Leigh's Pov:
Napakagandang umaga para sa feeling maganda na ako. So ayun kasalukuyan akong nagsscroll sa newsfeed ng fb ko ng maligaw ang post ng my one and only crush and also my 5 yrs. crush simula palang nung high school nahulog nako sa kanya walang iba kundi si Hubert Castro, nakalagay lang naman sa post nya kung san sya magcocollege this year. 1st yr.college siya at first year college din naman ako, pero never kami naging magkaklase nung high school, actually magpapasukan na pero hindi pako nakakapag enroll kasi naman sadyang hinihintay kopa yung mahal kong si Hubert kung san ba sya papasok, syempre kailangan nakabuntot ako sa kanya, kailangan nakikita ko sya araw araw, para maging masaya naman ako noh, sya lang inspirasyon ko sa araw araw kong pagpasok, para syang anghel saking mundo, pero ni minsan hindi nya manlang napapansin mga pagpapapansin ko sa kanya, sad reality na kailangan tanggapin, pero hindi ako susuko, so ayun nakalagay din dito ang kinuha nyang kursong Business Ad., myghad umasa pa naman akong magsasame kami ng want for college, pangarap at gusto ko kasi is BS Architecture pero dahil sa Business Ad sya, yun nadin ang gusto ko. Agad agad akong lumabas ng kwarto at sumigaw
"Pa!!!!!!!" sigaw ko sa maliit at munti naming kabahayan. Oh maliit na munti pa san kapa hahahha!
"Oyy babae ano na naman bang problema mo?" bungad ng kuya kong wala ng ibang ginawa kundi sirain ang araw ko, si Kuya Sean. Sinamaan ko sya ng tingin bago nagsalita.
"Narinig mo naman po sigurong si Papa yung tinatawag ko dipoba? hindi po ikaw" naiinis at nang aasar kong sagot sa kanya, nagkusot lang sya ng mata at dumiretso sa kusina, kagigising lang siguro ng kumag.
"Anak tinatawag moba ako? pasensya na nag aayos ako ng tricycle eh, bakit ba?" tanong ni papa sakin habang nagpupunas ng madumi nyang kamay.
"Pa. alam kona kung san ako papasok" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Buti naman at nakapag desisyon kana, oh san moba gusto?" sagot at tanong nya sakin.
"Sa St.Francis Academy po" masayang sagot ko sa kanya, sasagot na sana sya ng biglang umepal na naman ang kuya kong bano.
"Oyy babae, baka hindi mo alam na private school yan, hindi natin kakayanin ang matrikula dyan, andami dyang libre at public schools dun kanalang" sabat ni kuya habang nagpupunas ng towel sa muka, sinamaan ko naman sya ng tingin bago binaling ang tingin kay papa, na parang nagdadalawang isip pa.
"Kelan kaba mag eenrool?" mahinang tanong nya, bigla naman akong naglulukso sa tuwa at niyakap sya kahit alam kong madumi pa yung kamay nya.
"Thankk you Pa! bukas na bukas din po mageenroll nako" masayang sagot ko sa kanya.
"Hay nako, pinagbigyan nyo na naman yan pano nalang ang tuition dyan, problema pa" sabat na naman ni kuya.
"Hayaan mona sya Sean" sagot naman ni papa, napakabitter ng kuya kong to porke di sya nakapagtapos, nasasa kanya din naman, so ayun dishwasher lang naman sya sa jollibee, pero proud naman ako dyan kahit papano, so dahil sa excite malaki ang ngiti kong nagtatakbo pabalik sa kwarto ko.
Agad agad kong kinuha yung phone ko at tinignan ang baby Hubert ko na nakawallpaper sa phone ko at niyakap toh. Owww my babyyy makakasama nadin kitaaa, para sayo sasakripisyo ako, kung san ka at kung anong gusto mo ay dun nadin ako.
_____
So ayun July 31 na and sa Aug 5 simula na yung klase, naglalakad lakad lang ako sa napakalaking campus nato habang nakangiti, asan kaya si Hubert, andito kaya sya ngayon, for sure wala kasi wala namang dahilan para pumunta sya dito kasi enroll na sya, so ayun describe ko muna yung sarili ko, hindi ako kagaya ng ibang babae na laging nakalugay yung buhok, sanay ako na lagi itong nakatali na parang siopao sa ulo ko, ok kayo na mag imagine, tast-shirt at maong pants lang ayy ok nako, ganyan lang ako kasimple, pero syempre hindi na mawawala yung mga pang kolorete sa muka na kung ano ano, dala ng pagusbong ng lipunan hahahaha.
Nang makarating sa cashier ay wala namang pila kaya dumiretso nalang ako.
"Ano pong kailangan nila?" tanong nung nag aassist dun sa loob.
"Mag eenroll po as first year college" nakangiti kong sagot.
"Sa anong course iha?" tanong pa nya.
"Business Administration po" sagot ko.
"Nako hindi mo siguro nakita yung post ng school, ubos na ang slots for Business Ad. yang course nayan kasi ang napuno agad, hindi na tunatanggap ang school para dyan kasi sobrang dami na" sagot nya dahilan para biglang magtransform sa pagiging busangot yung nguso ko na kanina ay panay ngiti.
"Parang awa nyo napo, kailangang kailangan kopong makapasok dyan, plss po baka naman po maisisingit nyoko" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Pasensya na talaga iha, talagang hindi na pwede, hanap kanalang ng ibang school para matake mo ang kursong gusto mo" sgot naman nya, ngumuso nalang ako at dahan dahang umalis dun at naupo sa mahabang upuan dito, inopen ko ang phone ko para bumungad sakin ang baby Hubert kong nagtatanggal ng stress ko pag nakikita ko.
"Pano na tayo ngayon, mukang pinaglalayo na tayo" sabi ko sa picture nya na para akong tangang kinakausap yung picture. Habang nagmumuni muni may biglang nagsalita sa harap ko.
"Uyyy Leigh, dito kadin ba papasok? bakit hindi ka manlang nagsasabi?" bungad sakin ng bestfriend ko since g7 na si Miggy Landicho. Ngumiti naman ako at tumayo bago sya sinagot.
"Sorry hindi kona nasabi sayo, oo eh dito ako papasok kaso wala na nung course na gusto ko" malungkot kong sagot sa kanya.
"Ang tagal na kitang pinipilit na dito pumasok ayaw mo, bakit biglang naisipan mong dito na? tsaka diba mag aarchitect ka? andami pang slot" sagot naman nya.
"Ahh ano kasi, mas ano, mas gusto kona yung Business ganyan ganyan, tsaka biglaan din kasi, sabi ni Papa dito nadaw ako" pagpapalusot ko naman sa kanya.
"Sigurado ka ha? mag bubusiness ad kana?" tanong pa ulit nya, ngumiti ako at tumango tango.
"Magagawan ko yan ng paraan, kakilala ko yung college coordinator, ang mahalaga magkakakita padin tayo at same school padin diba" nakangiti nyang sagot
"Whuahhh thank you so muchh, Miggzzz!" masayang sagot ko sa kanya at niyakap sya.
____
Dont forget to VOTE by clicking the star below.
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...