Chapter22

704 60 1
                                    

Leigh's Pov:

Tahimik lamang akong naglalakad sa tabi ng kalsada at wala sa sarili, habang hindi tumitigil ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Hanggang sa nakarating ako sa park, naupo ako dito at pinikit ang mata.

Kung hindi ako tunay na anak ni Papa, sino ang tunay kong mga magulang? At sino ba talaga ako? Habang nasa ganoong posisyon ng pag-iisip biglang may anino ng tao sa harap ko, dahan dahan kong itinangala yung mukha ko at bumungad sakin si Hubert. Agad agad akong nagpunas ng luha at hindi maintindihan ang gagawin.

"Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka andidito? Hindi kaba papasok?" sunod sunod na tanong niya, hindi ko maintindihan pero bakit parang ibang Hubert ata ang kaharap ko ngayon? sa kauna unahang pagkakataon kinakausap nyako sa mahinahong paraan.

"Ah ano kasi, masakit kasi yung ulo ko, kaya hindi muna ako papasok, tsaka gusto kolang mapag-isa kaya andidito ako, ikaw? bakit ka nandito?" sagot ko naman sa kanya at pinilit ikinalma ang sarili.

"Papunta na sana ako sa school ng bigla kitang makita dito, eh mukang hindi ka ok kaya pinuntahan muna kita" sagot naman nya.

"Pero bakit? ibig kong sabihin, diba galit ka sakin, kasi napaka papansin ko, napakadaldal ko at napakaingay ko, eh di sana nung nakita mokong hindi ok, hinayaan monalang ako" sagot ko naman sa kanya.

"Dahil ngayon yung pre-oral defense ng reasearch natin, at kailangan kita dun, kaya mag-ayos kana ng sarili at sumabay kana sakin dahil malalate na tayo, kahit pagtapos nun ay umuwi kana ulit" sagot nito at naglakad na papunta sa kotse nya, naiwan akong tulala at hindi makakibo dahil sa naging sagot nya, akala ko ay ayos na, akala ko may meaning na, akala kolang pala ulit, umasa na naman ako sa wala. Akala ko concern sya sakin, pero sa research namin pala sya concern.

"Leigh tara na!" tawag nya sakin, ni isang gamit ay wala akong dala bukod sa cellphone ko, agad agad naman akong tumakbo papunta sa kotse nya at tumabi sa tabi nya sa front seat.

"Oh ayan, aralin mo, kailangan nating maipasa ang defense na ito, dahil kung hindi kakailanganin nating sumama sa walang kwenta nilang campaign, at ayaw na ayaw ko ng mga ganun" paliwanag nya sakin at iniabot sakin yung laptop nya, hindi naman nako umimik at tahimik na inintindi nalang ang nilalaman ng research namin na wala akong kinalaman, ni hindi kona nga alam na defense na pala at may nagawa na pala si Hubert na sya lang mismo ang nagpakahirap, siguro ay nadala ako ng mga problemang iniisip ko netong mga nakaraan, habang binabasa ko yung research na hanggang chapter3 palang naman, bigla ko na namang naalala yung babae kanina na asawa ni Papa at Mama ni Kuya, huminga ako ng malalim at ifinocus ang sarili sa pagintindi sa binabasa, naalala ko yung cooking contest kung saan ako din ang kapareha ni Hubert, kung saan natalo kami, kung saan nagalit sya sakin ng sobra, kung saan iniyakan ko sya, parang ganito ulit yun, what if ako ang maging reason para mareject ang research namin? baka magalit na naman sya ng ganon, baka mapagsalitaan na naman nyako ng kung ano ano, agad agad akong umiling iling para alisin ang mga negatibong naiisip ng utak ko.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ni Hubert, tinignan ko naman sya habang focus lang sa pagmamaneho.

"Wala" mahina at tipid kong sagot at muling inilagay ang presence ng sarili sa research.

____

Ilang minuto nalamang at kami na ang susunod, habang pabilis ng pabilis ang oras ay pabilis din ng pabilis yung tibok ng puso ko, tinignan ko si Hubert na sobrang tahimik lamang sa isang gilid habang hawak ang research copy namin, ako naman ay dito sa laptop. Maya maya pa ay lumabas na ang dalawa naming kaklase sa silid kung saan ginaganap ang defense, masaya silang dalawa.

"Ano kamusta?" tanong ni Hubert sa dalawa.

"Naapprovan kami" masayang sagot ni Jane.

"Congrats" nakangiting bati ni Hubert sa dalawa.

"Mr.Castro and Ms.Guevarra pumasok na kayo" boses mula sa silid kung saan galing sina Jane, papasok na sana ako ng biglang nagsalita si Hubert.

"Goodluck" bulong nya, tinignan kolang sya ng mabilis at ngumiti tapos ay tuluyan ng pumasok, para kaming nag-aaudition habang kaharap ang tatlong judge.

At biglang nagtaasan ang balahibo ko ng marinig ko ang salitang 'GOODLUCK', ewan ko ba may trust issue talaga ako sa word na yan, pakiramdam ko kapag sinasabihan ako niyan kabaliktaran yung nangyayari, na wag naman po sana huhu.

**After the defense**

Halos mangiyak ngiyak nako habang hinihintay ang result ng aming defense, parang bibigay nayung tuhod ko sa kaba, hindi nadin ako mapakali, nagbubulungan sila at hindi ko maintindihan kung ano bang pinag-uusapan nila ng biglang.

"Mr.Castro and Ms.Guevarra sorry pero irereject namin ang research nyo this time, marami ang naging mali nyo at dapat itama" sabi nung pinakachairman sa kanilang tatlo at gumuho ang mundo ko, bigla na lamang akong napaupo sa malapit na upuan at napahagulhol ng iyak at napahawak sa mukha, hindi ko kinaya ang resulta, pakiramdam ko ay makakatanggap na naman ako ng masasakit na salita mula sa isa sa pinakamahalagang tao para sakin, pakiramdam ko magagalit na naman si Hubert sakin, pakiramdam ko kasalanan ko na naman.

"Iha, aayusin nyolang naman, wala namang naging mali sa pagdepensa nyo, aayusin nyo lamang yung mga mali at for sure next time approve nayan, wag kang umiyak dahil part yan ng pagiging researcher" paliwanag pa sakin mung chairman.

"Leigh tara na" mahinang bulong naman sakin ni Hubert, agad agad akong nagpunas ng luha at tumingin sa tatlo naming panelist.

"Thank you po, promise po sa susunod wala na itong mali" confident kong sagot sa kanila, ngumiti naman sila at tumango sakin, tapos nun ay lumabas nako sa silid, tinawag nadin yung susunod na kasalukuyan ng naghihintay dito sa labas.

"Hubert sorry" bulong ko habang nakatalikod ako sa kanya at muling naiyak.

"Bakit ka nagsosorry? tsaka bakit kaba umiiyak, wala namang may gusto na mareject yung research natin eh, ayos lang yan" sagot naman nya sakin, ayokong isiping ayos lang sa kanya dahil pakiramdam ko naaawa lang sya sakin.

Humarap ako sa kanya bago sumagot.

"Hubert umiiyak ako hindi dahil nareject yung research natin! Umiiyak ako dahil sayo!" umiiyak kong sagot sa kanya, nanlaki naman ang mata nya dahil sa sinabi ko.

"Da-dahil sakin?" nauutal at mahina nyang tanong.

"Oo Hubert dahil sayo! Hindi paba malinaw sayo, natatakot nako sayo! Pakiramdam ko bawat galaw ko na kasama ka may mali! Pakiramdam ko may magagawa akong mali at magagalit ka na naman sakin, pagsasabihan mo na naman ako ng masasakit na salitang hindi kona kayang tanggapin pa lalo na at galing sayo! Alam mobang nung nasa kotse palang tayo yun na agad naiisip ko! puro what if! what if mareject ang lintik na research to for sure ako na naman yung masisisi lalo na at unang una wala ako ni isang naitulong dito!" mahaba at umiiyak kong sagot sa kanya tapos ay nagtatakbo na pababa, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mailabas lahat ng hinanakit ko....

Hubert's Pov:

Naiwan akong tulala at wala sa sarili matapos kong marinig sa kanya yun, hindi ko akalaiang ganon konapala sya nasaktan, ganon na pala ako kasama sa kanya, ganon na pala kalubha ang mga nasasabi at nagagawa ko sa kanya. Para akong pinaulanan ng kutsilyo at nagising sa katotohanang ang SAMA kong tao....

_____

Dont Forget to VOTE, thankies!

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon