyahin mo na ha, pasensya kana" sagot pa nya, ngumiti ako ng pilit bago sumagot
"Ayos lang yun Pa. ako po dapat nagsosorry kasi alam ko na nga po yung estado natin sa buhay, nagpilit padin ako pumasok dito" sagot ko.
Tumayo naman sya at ginulo ang buhok ko.
"Sya sige anak, maiwan na kita at akoy papasada na" natatawa nyang sagot.
"Sige po, ingat po" sagot ko at tuluyan na syang lumabas ng bahay, dumiretso ako sa kwarto, tinignan ang picture frame na nilalaman ng picture ni Hubert.
"Kawawa naman si Papa, ikaw kasi eh bakit kasi dyan kapa sa private pumasok" sabi ko sa picture ni Hubert. Sisiguraduhin kong masusuklian koyung sakripisyo at hirap ni Papa. Magsisikap ako at makakapagtapos ako kahit na hindi ko gusto ang kursong pinasok ko, at sana maging magkaklase kami ni Hubert.
Kung nagtataka kayo kung bakit walang umeeksenang nanay dito ay dahil wala na sya, ewan koba lumaki akong si papa at kuya lang kasama ko pag tinatanong ko sila sinasabi lang may iba ng pamilya ganon.
_____
First day of school as 1st yr.college
Eto na Eto na at eto na talaga, Business Ad section2 ako, at kasalukuyan kona yung hinahanap ngayon, ayokong magtanong kasi trip ko talagang ikutin buong building at campus. Maaga pa naman din.
Hindi required sa school yung uniform kaya ayan karamihan sa girls ang iikli nung maong shorts, yung iba nakamaong pants lang kagaya nung sakin. School toh kaya sana hindi sila nagsusuot ng ganung mga pananamit.
So ayan ganyan lang ako kasimple.
Habang naglalakad lakad sa hallway ng 3rd floor at nagtitingin tingin ng section sa bawat pinto ay sa wakas nakita konadin yung room ko, dahan dahan akong sumilip at umaasang andito si Hubert pero kokonti palang yung studyante kaya pumasok nalang ako at naghanap ng mauupuan, anlamig din anlakas ng aircon nila.
Nanatili nalang akong busy sa cellphone ko hanggang sa unti unti ng napupuno yung room, ewan kolang ha pero walang tumabi sakin, asa pinakagilid kasi ako tapos wala manlang tumabi, sarap pag kukurutin ng mga to eh, isama payung magjojowang ke aga aga harutang harutan agad. Hindi konalang sila pinansin ng biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito si.......
si Huberttttttttttttt, ng makita ko ang napaka gwapo nyang mukha ay nahimatay nako, joke, so ayun habang nakatingin ako sa kanya kusang napangiti yung mga labi ko at titig na titig sa kanya, para bang biglang nagdilim yung paligid at sya ang nagsilbing liwanag na syang nakikita kolang, papalapit sya sakin ng papalapit at patunaw nadin ang ng patunaw ng biglang.
BOOOOOOMMMM!
UMUPOO SYAAAAAAA SAAA TABII KOOOO, WHAUHHHHHH, myghaddd anong gagawin ko, hindi dapat pa obvious, jusko Leigh kalma lang, wag OA, inhale exhale , tapos ay napalunok ako.
"Ehem" panimula ko, pero wala lang sa kanya at nanatili ang tingin sa phone nya, bale kitang kita ko ang buong side view nya, parang hindi kona kaya , panaginip pa ito? sana naman huwaggg, sana ganito nalang habambuhay, sana wag ng magklase, sana wag ng maglabasan, sana katabi konalang sya forever yung ganito ay sapattttt na talaga sakin. Huminga ulit ako ng malalim at nagpaypay gamit ang kamay dahil feeling ko pinagpapawisan ako kahit anlakas ng aircon.
"Hmm hi" mahina at nakangiti kong bati sa kanya, kilig na kilig nako kahit wala pa syang ginagawa pero diko pinahalata, isama mopa yung sobrang bango nyang amoy na nakakaakit.
Dahan dahan syang tumingin sakin pero wala lang syang emosyon at muling bumalik sa pagcecellphone. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig dahil mas masakit pa dun ang nararamdaman ko ngayon, seryoso ba sya? nag effort akong mag ipon ng lakas para masabi yung HI nayun tapos wala lang syang respond, antagal kong hinintay na makausap sya tapos hindi nyako sasagutin kahit HELLO manlang, kalma selfff kalmaaa, hindi ito totoo, hindi ito pwede, baka namab bad mood lang diba, or busy, baka importante yung kinakalikot nya sa phone nya, tama, tama toh hindi nyako pinansin kasi busy sya, wrong timing lang ako, mamaya subukan ko ulit pag nagkaroon na ng emosyon ang napakagwapo nyang muka. After ng ilang minutong pagkatitig ko sa kanya ay dumating na yung una naming subject, which is PRACTICAL RESEARCH, myghad ke aga aga, unang pasukan ito agad ang unang subject jusko po. So ayun bumati sya syempre bumati kami, sana ganun din tong si Hubert, binati ko sya sana bilang pagrespeto binati nyadin ako diba, kaasar, so move on.
"Ok class, alam kong pinagdaanan nyo na ang research last year. at sorry sa iba dyan na umasa lang sa iba para dito, college na kayo, hindi na pwede ditong pa easy easy lang kayo, kung dati groupings kayo dito which is nasa 10members above kayo, ngayon is by partner lang, dalawa lang kayong gagawa para makasiguro akong pareho kayong gagalaw, so now, tignan nyo kung sinong katabi nyo at sya ang magiging kapartner nyo para sa RESEARCH, walang aangal, walang magrereklamo, magsimula na kayong mag-isip ng makabuluhang topic!" mataray at mahabang panimula ni Maam, pero hindi ko sya inintindi, dahil ang mahalaga sa akin KAPARTNER ko si Hubert dahil sya yung katabi koooo, owww tadhana na naglalapit samin myghadd.....
Itutuloyyyy....
Pls VOTE
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...