*After 1 week*
Hubert's Final POV:
Bawat pagtatapos ay may nakaakibat na panibagong panimula.
Kailan nga ba tayo natututo? Kapag nga ba may nawala na? kapag may nagpaalam na? Para sakin ang PINAKAMALAKI KONG PAGKAKAMALI ay ang balewalain ko ang isang babaeng kagaya ni Leigh, wala siyang katulad dahil natatangi at nag-iisa lamang siya. Tama nga sila, tsaka palamang natin narerealize yung mga pagkakamali natin kapag huli na ang lahat, kapag hindi na natin pwede pang itama.
Napakaliwanag at napakagandang umaga pero hindi namin maramdaman iyon, ngayong araw, araw na para tuluyan ng magpaalam sa babaeng dahilan kaya nakatayo ako ngayon dito, buhay at malakas. Nakatayo sa harap ng kabaong nya.
Ngayong araw tuluyan ko na syang hindi makakasama dahil ngayong araw na ito ililibing na siya. Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon para makita manlang yung mukha nya kahit sa huling sandali, sadyang ayaw pabuksan ng pamilya ni Leigh yung kabaong nya, dahil nga sa malubhang sinapit ng mukha at katawan nito, malubhang sinapit ni Leigh dahil sa akin, hanggang ngayon hindi ko magawang mapatawad ang sarili ko, wala sanang ganito ngayon kung hindi naging matigas ang ulo ko, kung nakinig lang sana ako kay Leigh nung mga araw nayun, hindi na hahantong sa ganito, inabutan nila ako ng puting rosas, unti unti ng ibinababa sa napakalalim na hukay ang kabaong niya, at isa isa na silang nagpapalam kay Leigh, hindi ko magawang maitayo ang sarili sa pagkakaupo dahil nanghihina ako, muli kona namang naramdaman ang sakit, hindi ako makapaniwala na ang babaeng araw araw kong nakikita at araw araw na nangungulit sakin ay pumanaw na, nakakapanibago na wala ng Leigh ang nahuhuli ko palaging nakatingin sakin, wala na ang Leigh na gagawa ng paraan mapansin kolang, wala na ang Leigh na nageffort sundin ang nasa ideal girlfriend list ko. Sa totoo lang totoo namang yun ang hinahanap ko sa isang babae, at halos lahat yun ay nakay Leigh, yuny pagiging makulit nya at palangiti ang isa sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan, unang pasok palang namin bilang 1st year college, magkatabi kami nun, nakaramdam nako ng kakaiba sa kanya, at bilang ako sa sarili ko, hindi ko ito pinakita sa kanya, mas pinili kong itago muna yung nararamdaman ko, mas pinili kong maging masama sa kanya para lang mapatunayan ko sa sarili ko kung seryoso ba talaga siya sakin, hanggang sa dumating na sa puntong umamin na siya ng nararamdaman sa akin, at sa puntong iyon, hindi ko sya tinanggap, oo yung look nya ang ideal girlfriend ko pero hindi ang attitude nya, naturn off ako sa kanya ng umamin sya ng feelings sakin, dahil gusto ko akoyung gagawa nun. Pero sa nangyari ngayon, sana pala nuon palang pinapasok kona sya sa buhay ko, hindi kona sana sya nasaktan ng ganoon kasobra, sana naiparamdam koman lang ang pagmamahal ko na hinahanap hanap nya, Ang isang Leigh Guevarra ay deserve ang isang totoong pagmamahal, deserve nyang mahalin. Hindi jya deserve ang mga sakit na pinaramdam ko sa kanya, masakit mang isiping huli na ang lahat at hindi kona magagawa pa ang gusto ko ngayong gawin sa kanya, isa lang sigurado ako, hindi ko sya makakalimutan kahit na kailan.
Nang tuluyan na siyang naibaba sa hukay ay lumapit na ako dun tapos ay inihulog ang puting rosas na hawak ko, halos lahat ng nandito ay nagiging emotional, maging ang mga kalalakihan. Kita ko ang sakit sa mga mata Miggy, high school pa lamang ay siya na ang nakikita kong palaging kasama ni Leigh, halos lahat sila maging pamilya ni Leigh ibinunton ang sisi sa akin, sa pagkawala niya, hindi ko naman sila masisisi eh at aminado naman akong ako yung puno't dulo ng lahat. Hindi ko itinago ang totoong nangyari, isinalaysay ko sa harap ng mga estudyante at sa harap ng maraming tao ang totoong nangyari, kung paano ako lumabas ng bakod na pinagbabawal, hanggang sa ayun na nga. Muli na namang may pumatak na luha sa mga mata ko habang inaalalaang masalimuot na pangyayaring iyon.
____
*AFTER 4 YEARS*
Makalipas ang apat na taon hindi padin nawawala sa akin ang ala ala ni Leigh, maging maganda nyang mukha ay nakatatak padin sa utak ko, katatapos lang ng graduation namin, at kung nandito sana si Leigh, isa sya sa aming napakadaming nagsitapos.
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...