Chapter12

859 60 4
                                    

Makalipas ang 30 minutes ay natapos na nga ang oras na ibinigay at salamat naman at natapos din namin ang pagluluto, pawis na pawis si Hubert habang ako ay wala manlamang, hindi nako magtataka, sya yung masyadong nagpakapagod dito, halos sya na nga lahat yung gumawa, pinrepare na namin sa magandang bowl yung sinigang na hipon namin, tapos ay dinala na sa mga judge, kami kasi yung una. Muli akong nakaramdam ng kaba ng nasa harap na kami ng tatlong judge.

Isa isa silang humigop ng sabaw at halos lahat sila ay walang emosyon, diba dapat maasiman sila. Ni kami ni Hubert ay hindi na namin nagawang tikman yung sarili naming luto dahil sa kakapusin na sa oras. Sunod silang kumuha ng hipon, tapos ay binalatan at ginayat, muli akong pinasok ng kaba ng hindi agad maputol ng kutsilyo yung hipon, lord pls wag naman sana, sana ay luto yun. Natapos ang ilang minuto at mga sunod na kalahok na ang nagpapatikim, kami naman ni Hubert ay pinaupo na. Ni isang salita ay wala manlang lumabas sa bibig ni Hubert.

Lumipas pa ang ilang minuto at lahat na ng kalahok ay naririto sa tabi namin ni Hubert, hinihintay nalamang ang result, anim kaming group dito, may 3rd place, may 2nd place at syempre yung tatangghaling champion.

"Hawak ko na ang naging resulta!" sigaw nung mc, at unti unting umingay sa paligid.

Unang tinawag ang nagkamit bilang 3rd place, muli kong pinikit ang mata ko at umaasang kahit 2nd place manlang ay makamit namin, ang kaso ay hindi. Muling sumigaw yung mc upang isigaw ang section ng nagchampion at booomm!

Hindi kami nagwagi! Nabigo ako, nabigo kami, agad agad kong binaling ang tingin sa katabi kong si Hubert ang kaso ay mabilis syang umalis na parang galit, namuo ang tubig sa mata ko, hindi ko maintindihan pero naiiyak ako dahil hindi kami nanalo, agad agad kong hinabol si Hubert para alamin kung ano bang problema.

"Hubert, hintay!" sigaw ko, hindi naman ako nabigo dahil lumingon sya ng mabilis sakin, pero yung itsura nya, yung mukha nya ay parang nalugi.

"Alam mobang lahat ng cooking contest na sinasalihan ko ay nagchachampion ako! Tapos ngayon kahit isang place ay wala akong nakuha dahil sa lintik mong sinigang na walang kwenta!" sigaw nya sakin, this time nagpatakan na yung luha kona agad agad ko naman laging pinupunasan.

"Hi-hindi ko naman sinasadya Hubert eh, pasensya kana kung natalo tayo dahil sakin, hindi ko din naman to ginusto" umiiyak kong sagot sa kanya.

"Hindi mo ginusto? eh di sana hindi kanalang sumali, wala kang ambag! Wala kang kwenta, alam mo sana ikaw nalang nagkasakit ngayon eh, hindi si Elsa, kasi baka sya may silbi pa, kesa sayong sasali sa cooking contest wala namang alam" galit pa nyang sagot sakin, halos gumuho nayung mundo ko sa mga naririnig ko mula sa kanya.

"Di-diba sinabi ko naman sayo, sinigang lang ang alam ko na luto sa hipon, eh sana nag-isip kadin, nag suggest lang naman ako eh, hindi ko naman ginustong matalo tayo, may mga susunod pa naman diba? hindi mo kailangang magalit sakin dahil sa natalo tayo" umiiyak kopang paliwanag sa kanya.

"Wala akong pake! At pwede ba wag kang iiyak iyak sa harapan ko! Umalis ka na nga!" sigaw nya at tinulak ako dahilan para mapaupo ako sa lupa, napasubsob nalang ako sa tuhod at napahagulhol sa pag-iyak. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang lahat ng ito, sumali lang naman ako dito para masunod yung mga nasa list ng ideal girlfriend nya, hindi ko naman to ginusto eh, ginawa ko naman yung best ko para manalo kami, pero ganito pa ang nangyari. Kasalanan ko naman talaga eh, palpak talaga lagi ako, ngayon paba ako aasa sa kanya? ngayon pang sirang sira nako.

"Leigh, anong ginagawa mo dyan, kanina pa kitang hinahanap, tumayo ka nga dyan" boses ni Miggy na papalapit sakin, agad agad akong humarap sa kanya at tumayo para yakapin sya.

"Nagalit sya sakin" umiiyak kong sabi sa kanya.

"Teka bakit ka umiiyak? ano bang nangyayari sayo? sinong nagalit?" naguguluhan nyang mga tanong sakin.

"Nagalit si Hubert sakin kasi natalo kami, ako ang may kasalanan nito, bakit naman kasi ang tanga tanga ko" umiiyak kong paliwanag sa kanya, inalis nya ako sa pagkakayakap sa kanya tapos ay hinawakan sa magkabilang balikat bago tinignan ng seryoso.

"Wala kang kasalanan Leigh, napakakitid lang talaga ng utak nyang Hubert nayan, hindi sya marunong tumanggap ng pagkatalo, sinaktan kaba nya?" seryoso nyang sagot at tanong sakin.

"Hindi nyako sinaktan, pero ito! dinurog nya!(tinuro ang bandang puso) ang sasakit ng mga salitang binitawan nya sakin, gusto kong matunaw habang galit na galit sya sakin kanina, nakakahiya ako Miggy" sagot ko at lalong naiyak.

"Magpalit ka na ng damit at magpahinga" seryoso nyang sagot sakin at binitawan ako sa balikat.

"Teka san ka pupunta?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Babawian ko ang nagpapaiyak sayo ngayon, wala siyang karapatan saktan ka" sagot nya at tumakbo na palayo sakin.

"Miggy hintay! wag mong gawin yan!" sigaw ko pero patuloy lang sya sa pagtakbo, inalis ko ang apron ko at nagpunas ng muka tapos at tumakbo pasunod sa kanyang nawala na agad sa paningin ko.

itutuloyy.....



Pls VOTEEEE

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon