"Byee Kuya, wag moko mamimiss ah, 3 days ako mawawala" natatawa kong pangungulit kay Kuya habang kumakain sya ng almusal habang ako ay nag-aayos ng sarili habang nakatingin sa salamin.
"Ako kamo ang mamimiss mo" sagot naman nya habang natatawa din, sya namang biglang paglabas ni Papa sa kwarto nya.
"Ano Leigh, ayos naba mga gamit mo? wala kabang naiwan?" bungad nya sakin.
"Ayos na Pa" tipid kong sagot.
"Sya tara na at baka maiwan kapa ng bus nyo" sagot naman nya at lumabas na ng bahay.
"Kuyaa babye! ingat ka, yung gamot ni Papa wag mo kakalimutan ipainom sa kanya ha," pagpapaalam ko sa kanya at nag-iwan pa ng bilin, tumawa naman sya.
Ng makalabas ng bahay ay sumakay nako sa triycle ni Papa para ihatid kung saan yung venue ng hintayan papuntang campaign, ang alam ko sa campaign gabi, pero ewan koba 6am daw aalis na yung bus at kailangan andun na kami lahat, gaano ba kalayo tong pupuntahan namin at ganito kaaga.
Ng makarating sa venue ay nagpaalam nako kay Papa.
"Papa wag mo magbababad sa byahe ha, pahinga po muna pag sobrang init, ingat po kayo ni Kuya" bilin ko sa kanya.
"Araw araw mo nayang sinasabi eh, hindi konayan makakalimutan, sya sige na mauna nako, mag-iingat kadin dun, wag kang lalayo sa kasamahan mo" sagot nya sakin at umalis na, ako naman ay sumakay na sa bus kung saan ako nabibilang, karamihan dito ay hindi ko mga kilala pero yung iba kong kaklase ay andito, umupo nalang ako kung saan wala pang nakakaupo at wala pakong katabi.
Nakatingin lamang ako sa salaming bintana nito, madilim pa. Kasalukuyan kong hinahanap yung earphone ko sa bag ko ng biglang may nagsalita sa harap ko.
"Ah Miss no.17 kasi ako, dyan ako sa kinauupuan mo, yun yung nakasulat dun eh" sabi nung lalaki sa harap ko na hindi ko naman kilala sa ibang section siguro.
"Ah ganon ba, nako pasensya kana, hindi ko alam na may seating arrangement pala" paghingi ko naman ng paumanhin, pumunta ako sa unahan kung saan dun pala nakalagay sa may driver yung list kung sang upuan ka dapat. Nakita ko naman agad yung pangalan ko. No.22
Agad agad hinanap ng mata ko yung no.22 at hindi naman ako nabigo, may nakaupo nadin dun sa katabi nun which is no.21 ng tuluyan akong makarating dun laking gulat ko ng si Hubert ang nakaupo sa no.21 , napatingin sya sakin tapos ay tumayo sa pagkakaupo, medyo naging slow ako kasi diko nagets yung ginawa nya, tumingin ako sa kanya at tinuro nya yung upuan gamit yung nguso nya, dun kapalang nagets na pinauupo nyako, eh kasi naman yung no.22 eh dun sa katabi ng bintana eh syempre nakaharang nga naman sya, nako Leigh ang palpak mo talaga.
Magkahalong hiya at shy ang bumalot sakin, joke yun, tawa kayo.
Syempre huli namang pag-uusap ay nung nailabas koyung mga hinanakit ko sa kanya kaya natural lang na mahiya ako diba.
Ilang minuto pa ang dumaan at unti unti ng napupuno yung bus hanggang sa naramdaman ko ng umaandar na kami, binaling ko amg tingin sa bintana kung saan unti unti ng lumiliwanag, airconditioned yung bus at hindi nabubuksan yung window.
Nang nasa kalagitnaan kami ng byahe at habang nakiking ako ng kanta sa earphone ko at nakatingin lang sa bintana ay bigla na lamang akong nakaramdam ng ulo sa balikat ko, mukhang nakatulog si Hubert. Halos manigas ako sa pagkakaupo at hindi makakibo sa mga sandaling ito, pakiramdam ko pag gumalaw ako ay magigising tapos boom! wala lang, oa lang siguro sadya ako.
____
9am na ng makarating kami dito sa gubat kung hindi man ako nagkakamali, may mga tent nading nakaayos dito at napakadami neto, bawat isang maliit na tent ay may nakapangalan na, sabagay hindi naman talaga kasya ang dalawa dito dahil pang-isahan lang ito, at para nadin siguro hindi magkamali ng pasok if sakali, kasi nga may kanya kanya naman ng tent.
"Hanapin nyo na yung tent na nakalaan para sa inyo, tapos itabi nyo muna gamit nyo at kumain muna kayo ng dala nyong foods, dahil mamaya pa amg dating ng foods natin, and then mamayang 10am magstart na tayo ng mga activities na isasagawa natin, again guys! makinig kayo! may bakod kayong makikita sa bawat sulok ng gubat at huwag na huwag kayong lalabas sa bakod kasi delikado daw, naiintindihan nyoba?" paliwanag nung isang teacher na nakacampaign outfit pero hindi ko naman kilala, nakikita kolang sa school. Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi nya, pinagpatuloy konalamang yung paghahanap kung aling tent ba ang para sakin, andaming nagkakagulo, andaming hindi magkaintindihan paghahanap may mga pa easy easy naman na kasi nakita na nila yung kanila, at syempre hindi mawawala ang picture picture, habang naglilinga linga nasagap ng device ko si Hubert kung saan wala pang nagmamay-ari ng katabi nyang tent, nako wag naman po sana, dahan dahan akong lumapit dun at boom! andun yung pangalan ko, kainis naman oh, bakit ba lagi nalang ako tinabi kay Hubert eh lumalayo na nga ako. Wala naman akong choice pumasok nako sa tent at naglabas ng maliit na unang dala ko, naglatag nadin ako ng kumot tapos ay humiga muna ako saglit, hindi naman ako magugutom eh.
____
Nagising na lamang ako ng makaring ako ng ingay, agad agad akong lumabas sa tent at duon bumungad sakin ang mga kasamahan kong tahimik lamang na nakaupo katabi ang mga tent nila at nakikinig sa pinaka tour guide namin na teacher nga sa school namin, kinuha konalamang yung salamin sa bag ko at nag-ayos ng sarili habang nakikinig.
"So ayun ang unang activity ay hanapan ng flag, maraming flag ang itinago ng team dito sa gubat na ito, yellow flag equivalent to 5 points, green flag for 10 points, blue flag is for 15 points and red flag equivalent to 20points! And by 5pm babalik na kayo dito para bilangin kung sinong pinakamalaking points, ang wala pa dito ng 5pm or malalate ay disqualified na, kaya kung ayaw nyo masayang effort nyo, dumating kayo ontime. Ang mga flag ay nandito lamang sa loob ng gubat wala ito sa labas ng bakod ok, again dito lang kayo sa loob ng bakod iikot para maghanap, ang mahuhuling lumabas ng bakod ay automatic bagsak na! So by partner ang game, syempre kung sino ang kapartner nyo sa thesis ay sya ding kapartner nyo dito, ingat kayo and goodluck! And don't worry guys, safe yung gubat wag lang kayo lalabas ng bakod, ok magsimula na kayo." mahaba nyang paliwanag, at kanya kanya namang hiyawan ang mga estudyante na tuwang tuwa na parang mga bata.
___
Dont Forget to VOTE!!
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Novela JuvenilNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...
