Chapter28

745 49 0
                                    

So ayun na nga kanya kanya na agad hanapan ang mga estudyante habang ako ay ilang na ilang padin at hindi alam kung paano ba kami maghahanap ng hindi kami nagpapansinan.

"Tara dun tayo sa maraming puno, siguradong marami dun, talasan modin yung mata mo ha, baka mamaya tutuklawin kana hindi mopa makita" panimula nya at naglakad na, sumunod nalang ako sa kanya at naglilinga linga sa paligid, ilang minuto na kaming naglalakad pero wala padin kaming nahahanap habang yung iba ay may mga hawak ng flag, bawat punong nadadaanan namin ay chinecheck din namin, habang naglalakad sa wakas ay may napansin nako sa isang puno, kulay yellow flag, nakabitin sa sanga nung puno, 5 points lang pero ayos lang.

"Hubert eto oh meron dito ang kaso hindi ko abot" sabi ko sa kanya habang pilit inaabot ang hindi naman kataasang sanga kung san nakabitin yung flag, sinubukan din nya dahil matangkad naman sya pero nabigo padin sya naglinga linga sya sa paligid naghahanap siguro ng pwedeng isungkit pero tumingin sya sakin tapos ay umupo sya bigla.

"Sakay ka sa batok ko, para maabot mo yun" sabi nya, nagulat naman ako sa sinabi nya at hindi agad nakasagot.

"Su-Sure ka?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Oo nga dali na" sagot naman nya agad agad naman akong sumakay sa batok nya at itinaas nyako, at sa wakas ay naabot ko nga yung yellow flag.

Miggy's Pov:

Kamusta na kaya si Leigh? ano kayang ginagawa nya ngayon? maayos lang kaya siya?

sunod sunod na tanong sa aking utak, kasalukuyan akong nasa hapag-kainan at kumakain habang hindi mawala sa isip ko si Leigh, mag-isa lamang akong kumakain, maya maya pa ay dumating na ang pinakamatanda naming maid dito sa bahay si Manang Siony dala ang pitsel na naglalaman ng juice, nilagyan nya ang baso at iniabot sakin, inabot ko naman ito at laking gulat ko bg bigla syang umatras na parang nakoryente ng malapat ang kamay ko sa kamay nya, dahilan din para magpatak yung baso at mabasag.

"Ano pong problema?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"May mawawala" parang takot na takot nyang sagot sa akin.

"Ano pong mawawala? anong ibig nyong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Wala wala, wag mong isipin yun, pasensya kana" wala sa sarili nyang sagot at agad agad niligpit ang nabasag na baso, anong nangyari sa kanya? bakit ganon nalamang ang naging reaksyon nya? anong ibig sabihin nyang may mawawala?

Umiling iling ako at ifinocus nalang ang sarili sa pagkain.

Leigh's Pov:

May 2 yellow flag na kami at isang red flag, bale may 30 points na kami at kasalukuyan pading naghahanap, kanina pa kita lakad ng lakad habang naglilinga linga ng biglang bumungad sakin ang bakod na sinasabi ni Maam, anlawak pala nung gubat, ngayon palang kami nakarating sa dulo. Ewan koba pano ba kami makakahanap ng maayos kung pana'y pagkuha ng litrato ang inaatupag ni Hubert, dala nya kasi yung camera nya at kanina pang kumuha ng kumuha ng picture kung saan saan. Habang naglilinga linga sa paligid at umaasang may makikita pakong flag ay bigla na lamang nawala si Hubert sa kinatatayuan nito kanina. Iniikot ko ang tingin sa paligid ng makita syang may kinakalikot dun sa bakod, agad agad ko naman syang nilapitan.

"Wuy Hubert anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"May sira yung bakod, makakalabas ako dito, kukunan kolang ng picture yung bundok na nahaharangan netong mga puno" sagot naman nya at nagpupumilit lumabas.

"Kabilin bilinan satin na wag tayong lalabas ng bakod diba, tara na bago pa may makakita sa atin" sagot ko naman.

"May makakakita talaga satin kung hindi ka muna tatahimik, mabilis lang sabi eh" sagot nya at tuluyan na nga syang nakalabas ng bakod tapos ay nagtatakbo na sya.

"Hubert bumalik ka!" sigaw ko, pero parang wala lang siyang narinig at nagsimula na ngang kumuha mg pictures. Tapos nun ay lumakad pa sya palayo hanggang sa nawala na sya sa paningin ko. Umiling iling ako at tumingin sa paligid tapos ay nagmamadali ding lumabas ng bakod at tumakbo kung saan sya dumaan kanina.

Sean's Pov:

"Hindi ko macontact si Leigh, nakakain na kaya sya?" bungad ni Papa sa akin habang nagcecellphone akong nakaupo dito.

"Konting oras palang po nawawala si Leigh nag-aalala na agad kayo, kayo po ang kumain na at mamaya napo ulit kayo pumasada pag hindi na mainit" sagot ko naman.

"Kanina pa kasi ako hindi mapakali eh, hindi ko alam kung bakit" sagot naman nya.

"Ano ba kayo, hindi lamang kayo sanay na malayo sa inyo si Leigh lalo't higit ngayon lamang sya hindi matutulog dito sa bahay" sagot ko naman.

"Siguro nga" sagot nya.

Leigh's Pov:

Sinuong ko ang madilim na gubat dahil nababalutan ito ng napakaraming puno hanggang sa bumungad sakin ang liwanag, kung saan kitang kita mo angga bundok dito, at kung hindi ako nagkakamali nasa ibabaw din kami mg bundok, nakita ko naman si Hubert duon na busy sa pagkuha ng litrato, lalakad pa sana ako para lumapit sa kanya ng mamalayan kong wala nakong tutuntungan, kusa nalamang nangatog yung tuhod ko at dali daling umatras. Bata palang ay takot nako sa matataas, lalo na ito.

"Hubert bumalik ka dito, bangin na ata ito, mukang gato nayung lupa at mukang bibigay na" sigaw ko sa kanya, agad agad naman syang lumingon sakin tapos.

"Ahhh!! " sigaw nya at biglang umupo, sa gulat ko at sa akala kong mahuhulog na sya ay nagtatakbo ako sa kanya, kaya magkatabi na kami ngayon, tumawa pa sya sinabing "joke lang".

Napahawak ako sa dibdib dahil kinabahan na talaga ako, habang nasa ganoong posisyon ng pagkakatayo ay biglang bumigay at gumuho ang lupang tinutuntungan ko, bumagsak ako at napakapit sa paa ni Hubert dahilan para pati sya ay mapabitin.

_____

itutuloyyy......


Dont Forget to Votee!!

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon