Nagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...
Maaga palang ay nag ayos nako ng sarili, nagsuot nalang ako ng maong pants at maluwang na t-shirt tulad ng sadya kong nakasanayan, hindi dahil sumusuko nako kay Hubert, inalagay konadin ang susuotin ko pag asa school nako, balak ko kasing magshort today, eh syempre hindi naman ako makakalabas ng bahay nato ng ganon ang suot kaya sa school nalang ako magpapalit. Pagkalabas ng kwarto ay bumungad sakin yung Lexie, yung babaeng may sapi na inuwi ni kuya dito, tulad ng palagi kong ginagawa mula ng dumatiny sya dito at sinaktan ako, hindi konalang sya pinansin, nakataas pa paa nya sa maliit na lamesa habang nakaupo sa sofa at may hawak na tasa na naglalaman ng gatas, pano ko nalaman? kulay puti kasi, nakakainis lang na pati gatas na binibili ni papa para sakin ay may kahati nako ngayon, kaya pala ambilis bilis maubos ,impaktang to, ngumiti lang sya sakin ng nakakaloka pero binalewala konalang at lumabas na ng bahay, hindi nako kay papa sasabay.
Ng makarating sa school ay dumiretso agad ako ng restroom para magpalit, and then...
tsaraaaaannnnn!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Yan ang outfit ko for today. So means check nadin ako sa shorts.
My Ideal Girlfriend
1. Makulit√ 2. Matulungin√ 3. Maputi√ 4. May class ang dating lalo na sa OOTD√ 5. Pala ayos sa sarili√ 6. Maangas√ 7. Matapang√ 8. Masunurin 9. Mahilig sa maiikling shorts√ 10. Maganda√ 11. Masiyahin 12. Makadiyos√ 13. Mahilig sa pusa 14. Masipag√ 15. Magaling magluto 16. Mapagbigay√ 17. Mapagparaya 18. Masinop 19. Matipid 20. magaling sumayaw
Sa tingin ko naman lahat ng ito ay magagawa kona ngayon ding araw, at hindi kona alam pa kung anong mga mangyayari pero sana maappreciate nya toh.
Kasalukuyan na ako ngayong naglalakad sa hallway ng makasalubong ko na naman yung Mark na pogi.
"Hi!" nakangiting bati nya sa akin.
"Oyy ikaw pala, pasensya kana sa last na paguusap natin medyo napagtarayan kita" sagot ko naman sa kanya.
"I want you to be my girlfriend!" seryosong sagot nya na dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat.
"A-ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Kailangan ko ng girlfriend na maipapakilala sa daddy at mommy ko! at ikaw yung gusto ko" sagot pa nya
"Nababaliw kanaba? Andami dyang ibang babae, ang gaganda pa bakit ako pa?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Magpapanggap kalang na girlfriend ko! sa mata ng lahat ng tao at lalong lalo na sa mata ng parents ko! yun lang! babayaran kita just name it!" mahaba pa nitong paliwanag, kumunot ang ulo ko napailing iling nalang sa kabaliwan nya
"Akala ko pa naman mabait ka, binabayaran moko para gawin ang isang bagay na hindi ko naman gustong gawin? so sorry sayo kasi ayoko!" sagot ko at aalis na sana kaso hinawakan nyako sa wrist at binalik sa kinatatayuan ko kanina.
"Alam kong hindi moko gusto kaya nga ikaw yung kinukuha ko! ayokong kumuha ng ibang babae dahil halos lahat naman sila gusto ako! baka ipagkalat nila kung saan saan a boyfriend nya ang isang kagaya ko! ayoko ng ganon, dahil first of all nagprepretend lang kami, kaya pls Leigh, kailangan talaga kita!" pagsusumamo pa nito.
"Sorry talaga Mark pero hindi kita matutulungan sa gusto mo" sagot ko at iniwan na syang mag isa dun, paakyat nako sa next floor kung saan ang room namin ng makasalubong ko naman si Miggy na pababa ng hagdan.
"Oh Leigh, hindi kita nakita kahapon ah, kamusta" bungad nya sa akin.
"Ayos lang" walang modo kong sagot at pinagpatuloy na ang pag akyat at pumasok sa classroom, laking gulat ko ng bumungad sakin si Hubert at yung babae nga na nililigawan nya sa unahan nakaupo, pareho kong naagaw ang pansin nila na ngayon ay nakatingin na sa akin, dali dali akong tumungo sa upuan ko at naupo na tapos ay kinuha ang cellphone para kunwari busy ako at hindi ko sila pinapansin, pinagpatuloy lang nila yung pag uusap dun habang tumatawa, muli kong kinuha ang list #11 masayahin. Ok kaya konatong gawin.
Walang ano ano ay tumawa ako ng malakas habang kunwari ay nakatingin sa phone ko na sanhi kaya tumatawa ako ngayon, muli ay nakuha ko ulit ang atensyon nilang dalawa, simula ngayon lagi nakong masaya pag nakikita ako ni Hubert.
Dumaan ang ilang minuto at lumabas na si Hubert at yung nililigawan nya, unti unti nading napupuno yung classroom hanggang sa dumating na yung prof. namin.
"May cooking contest na magaganap for this week, tatlo lamang sa isang classroom ang kukunin, sino ang willing sumali sa inyo?" direktang tanong ng prof. namin, bigla namang tumahimik ang paligid. Pumikit ako ng mabilis at napalunok tapos ay itinaas ang aking kamay.
"Ako po, sasali po ako" pagpriprisinta ko na labag sa buong pagkatao ko, wala ako ni isang alam pagdating sa pagluluto tapos napasabak ako ng wala sa oras dahil nasa list ito ng ideal girlfriend ni Hubert
"Ok, Thank you, Ms.Guevarra, sino pa ang gustong sumali? may plus points ito sa subject ko" sabi pa nung prof. namin tapos ay naupo nako.
"Ako din poo!" prisinta nadin nung isang babae, nanahimik nalang ako at binaling sa bintana ang tingin ng biglang hindi sinasadyang marinig ko ang boses ni Hubert mula sa tabi ko.
"Sasali din ako" walang galang nyang sagot, agad agad naman akong napaharap sa kanya.
"Ayan kompleto na, salamat sa inyong tatlo dahil sa pagsali, ang cooking contest ay gaganapin ngayong sabado na mismo, magkasundo na kayo kung ano ang gusto nyong lutuin sa araw na iyon, goodluck sa inyong tatlo at maraming salamat" sabi pa ng prof. namin pagtapos ay nagsimula ng magdiscuss.
Hindi padin ako makapaniwala na sumali si Hubert, magaling siguro talaga sya magluto, oo fangirl nyako, halos lahat alam ko sa kanya pero hindi sa larangan ng pagluluto, eh ako? pano nalang kaya ako, baka maging pabigat pako sa kanya dahil sa kagagahan ko, kung bakit naman kasi padalos dalos ako. Ah basta bahala na, kaya koto, hindi naman ako nag iisa eh.
My Ideal Girlfriend
1. Makulit√ 2. Matulungin√ 3. Maputi√ 4. May class ang dating lalo na sa OOTD√ 5. Pala ayos sa sarili√ 6. Maangas√ 7. Matapang√ 8. Masunurin 9. Mahilig sa maiikling shorts√ 10. Maganda√ 11. Masiyahin√ 12. Makadiyos√ 13. Mahilig sa pusa 14. Masipag√ 15. Magaling magluto√ 16. Mapagbigay√ 17. Mapagparaya 18. Masinop 19. Matipid 20. magaling sumayaw