Chapter25

694 56 1
                                    

Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Kuya pauwi, at sobrang lapit na namin sa bahay, wala ako sa sarili habang sumusunod lang sa bawat hakbang nya, maya maya pa ay dikona namalayang nasa harap na pala kami ng bahay namin.

"Wala ng iiyak ha" bulong ni Kuya sakin, bago nya tuluyang binuksan yung gate at pumasok na kami, pagkapasok namin sa bahay naabutan ko si Papa na pauli uli habang nakahawak sa noo na parang hindi mapakali, habang yung babaeng Mama ni Kuya at asawa ni Papa ay nakaupo lamang sa isang gilid, habang masamang nakatingin sakin.

"Aba at talaga namang hindi ka na marunong mahiya ano iha? Talagang bumalik kapa" sabi nung babae sakin. Agad agad namang napatingin sa gawi ko si Papa at bigla nalamang syang tumakbo sakin at sinalubong ako ng yakap na sobrang higpit

"Maraming salamat anak at umuwi ka, kanina pakong nag-aalala sayo, patawarin mo si Papa sa mga kasalanan nya, hindi ko kaya kung mawawala ka" sabi ni Papa habang umiiyak na nakayakap sa akin, diko naman mapigilang maging emosyonal dahil sa pinapakita ni Papa.

"Yan, kaya pati sarili mong anak napabayaan mona, pati pag-aaral nya hindi mo matustusan dahil sa ampon mong yan!" singit naman nung babae, agad agad namang bumitaw si Papa sa pagkakayakap sakin at hinarap ang asawa.

"Bakit! ni pisong duling ba may naibigay ka kay Sean? ni konting pag-aaruga ba naglaan ka sa kanya? Baka nalilimutan mong matagal na tayong tapos, at matagal na naming pinutol ang ugnayan namin sayo, simula nung mas pinili mong sumama sa iba, gaano ba kakapal yang mukha mo at basta kanalang babalik dito na parang wala kang ginawa? na parang wala lang nangyari? Makakaalis kana bago pa kita kaladkarin palabas sa pamamahay ko, hindi ka namin kailangan!" mahaba at galit namang sagot ni Papa.

"At baka nakakalimutan moding nasa harap ka ng anak natin? Hindi kaba nahihiya sa kaniya? Pinagsasalitaan moko ng ganyan sa harap nya? At teka nga muna, ako padin ang Nanay ni Sean at may karapatan ako sa kanya, at asawa moko pero dahil dyan sa ampon mo nagkakaganyan ka? nababaliw kanaba?" sagot naman nung babae.

"Oo nanay ka ni Sean, pero ni minsan hindi ka nagpakananay sa kanya, at ilang beses kobang sasabihin sayo! Kahit mag-asawa tayo at kahit ilang beses mong ipamuka saking ampon kolang si Leigh, mas mahalaga padin sya sakin kesa sayo!" galit na sagot ni Papa, sampal naman ang naging kapalit nito galing dun sa babae.

"Sean nakikita moba yang Papa mo? Hindi moba naririnig mga sinasabi nya sakin? Hindi mo manlang ba ako ipagtatanggol?" umiiyak na sagot naman nung babae habang nakatingin kay Kuya, dahan dahan din naman akong tumingin sa kanya, tumingin lang din sya sakin ng saglit tapos ay binalik ang tingin sa Mama nya.

"Ma, Oo nakikita ko nag-aaway kayo ngayon, Oo naririnig ko pagtatalo nyo, pero pagpasensyahan nyo pero hindi ko kayo kayang ipagtanggol, Ma, malaki nako, alam kona ang tama sa mali, kung may dapat akong panigan alam nyong dapat kay Papa ko ibigay yun, tama naman lahat ng sinasabi nya, totoo naman lahat ng sinasabi nya, Mama kopo kayo kahit anong mangyari, mahal ko kayo kahit iniwan nyo ako, pero kapag tungkol na kay Leigh ang usapan, pagpasensyahan nyo, pero mas pinipili kodin sya kesa sa inyo, dahil sa kanya, naramdaman ko yung pagmamahal na si Papa lang ang nagparamdam sakin dahil wala kayo, sya yung nagpuno ng kulang sakin bilang isang kapatid, na kahit wala ka, sya yung nandyan para sakin, sya na yung kasama ko hanggang paglaki ko, habang kayo kasama ng bago nyong pamilya, mahal ko ang kapatid ko at hindi kodin kaya kung wala siya, tsaka Ma, ayos lang naman eh, nasanay naman na akong wala ka" mahabang sagot ni Kuya pero sa huling katagang sinabi nya ramdam ko ng bigla na syang naiyak,  bigla namang nagtatakbo palabas yung babae, ni hindi na sya pinigilan ni Papa.

Pagkaalis nung babae ay hinarap ko silang dalawa.

"Papa, Kuya, nagpapasalamat ako dahil kahit hindi nyoko totoong pamilya, mas pinili nyo parin ako, pero hindi nyo naman po kailangang mamili eh, kahit pagbalik baliktarin po natin yung mundo, asawa mo padin sya Papa, at Mama mopadin sya Kuya, kahit gaano pa kalaki yung naging kasalanan nya, matuto tayong magpatawad, alam ko at ramdam kong pinagsisisihan na nya yung ginawa nya, ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya dahil sa mga sinabi nyo sa kanila, patawarin nyo sya at tanggaping muli, tapos ay mahalin, bago pa maging huli ang lahat, andyan pa yung Mama mo Kuya, iparamdam mo sa kanyang mahalaga sya dahil unang una, wala ka dito kung wala siya, dahil ako, hindi ko manlang naparamdam sa Mama ko yung love bago manlang sya nawala" mahabang paliwanag ko sa kanila at dumiretso nako sa kwarto ko.....

____

Alam ko naboboringan na kayo dahil mukhang naging drama na sya, pero ganon talaga, hindi lang naman sa lovelife umiikot ang buhay diba? sa pamilya din at sa iba pang bagay, para sakin isa ito sa magpapaganda sa story, hindi puro kilig lang...

DONT FORGET TO VOTEE!!

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon