Pagkabukas ko sa nakatuping papel bumungad sakin ang nakasulat dito, unang una na ang salitang
My Ideal Girlfriend
1. Makulit
2. Matulungin
3. Maputi
4. May class ang dating lalo na sa OOTD
5. Pala ayos sa sarili
6. Maangas
7. Matapang
8. Masunurin
9. Mahilig sa maiikling shorts
10. Maganda
11. Masiyahin
12. Makadiyos
13. Mahilig sa pusa
14. Masipag
15. Magaling magluto
16. Mapagbigay
17. Mapagparaya
18. Masinop
19. Matipid
20. magaling sumayawGrabe naman puro mga positive naman ang gusto nya pala sa babae. Mukang mahihirapan akong ipakita sa kanya lahat ito, masyadong madami.
Ganun pa naman ayos lang.
Hindi ko alam pero kusang ngumiti yung mga labi ko at nagtatalon sa tuwa, Yesss may idea nako para sigurado akong magustuhan na nyako, habang naglalakad hindi ko maiwasang mapatingin ulit dito.
#1 check makulit naman nako diba, pero bakit parang hindi sya natutuwa, siguro dahil bad mood ngalang sya kanina.
#2 kailangan ko pa tong ipakita sa kanya
#3 thankss god kasi maputi ako, hooo check ako dito.
#4 nako eto tayo sa ootd eh, pano nato, so kelangan kona palang magkaroon ng class ang dating, byebye maong pants at maluluwang na t shirt naba? kaya ko naman to kaya gagawin ko.
#5 pala ayos? myghad simple lang yung pag aayos ko sa sarili, ano kayang ibig sabihin nya sa pala ayos nato, basta aayusin konalang yung sarili kona sa tingin ko is papatok sa kanya
#6 maangas? paano naman ako magpapakamaangas diba? seryoso ba syang isa to sa ideal girlfriend nya? hmmm kakayanin.
#7 matapang? bat hindi nalang nya sabihing tomboy pala hanap nya, wow ha.
#8 masunurin? pano nya naman malalaman sa isang babae kung masunurin ito? ahh alam kona madali lanh to maraming paraan para dito
#9 mahilig sa maiikling shorts? eto na nga ba ang sinasabi ko eh, matapang tas maangas? tas biglang mahilig sa maiikling shorts? oww noo hate ko pa naman yung girls na pumapasok ditong ganun tas magiging isa ako? hooo kaya to!
#10 maganda? check naman tayo dyan pag inayusan, kaya starting tomorrow ibang Leigh na yung makikita nya.
#11 masiyahi ? madali nayang ipakita sa kanya, tipong kunwari mababaw lang kaligayahan ganun
#12 makadiyos? kaya din naman kahit papano, pero mukang mahihirapan ako dito ah.
#13 mahilig sa pusa? at paano ko naman ipapakita sa kanyang mahilig ako sa pusa? ok tsaka na isipin toh.
#14 masipag? nakoo check na check ako dito noh.
#15 magaling magluto? owww no, pwede bang pagpriprito lang ok na sa kanya? mukang babagsak ako dito ah.
#16 mapagbigay? hindi ako ganito pero para sa kanya handa akong magpakitang tao.
#17 mapagparaya? sa tingin nyo anong pagkakaiba ng mapagbigay sa mapagparaya? bukod sa spelling at pagbigkas dito? ok nevermind.
#18 masinop? abaa oo naman hindi ako burara eh so means masinop ako.
#19 matipid? pwee pati ba naman ito gusto nya sa babae, ano ba naman yan, pero sige handa akong magutom basta makarating sa kanyang matipid ako.
#20 magaling sumayaw? NOOOOOO! myghadd ano ba naman, bat pati ito nandito, myghad pano nako ngayon, ok na sana eh bat naman kasama toh, pano nato ngayon, jusko hindi ko alam kung pano sasayaw eh ayaw nga sumabay ng katawan ko, naalala ko tuloy nung high school sa P.E kinagagalitan ako ng groupmates ko kasi di daw ako nakikioperate, eh diba nila alam ang salitang HINDI MARUNONGG! may mga bagay kasi na kahit ipilit natin hindi natin magagawa at makukuha!
So ayun after ng mahaba habang pag iisip ay dumiretso nako sa cafeteria ng school, kung mapapansin nyo wala akong friends na umeepal at umeeksena dito, hindi lang talaga ako palakaibigan, masyado ng maraming nagkalat na plastik dyan mahirap na, kaya nga ako lang talaga mismo ang may alam sa crush ko at wala nakong balak ipaalam pa sa iba, ang mahalaga sakin ngayon may idea nako at susundin para makuha ang loob ni Hubert, pakiramdam ko talaga konting konti nalang mafafall nadin sya sakin. First day palang oo pero ansaya netooo.
____
Pagkalabas ay diretso agad ako sa bahay para ayusin ang mga gamit na susuotin ko bukas.
Pagkadating na pagkadating ko hinalwat ko agad yung mga dress at mga damit kong hate na hate ko isuot na tinambak ko ngalang sa drawer ko.
"Shorts, shorts nasan kanaba?" naiinis kong sabi habang naghahalwat.
Maya maya pa biglang bumukas yung pinto kaya mabilis akong napatingin duon.
"Oh anong nangyari dito? bat anggulo ng mga gamit mo?" bungad na tanong ni kuya.
"Pwede ba katok muna bago pasok, kakainis naman eh nangugulat" naiinis kong sagot sa kanya at pinagpatuloy ang paghahalwat ng gamit.
"Ano ba kasing hinahanap mo?" tanong pa nya.
"Yung mga maong shorts ko, skirts, dress lahat lahat" wala sa mood kong sagot sa kanya.
"At bat mo naman naisipan ngayong hanapin yan? eh diba ayaw na ayaw mo sa mga ganun?" nanggugulo pa nyang tanong, this time tinignan ko ulit sya bago sumagot.
"Alam mo kuya, hindi ka nakakatulong dun kanalang sa labas, mas lalo akong napapatagal dito eh, andami mong tanong" naiinis kong sagot sa kanya, may mga nakikita naman nako at inihihiwalay agad ito.
"Eh san moba gagamitin kasi yan?" tanong pa ulit nya.
"Malamang pang alis, lagi nalang kasing itong mga toh, paulit ulit nalang tas naisip ko sayang din naman mga toh kung hindi ko gagamitin diba" pagpapalusot ko naman sa kanya habang inaayos ang mga ginulong gamit.
"Pag magsusuot ka ng dress or skirts make sure na hanggang tuhod, tapos yung shorts gawin monalang pambahay kasi hindi ka palalabasin ni Papa sa bahay nato ng nakashorts kasi ayaw na ayaw nyang lumalabas ka ng nakaganon" paliwanag pa nya.
"Alam ko naman ho yun, hindi nyona kailangang sabihin pa" nang iinis kong sagot sa kanya at binalik na sa drawer ang mga ginulong gamit tapos ay tumayo sa harap ng salamin at sinusukat kung ok paba yung mga dress.
"Hindi nayan pwede mataas sa tuhod" epal na naman ni kuya nung sinusukat koyung dress.
"Konti lang naman eh bawal padin bayun?" naiinis kong tanong at napakamot pa sa ulo .
"Alam mo Leigh diko maintindihan sayo kung bakit biglang pumasok sa utak mong magsuot ng mga ganyan, samantalang lumaki ka na ng ganyang ayaw na ayaw sa mga yan" iiling iling pa nyang sagot at umalis na. Napaupo naman ako sa kama bago napaisip.
Pano nato ngayon, mukang may mga hadlang pa para mapansin moko Hubert.
_____
VOTE
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...