Hindi ko namalayang inabot nako ng gabi dito sa park, gusto kong magutom dahil umagahan lang ako nakakain, pero hindi ko maramdamang gutom ako, antanging nararamdaman kolang ay sakit, habang inaalala ang mga problema.
Kasalukuyan parin akong umiiyak habang hindi maiwasang isipin ang mga problema ng biglang may tumabi sakin dito sa upuang kinauupuan ko, dahan dahan akong lumingon dito at nakita si Kuya. Lalo akong napahagulhol sa iyak ng makita sya at agad agad niyakap ng sobrang higpit.
"Kuya ayoko na, pagod na pagod nako" umiiyak kong sabi sa kanya.
"Lahat naman ng sakit iniiyakan talaga natin, pero sooner or later mawawala din yan at manunumbalik sa dati, alam kong sobrang bigat ng pinagdadaanan mo ngayon, pero wag mong kakalimutang andito kami ni Papa, handang patahanin ka kapag umiiyak ka, handang makinig sa mga problema mo, naalala mo nung bata ka, iyak ka ng iyak nun, kasi naman sa sobrang likot mo nadapa ka at nagkagalos sa tuhod, habang umiiyak ka nun, tawa kami ng tawa ni Papa, tapos nun kahit nasasaktan kana nung nakita mo kaming tumatawa bigla kanading tumawa, sabi kasi sakin ni Papa yun daw kahinaan mo, yung pagiging masaya, dahil andali mo daw mahawaan nun, o nung mga time ba na umiiyak ka, sinong nag-aalala sayo? sinong nagpapatahan sayo? diba si Papa? kaya Leigh kami ang pamilya mo, kung tatanungin ba kita hindi paba kami sapat para sayo? nagkulang ba kami?" mahabang paliwanag ni Kuya at bumitaw ako sa pagkakayakap.
"Syempre wala, wala namang kulang eh, alam moba yung nararamdaman ko ngayon? hiya, hiyang hiya nako kay Papa, hiyang hiya nako sa inyo, alam mo ba nung nalaman kong hindi ako tunay na anak ni Papa, nagflashback sakin lahat lahat, simula pagkabata ko, sa pagpasok ko, sa mga gamit ko, sa mga luho ko, at sa mga materyal na bagay na hinihingi ko kahit alam kong mahirap lang tayo, at hanggang ngayon na college nako, mas pinili kong unahin ang sarili ko, na kahit alam kong walang wala na tayo nagpumilit padin ako sa private school nato, ngayon kolang narealize yung mga pagkukulang ko, kakulangan sa pag-intindi, sa bawat pasada ni Papa, umaga hanggang gabi na, naliligo na sya sa pawis kumita lang siya, at ikaw! hindi kana nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa mga utang natin, nagsakripisyo ka para sakin, nagtrabaho kana, at lahat ng ginagawa nyo ni Papa para sakin, alam mo ba kung gaano ako hiyang hiya sa inyo lalo na sa sarili ko, kaya Kuya, hindi kayo nagkulang sakin, at napakaswerte ko dahil napunta ako sa inyo, tinanggap nyoko at minahal, hindi nyo pinaramdam sakin na iba ako" mahaba at umiiyak kong sagot sa kanya.
"Hindi ka dapat nahihiya samin, nakakabata kitang kapatid kaya natural lamang na ako yung magsakripisyo para sayo, at anak ka ni Papa kaya walang dahilan para hindi nya ibigay mga pangangailangan mo, hindi mo kailangang mahiya, dahil sa totoo lang dapat kami ni Papa yung nahihiya sayo, dahil itinago namin to sayo, tsaka Leigh mahiya ka kung hindi ka naging mabuting bata, pero sa tagal na ng panahong lumipas ni minsan hindi mo binigyan ng sakit ng ulo si Papa, kaya Leigh tama na, hinihintay kana ni Papa, kanina pa yung nag-aalala sayo." sagot naman ni Kuya.
"Kuya bago tayo umuwi pwede bako magtanong sayo?" mahinahong sagot at tanong ko.
"Ano yun?" tanong din nya.
"Sino ba talagang mga magulang ko? Hindi nyo ba talaga kilala? San nyo bako nakita? Pano ako napunta sa inyo?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Huminga sya ng malalim bago sumagot.
"5 yrs.old ako nun, bata pako nun, at hindi ko na maalala yung nangyari, pero ang alam kolang hindi talaga kita kapatid, ayon sa kwento ni Papa, kasama nya lagi ako nun pag pumapasada sya kasi nga wala akong kasama sa bahay, then one day may babaeng sumakay kay Papa, dala ka nung babae nun, tapos nung makalayo layo na kami, bumaba nayung babae at nakiusap, pilit ka nyang iniwan kay Papa dahil may gusto daw pumatay sa inyong mag-ina, iyak ng iyak yung nanay mo nun, kitang kita yung takot sa mga mata nya, sinabi ni Papa na tutulungan nya yung nanay mo, pero hindi ito pumayag dahil sabi nito hindi daw siya titigilan nung gustong pumatay sa kanya, at dahil sa ayaw ka nyang madamay ay ipinaubaya ka nya samin, nakiusap yung nanay mo na huwag iibahin yung pangalan mong Leigh, sinibukan syang pigilan ni Papa pero nagtatakbo na ito palayo" mahabang paliwanag ni Kuya na sinundan ko agad ng tanong.
"Ibig sabihin may posibilidad na buhay yung Nanay ko?" direktang tanong ko.
"Wala na Leigh, dahil kinabukasan din matapos mangyari yun, natagpuan yung Nanay mo sa may gubat na patay na at puro saksak yung katawan" sagot nya na ikinaguho ko, bigla na naman akong nakaramdam ng sakit, hindi ko maimagine na ganon kalala yung pinagdaanan ng Nanay ko. Hindi pako nakakasagot ay nagsalita ulit sya.
"Dumaan yung ilang araw at dun nahuli na yung pumatay sa nanay mo, at natuklasan din naming ang lalaki palang humahabol sa inyo ay ang tatay mo" sunod pang sabi ni Kuya na ikinalaki ng mata ko.
"Tatay ko? at ano namang motibo nya para gawin kay Nanay ang ganoon kasamang pagpatay?" direkta ko agad tanong sa kanya.
"Hindi din namin alam, ang nabalitaan nalang namin matapos itong makulong, isang linggo ang makalipas, ay patay nadin ito" sagot ni Kuya, hindi kona maintindihan, bakit ganon? bakit ganung yung nangyari sa pamilya ko, bakit kailangan ganon! Pakiramdam ko ubos na ang tubig sa katawan ko pero bakit hindi maubos ubos ang luhang to.
"Kaya minabuti namin ni Papa na itago nalamang ang lahat, lumipat agad tayo ng bahay, kung saan tayo ngayon nakatira para matakasan ang masasamang pangyayari nayun" sabi pa nya, at dun napahawak ako sa mukha, agad agad naman nyakong niyakap habang nakaupo padin kami dito, hindi kona alam ang iisipin ko, lalong bumibigat yung pakiramdam ko sa mga sunod sunod na nangyayaring ito.
_____
DONT FORGET TO VOTEEE!! THANK YOU!
![](https://img.wattpad.com/cover/194063318-288-k177681.jpg)
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...