**After 1 week**
"Goodmoring Class, so para sa mga nareject ang thesis sad to say pero kailangan nyong magbayad ng 1000 para sa campaign, kailangan nyong umattend dun para mahila yung grades nyo, at para naman sa mga na approve ang thesis congratulations at magpahinga muna kayo, dahil 3 days ang campaign na ito" mahabang paliwanag nung adviser namin sa unahan, napatingin ako sa katabi kong upuan, kung saan nakaupo dapat si Hubert pero asa may unahan na sya, umiling iling na lamang ako para alisin sya sa utak ko, dahil nangako nako sa sarili kong magbabago nako, mas magiging matapang at matatag nako, hindi nadin ako gagawa ng isang katangahan, hindi konadin ibibigay yung lahat para sa isang tao lang, dahil narealize ko sa huli, ako lang din lagi yung kawawa.
"So ayun, hanggang bukas nalang yung bayaran ng 1000 kasi sa wednesday punta na tayo sa campaign, ang school na ang bahala para sa mga gamit na kakailanganin, ang kailangan nyonalanh dalahin ay sarili nyo at personal na gamit, ang oras ay nakasulat na sa waiver nyo na kasalukuyan ng pinamimigay ni Dina, wag kakalimutang papirmahan sa magulang, so bye at wait nyonalang yung next subject nyo" sunod pang paliwanag ni Maam at tuluyan ng lumabas, ng maabutan ako ng waiver ay agad agad ko itong tinago sa bag at lumabas muna.
Habang naglalakad sa hallway nakasalubong ko na naman si Miggy, this time sinalubong ko sya ng magandang bati.
"Wuyy Miggy kamusta, antagal kitang hindi nakita ah" nakangiting bungad ko sa kanya.
"Eto pogi parin" pagbibiro naman nya tapos ay tumawa, tumawa nalamang din ako.
"Nga pala nakakainis, naapprovan yung Thesis namin" sunod pa nyang sabi, bahagya namang kumunot yung noo ko bago sumagot.
"Ha? Napproved na nga kayo, naiinis kapa?" naguguluhan konh tanong sa kanya.
"Eh gusto ko kasi sumama sa campaign para may makasama ka dun, eh dahil nga sa hindi naman pwede mag-iingat kanalang" sagot naman nya, tumango tango naman ako bago sumagot.
"Grabe ha, nakakatamad nga eh tapos 3 days pa, ewan koba kung anong trip nila, ano naman kayang paggagawin namin dun" nayayamot ko namang sagot at napakamot pa sa ulo.
"Basta ah, mag-iingat kadun, wag kang hihiwalay sa mga kasamahan mo dun, at konting distansya din kay Hubert kung ayaw mong sa huli ikaw na naman yung iiyak iyak dyan" sermon nya pa sakin ng biglang dumating si Liam at tumabi sakin.
"So pano ba yan, andyan na fake boyfriend mo, una nako" natatawang bulong ni Miggy sakin dahilan para magulat ako, pano nya nalaman yun? gusto kopa sana itanong ang kaso ay tuluyan na syang umalis, lumipat naman ng tayo si Liam kung saan nakatayo kanina si Miggy bale magkatapat na kami ngayon.
"Wag kana magtaka kung bat nya alam, inamin kona kasi sa kanya" panimula nya.
"Ha? bakit mo sinabi? diba sabi mo wag nating sasabihin kahit kanino?" balik tanong ko sa kanya.
"Sa dami na ng nangyari at sa bilis ng mga pangyayari andami kong narealize, kalimutan mona ang kasunduan natin" sagot nya at may kinuhang nakatuping papel sa bulsa tapos ay binuksan ito, nakita ko naman yung kontrata namin na pinirmahan ko, nagulat ako ng bigla nya itong punitin sa harap ko.
"A-anong ginagawa mo?" naguguluhan kopang tanong.
"Ituring monalamang na isang napakalaking tulong yung malaking halagang binigay ko sayo para sa Papa mo, hindi mona kailangang bayaran payun, ayaw kong ikulong ka sakin, ayokong pilitin ka sa isang bagay na napipilitan kalang dahil hindi mo naman talaga gusto, pinapalaya na kita Leigh, wag mo lang kakalimutan na nandito lang ako palagi sa twing kailangan moko, alam kong malabong magustuhan modin ako tulad ng pagkagusto ko sayo dahil kay Hubert, pero ayos lang sakin, tanggap kona yun, tsaka nga pala naapprovan yung research namin kaya wala ako sa campaign, mag-iingat kadun, isa lang yung gusto ko" mahabang sagot nya.
"A-Ano yun?" nauutal kong tanong.
"Pwede ba tayong maging friends?" tanong nya, hindi ko maintindihan pero bigla na namang may tumulong luha sa mata ko, agad agad ko syang yinakap ng sobrang higpit dahil masaya ako, oo masaya ako.
"Maraming salamat Liam, utang ko ang buhay ng Papa ko sayo, hayaan mo, kapag kailangan moko, nandito lang din ako palagi, susubukan kong suklian yung napakalaking tulong mo sakin, kung hindi dahil sayo ay baka kung ano na nangyari kay Papa, hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat kay God kasi nakilala ka, hulog ka nya sakin, at Oo friends na tayo, at para sakin isa ka sa pinaka dabest kong kaibigan" mahabang sagot ko sa kanya habang nanatiling nakayakap sa kanya. At ng bumitaw nako sa pagkakayakap sa kanya, hinawakan nyako sa magkabilang pisngi tapos ay dahan dahan nyang inilapit ang labi nya sa noo ko hanggang sa naramdaman ko ng dumampi ito dito, muli na namang may nalaglag na luha sa mga mata ko.
Matapos nyakong halikan sa noo ay umalis na sya ng walang paalam, naiwan naman akong nakatayo sa napakatahimik na hallway dahil nadin siguro may klase ang karamihan, wala lang ako sa sariling nakatayo dito, pero hindi ko maiwasang mapangiti habang umiiyak, malaya nako, wala nakong kailangang gawin at takasan magagawa kona lahat mg gusto ko, bumalik na muli sa normal ang buhay ko.
_____
Dont Forget to VOTEE!
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...