Araw ng sabado, araw ng cooking contest, kasalukuyan akong nandito na at hindi mapakali, ilang karne ang nasayang ko sa bahay dahil sa pagprapractice ng pagluluto, pati panonood sa youtube na cooking tutorial ay hindi ko pinalampas. Sabi ng prof. namin ay mag isip na kami ng aming iluluto, pero ayon sa rules ng contest ay bubunot kami ng lulutuin namin, ayaw man namin or gusto.
Ako pa lamang sa mga kalahok ang nandidito, habang ang iba ay abala sa pag aayos dito sa gaganaping kompetisyon sa pagluluto, hindi ako mapakali kaya shinashake ko yung kamay ko, at maya't maya ay napapabuntong hininga, ilang minuto pa ang lumipas at unti unti ng nagdadatingan ang mga tao at maging mga kalahok ng biglang bumungad sa harapan ko si Miggy.
"Kaya ka naman pala napasali sa kompetisyong ito, kasali si Hubert" bulong sakin ni Miggy, agad agad ko naman syang hinampas sa braso.
"Baliw kaba? ako ang naunang sumali dito bago pa sya" pagmamalaki ko namang sagot, eh sa totoo naman eh.
"Ayysus mga palusot mo, oh sya goodluck ha, galingan mo" natatawa pa niyang sagot.
"Teka nga muna? ano bang nakakatawa, at tawang tawa ka dyan" naiinis kong tanong sa kanya.
"Wala ka naman kasing talent pagdating sa pagluluto, hindi lang ako makapaniwala na sumali ka sa ganitong kompetisyon, mapapanood ng maraming tao bawat ginagawa mo, ni wala ka pa ngang karanasan sa ganito tapos napasabak agad" mahaba at natatawa nyang paliwanag..
"Sigee tawanan moko, pag naluto ko ito at napatikim sa judge, papatikim kodin sayo, ewan kolang kung makapagsalita kapa" pagmamalaki kopa.
"Sige lang, yan na ang Prince charming mo sige mauna nako" nakangiti pa nyang sagot bago tuluyang umalis sa harap ko at naupo duon.
Binaling ko ang tingin kay Hubert, parang bigla na namang nag slowmo yung paligid, habang naglalakad sya papalapit sa akin.
"In 5minutes,magsisimula na ang kompetisyon, magsi-ayos na kayo" epal nung mc, dahilan para magising ako sa aking kaewanan, umayos ako ng tayo at inayos ang damit.
"Mr.Castro and Ms.Guevarra nagkaroon tayo ng problema" bungad sa amin nung professor naming nagpasali sa amin dito.
"Ano poyun?" nagtataka kong tanong.
"Si Elsa kasi ngayon pa nagkatigdas, hindi sya makakaattend sa kompetisyon na ito, nagsabi nako sa magsisilbi nyong judge, na baka pwede ko syang palitan mula din sa section nyo, pero hindi daw iyon pwede, si Elsa ang nakalista sa list kaya hindi na maaaring mabago" mahabang paliwanag ni Maam.
"Anong ibig nyong sabihin?" walang galang na tanong ni Hubert.
"Kayo lang dalawa yung lalaban dito, ayos lang ba sa inyo yun? kaya nyoba?" tanong pa ni Maam.
"Kayang kaya po yan" nakangiti ko namang sagot sa kanya kahit sa totoo lang ay kabang kaba nako sa mga pwedeng mangyari, may limang grupo na at lahat sila ay nakaready na at mayroong tigtatatlong miyembro, bakit naman kasi ngayon pa nagkasakit itong si Elsa.
Makalipas ang limang minuto na sinabi ng MC ay nagsimula na ngang magbunutan dun sa bowl. Dahan dahan akonh tumingin kay Hubert tapos tumingin din sya sakin, hindi lang sya umimik at tinabig pako ng konti at pumunta dun sa mc para bumunot na ng lulutuin namin.
Maya maya pa ay bumalik na si Hubert dito sa pwesto namin.
"Anong alam mong luto sa hipon?" seryosong tanong nya sakin.
"A-anong hipon? ano bang nabunot mo?" naiilang kong sagot
Tumingin sya sa itaas at pumikit ng mabilis tapos ay napamasahe sa noo bago muling binalik sakin ang tingin.
"Hipon nga diba! Hipon yung nabunot ko! so now anong alam mong luto sa hipon na pwede nating lutuin!" medyo nanggigigil sya sakin, gusto kong maiyak dahil pinagtataasan ako ng boses ng crush ko pero hindi ko magawa, ang akala ko kasi ang bubunutin dun ay kung ano talaga yung recipe or dish na lulutuin.
"Uyy ano na, 30minutes lang ang ibibigay na oras kaya make sure na luto na ito pag natapos ang oras" sabi pa nya.
"Ang alam kolang kasing luto sa hipon ay sinigang" nahihiya kong sagot sa kanya.
"In two minutes magsstart na yung contest, just make sure na yung dish na ipreprepare nyo ay maayos na at luto na sa loob ng 30 minutes, dahil yun lang yung oras na ibibigay sa inyo, so goodluck guys!" paliwanag pa nung mc, hindi kami makapagsearch kasi no cellphone allowed.
"Wala na tayong choice, wala akong alam na luto sa hipon nayan, anong mga kailangang sangkap para makakuha nako dun" sabi pa ni Hubert na seryosong seryoso ang mukha, agad agad ko namang binanggit sa kanya isa isa yung mga kailangan, dun kasi sa gilid kukuha ng mga kakailanganin sa pagluluto kasi andun lahat. Huminga pa ulit ako ng malalim kasabay ng pagbalik ni Hubert sa pwesto namin.
"Ok guys!The contest begins in 3, 2, 1 goo!! The time is start!" sigaw nung mc, ako naman ay busy padin sa pag iisip ng mga ingredients at sinusulat sa papel, pagkatapos ay binigay ito kay Hubert.
"May problema tayo, walang hugas bigas dito, san tayo kukuha ngayon" sabi ko sa kanya.
"Anong hugas bigas sinasabi mo?" nagtataka nyang tanong, ala ewan hindi nya alam bahala sya, mauubos oras namin.
4 cups rice washing (hugas bigas)
2 pcs onions, quartered
2 pcs tomatoes, quartered
2 pcs gabi, quartered
1 pc green chili (sili pansigang)
1⁄4 kg shrimp, trimmed
1⁄4 kg Maya-maya, cut into serving pcs.
1 pack Knorr Sinigang sa Sampalok Original 20g
1⁄4 pc radish, sliced
4 pcs okra
1 cup long beans or sitaw, sliced
1⁄4 kg pork sukiyaki, sautéed
1 cup kangkong, sliced
Pagkabigay ko ng mga ingredients na alam ko ay nagsimula na kaming magpakabusy, wala kaming hugas bigas na natutunan ko kay papa para daw mas sumarap yuny sinigang, kaya naman wala kami nito ay hayaan nalang.
Busy sa paggagayat ng mga ingredients si Hubert at kita kodin ang seryoso nyang muka at unti unti na syang pinagpapawisan, nagpapakulo nadin ako ng tubig at isa isang nilalagay ang mga ingredients na hindi ko alam kung alin ba ang dapat unahin.
itutuloyy........
Don't Forget to VOTE
![](https://img.wattpad.com/cover/194063318-288-k177681.jpg)
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...