So ayun naoperahan na si Papa kahapon, at ngayon pinipilit akong pumasok ni Kuya, at sya nadaw bahala kay Papa. Naaawa panga ako sa kanya eh, naloko na naman sya ng babae. At dahil sa wala naman nakong choice kinakabahan akong papasok, kasalukuyan akong nasa labas ng bakuran namin at naghihintay ng tricycle na masasakyan, ng biglang may kotseng tumigil sa harap ko, dahan dahang bumaba ang bintana nito at bumungad sakin si Mark na nakangiti.
"Sakay na my dearest girlfriend" nakangiti nitong bati sa akin, bigla naman akong kinalibutan sa sinabi nya, hindi ko alam kung kikiligin bako o kung ano dahil ang napakagwapong si Mark Liam Castro ay tinawag akong girlfriend, agad agad akong umiling iling upang bumalik sa katinuan, sumulyap pako sa bahay kasi baka mamaya makita ako ni Kuya, pagkatapos ay dali daling sumakay sa kotse ni Liam, tawagin konalang sya sa pangalang Liam, masyado na kasing common yung Mark.
"Handa kanaba sa napakalaking pagbabago sa buhay mo?" biglang tanong ni Liam habang nasa gitna kami ng byahe.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka ko namang tanong sa kanya.
"Simula ngayon aakto ka ng girlfriend ko, sa school, sa labas at kahit saan" sagot naman nya.
"Ah ano teka muna, akala koba kelangan molang ako bilang girlfriend mo para ipakilala sa parents mo?" sagot at tanong ko naman.
"Syempre girlfriend kita sa mata ng parents ko kaya dapat girlfriend din kita sa mata ng walang modo kong kapatid, dahil dyan din sya sa school natin pumapasok" mahabang sagot naman nito.
"Grabe ka naman sa kapatid mo, bakit mo naman sya sinasabihang walang modo?" pambabara ko naman sa kanya.
"Kasi wala naman talaga syang modo" walang modo nyang sagot.
"Di bale na, ano pala pangalan nung kapatid mo?" tanong kopa, sasagot na sana sya ng biglang may matanda sa harap namin dahilan para maapakan nyayung break at mapasubsob ako sa unahan.
"Arayy" angal ko.
Agad agad namang bumaba ng kotse si Liam at inakay ang matandang muntik na nyang masagasaan sa tabi. Grabe gwapo na ambait pa ng fake boyfie ko. Ewan koba andami namang pogi sa paligid pero kay Hubert ako tinamaan ng sobra, kahit na andami na nyang ginawang masama sakin hindi padin mawala yung paghanga ko sa kanya, dala nadin siguro sa tagal kong pagkahanga sa kanya simula pa nung grade7 hanggang ngayong college na kami. Naalala ko tuloy yung punishment na natanggap ko dahil sa pagkabasag ng trophy sa library na kasalanan ni Hubert pero inako ko, maglilinis panga pala ako bago umuwi, pano nalang si Papa, hindi ko agad sya makikita, bumalik ako sa katinuan ng bumalik na dito sa tabi ko sa kotse si Liam.
"Ang daldal mo kasi muntik pa tuloy ako makabangga" natatawang bungad sakin ni Liam na alam kong nagbibiro lang siya. Tumahimik nalang ako hanggang sa makarating na kami sa school, ng nasa gate na kami ay bigla na lamang nyakong hinawakan sa kamay habang sabay naglalakad, hindi ko naman magawang alisin ito dahil nasa kontrata na namin ito, sobrang ilang na ilang nako sa mga taong nakatingin samin pero pinilit ko nalang balewalain, habang naglalakad ay nakasalubong namin si Miggy na gulat.
"Leigh? anong ibig sabihin nito?" tanong ni Miggy na hindi koba alam kung malungkot ba sya or ano.
Tumingin muna ako kay Liam na nakangiti lang bago muling binalik ang tingin kay Miggy.
"Ka-kami na ni-ni Li-Liam" sobrang nauutal kong sagot nagulat naman ako ng biglang lumakas ang boses nito.
"Ano?!" gulat na gulat at malakas na reaksyon ni Miggy na ikinagulat ko.
"Oh bat parang gulat na gulat ka? Wag kang mag-alala iingatan kotong kaibigan mo" natatawa namang sabat ni Liam, ngayon kopalang naalalang magkabarkada nga pala si Miggy at Liam. Nagpatuloy pa kami sa paglalakad ng makarating kami sa bench kung saan nakita ko si Hubert na mag-isang nakaupo dun habang nakatingin sa kung saan na parang wala sa sarili, bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa nasaksihan ko.
"Buti nga sa kanya" biglang bulong ni Liam sa tabi ko, tinignan ko naman sya at nakangiti lang syang nakatingin kay Hubert. So si Hubert yung tinutukoy nya?.
"Anong buti nga sa kanya?" nagtataka kong tanong.
"Buti nga sa kanya iniwan agad ng girlfriend nya" sagot naman ni Liam.
"Masaya ka at wala na sila nung girlfriend nya? Bakit? Naguguluhan ako sayo eh, Kilala moba si Hubert?" sunod sunod at gulong gulo kong tanong sa kanya.
"Masaya ako dahil malungkot sya ngayon at nagdudusa, mabuti nga sa kanya yan, wag ka ng maraming tanong, tara hatid na kita sa room nyo" sagot naman nya at hinila nako, binalik kopa ang tingin kay Hubert na hindi padin maipinta ang mukha pero isa lang ako nakakasiguro ako malungkot sya at kung totoo man ang sinabi ni Liam yun ay dahil wala na agad sila nung girlfriend nya.
____
Natapos ang buong klase, si Hubert umattend naman sya sa lahat ng subjects pero sobrang tahimik nya at hindi komanlang nakitang humawak ng cellphone unlike nung past days.
Agad agad akong nagtungo sa Janitor's room, kung saan andun lahat ng kagamitang panlinis, nagfill up nadin ako duon para alam nilang naglinis ako ngayong araw, kumuha ako ng panlinis na maaari kong magamit panlinis, pagtapos ay dumiretso agad ako sa cafeteria, wala ng masyadong tao, nagsimula nakong maglinis, inisa isa ko ang bawat lamesa hanggang sa nakarating ako sa dulong lamesa kung saan may mag-isang lalaking nakatalikod sa akin, nagsimula nakong magmap, papalapit ako ng papalapit sa lalaki dahil nga nagmamap ako, nagulat nalang ako ng bigla itong tumayo at humarap, halos manigas ako sa takot at kaba ng makitang si Hubert ang taong nasa harapan ko ngayon, tinignan nyako mula ulo hanggang paa at iniwan nako. Napaupo naman ako sa isang upuan at napahawak aa dibdib dahil sa sobrang kaba, bakit ba kasi ganon, pagkaharap ko si Hubert pinapasok ako ng takot at kaba. Hindi kona maintindihan yung sarili ko, dapat magalit ako sa kanya dahil dahil sa kanya andito ako ngayon at naglilinis. Isa lang ang napatunayan ko sa sarili ko, pag talaga humahanga ka sa isang tao handa kang magpakatanga para dito, at nagawa konayun ng ilang beses pero sa halip na pagsisihan koyun, hindi ako nagsisisi.
_____
Guys iforget nyona si crush wag lang magVOTE dito HAHAHAHAHHAHA
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...