Chapter7

984 68 0
                                    

Kasalukuyan nakong naglalakad palabas ng campus ng biglang may bumati sakin.

"Uyy Leigh, kanina pa kita hinahanap eh, uuwi kanaba?" bungad ni Miggy mula sa likod ko, agad agad naman akong humarap sa kanya.

"Ohh Miggz? bat mo bako hinahanap?" tanong ko.

Napakamot naman sya sa ulo na parang nahihiya na nakangiti.

"Ano nga?" nakangiti ko ulit tanong sa kanya.

"Magpapasama sana ako sayo" nahihiya nyang sagot.

"Saan?" tipid kong tanong.

"May party kasi akong aattendan bukas eh wala pakong susuotin, papatulong sana ako sayong humanap at bumili dahil alam kong magaling ka dun, baduy kasi ang mga natitipuhan ko" natatawa nyang paliwanag.

"Oo naman tanghali palang naman tara na" nakangiti kong sagot sa kanya, kahit sa loob ko ay tinatamad ako eh pagdating naman kay Miggy ay hindi ako makatanggi, malaki na ang naging ambag nya sa buhay ko, andami nadin nang nagawang tulong sakin simula palang noon, kaya naman yung minsan nyang paghingi ng favor ay hindi kona tinatanggihan. Sya din ang dahilan kaya kaklse ko si Hubert diba.

"Ah Leigh pasensya kana ha, magcocommute tayo ngayon, wala kasi yung sasakyan, ayaw pagamit ni dad" sabi pa nya habang naglalakad kami palabas.

"Ano kaba, ayos lang yun" sagot konalang ng makalabas sa gate ay nakita ko si Hubert kasama yung barkada nyang nakatambay dun sa may waiting shed, ngayon konalang ulit sya nakitang masaya, kasi last na nakita ko syang ganyan ay nung grade10 pa, sana ganyan din sya kasaya sa room lalo na pag katabi ko sya.

"Nakoo si Ms.Guevarra natulala na naman at nakita na naman ang kanyang Prince charming" paggising ni Miggy sa katinuan ko, umiling iling naman ako at iniwas ang tingin kay Hubert.

Napakamot pako sa ulo bago sumagot sa kanya.

"Sorry, eh tignan mo ba naman kasi yung maamong muka nya, tapos yung ngiti nyang nakakaakit, at mapupungay nyang matang nakakaadik" sagot ko naman. Bigla naman syang tumawa.

"OA na tama na" natatawa nyang sagot, sakto namang may taxi ng tumigil sa harap namin kaya sumakay na kami.

Miggy's Pov:

Minsan natatanong ko sa sarili ko, bakit nga ba umaasa pako na magugustuhan din ako ni Leigh, eh simula palang naman alam ko ng malabo. Basta isang bagay lang yung pinanhahawakan ko, yun eh hangga't wala pa syang boyfriend ay aasa at aasa padin ako, hanggat nagpapakatanga sya kay Hubert ay magpapakatanga nalang din ako sa kanya, hindi koba alam sa kanya kung ramdam nyabang gusto ko sya, o may nraramdaman din ba sya saking kakaiba? hanggang kailan ko nga ba itatago itong nararamdaman ko sa kanya, minsan napapaisip ako, pag sinabi ko kaya sa kanya anong mararamdaman nya, anong magiging reaksyon nya? pilitin komang isiping tatanggapin nya yung pagmamahal ko, pero laging pumapasok sa isip ko ay iiwasan nyako pag umamin ako , siguro kung yung Hubert nayun ang magkagusto sa kanya hindi pa nanliligaw ay sinagot na nya, ganon sya kapatay sa lalaking yun, napakaswerte ni Hubert na nagustuhan sya ng isang babaeng kagaya ni Leigh, handang gawin lahat para sa kanya, para mapansin nya.

Leigh's Pov:

So ayun na nga makalipas ang ilang minutong byahe ay bumaba na kami dito sa tapat ng mall, so bale sya nayung nagbayad, aba dapat lang charot hahahaha.

"Ano bang klaseng party or event yung pupuntahan mo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papasok dito sa mall.

"Formal daw eh sabi ni Dad eh" sagot naman nya.

"Formal? diba andami mo namang ganyan" natatawa kong sagot.

"Mga luma na kasi tsaka yung iba bitin na" sagot naman nya.

"Iba talaga pag mayaman" natatawa ko nalang sagot, tapos nun umakyat na kami gamit yung escalator. So ayun pinunta lang naman talaga namin dito is yung bibilin nya kaya diretso nalang kami sa men's botique ng biglang may nakasalubong kami.

"Oh Miggy, naligaw ka ata dito?" bungad sa kanya nung kagwapuhan ding lalaki tas tumingin sakin. Shemms sino ang lalaking toh, ang gwapooooooo lalo na yung haba ng buhok nya na talaga namang bagay na bagay sa kanya.

"At may kasama pala, aba hindi kamanlang nagsasabi ha" natatawa pang sabi nung guy.

"Ahh may bibilhin lang, sya nga pala sya si Leigh kaibigan ko, Leigh sya naman si Mark tropa ko" pagpapakilala ni Miggy samin, ngumiti naman ako sa kanya.

"Kinagagalak kong makilala ang isang magandang binibining kagaya mo" sabi naman nito na ikinabigla ko.

"Ikaw talaga hindi kapadin nagbabago" natatawang sabat naman ni Miggy, ewan ko pero medyo nakaramdam ako ng kilig sa sinabi nya, sa kauna unahang pagkakataon ay may bumati sakin ng ganon.

"So pano? una na kami?" pagpapaalam ni Miggy at pinagpatuloy na namin yung paglalakad, ayaw koman syang lingunin pero mismong ulo kona ang gumalaw, at laking gulat ko ng nagtama yung paningin namin, ngumiti lang sya sakin at kumaway bilang pagpapaalam.

"Miggy" bulong ko.

"Oh?" tipid nyang tugon.

"Sino yung Mark nayun? i mean kelan mopa sya kilala, bakit hindi mo manlang nabanggit sakin?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Bigla naman syang natawa.

"Bakit type mo?" tanong nya.

"Hindi ah!" sagot ko naman agad.

"Sus, matagal kona yung tropa, syempre babae ka, pag may mga lakad kaming tropa syempre dika kasama" natatawa nya namang sagot, napatango nalang ako, sabagay may punto naman sya.

"Kung tatanungin ba kita, sinong mas gwapo saming dalawa? ako ba o si Mark?" bigla tanong nya na ikinagulat ko.

Napaisip naman ako, pareho naman silang biniyayaan ng maamo at gwapong mukha, parehong matikas at maganda ang pangangatawan, kaya kung papipiliin ako, eh parehas talaga.

"Pareho naman kayong gwapo at walang mas angat sa inyo, maliban nalang sa ugali, kasi kung ugali ang tatanungin syempre sayo ako, dikopa naman sya kilala eh" natatawa ko namang sagot

Tumawa din naman sya, hindi namin namalayaang asa harap na kami ng men's botique, dumiretso nalang kami dito paloo.

_______

Itutuloyy...

_____

PLSS VOTE THANK YOU

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon