Nagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...
Maaga akong umalis sa bahay para hindi ko na makita pang muli ang babae ni Kuya, at syempre sya, masyadong masakit yung ginawa nya sakin, ako yung kapatid nya pero parang mas importante pa sa kanya yung babaeng yun.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
So kasalukuyan nakong naglalakad dito sa campus, medyo maaga pa kaya wala pang masyadong tao, lumilinga linga lang ako sa paligid ng may hindi inaasahang nasagap ang device ko. Si Hubert, si Hubert may kasamang isang magandang babae, nakaupo sa upuan ng round table habang nagtatawanan, nakapatong pa ang kamay nilang magkahawak sa lamesa. Halos mapaupo ako sa nasaksihan ko, hindi ko maintindihan yung sarili ko pero tila bigla akong nawalan ng pag-asa sa buhay, mabilis kong iniiwas ang tingin sa kanila ng hindi inaasahang yung Mark naman ang nalingon kong kasalukuyang nagdridrible ng bola sa may gilid, mag isa. Ano namang ginagawa nya dito? Agad agad akong tumakbo papunta sana sa building ng bigla nyakong tinawag. Agad agad akong humarap sa kanyang papalapit na sakin.
"Uyyy, Leigh tama? pano ba ipronounce yun?" natatawa at palabiro nyang bungad sa akin, pero sa halip na ngumiti ako pabalik, ay nainis pako.
"Ano bang kailangan mo?" masungit kong tanong, kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang asal ko, ang alam kolang yung crush ko ng limang taon, ay may gusto na at hindi ako. Sobrang sakit sa pakiramdam na ginagawa mo naman lahat para mapansin at magustuhan nya pero bakit ganito pa ang nangyayari? Nagulat si Mark sa inasal ko, agad agad naman akong tumakbo sa building kung san ang classroom namin at duon binuhos yung sakit.
Mark Liam's Pov:
Napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa inasal ni Leigh, parang nung unang pagkikita palang namin ay napakasimple nya, laging nakangiti at napakanice, tapos ngayon ay ganitong attitude ang ipinakita nya sa akin.
"Wuyyy, sa wakas nandito kana! May makakasama nako!" bungad sa akin ni Miggy habang tumatawa.
Sinamaan konaman sya ng tingin at pinagpatuloy ang pagdridrible. Napakamot naman sya sa ulo ng nagtataka.
"Ano bang nangyari sayo? at para ka dyang inagawan ng candy" pagbibiro pa nya.
"Yan kasing kaibigan mo, ang sungit, binati kolang naman" naiinis kong sagot.
"Si Leigh? imposibleng magsungit yun, hindi nga ata marunong magalit yun eh" natatawa nyang sagot.
Hindi konalamang sya pinansin ng muli syang magsalita.
"Teka nga muna, bakit ba parang apektado ka at hindi ka nya pinansin ha?" pang aasar pa nya habang tumatawa.
Sa halip na sagutin pa sya ay tinapon ko ng malakas ang bola sa ring, at tumakbo na papunta sa locker ko.
Leigh's Pov:
Binago koyung sarili ko, kahit hindi ako sanay sa pananamit na ganito pinilit ko, kahit pakiramdam ko may mga mata laging nakatingin sa binti ko tiniis ko, lahat tiniis ko kahit nahihirapan at naiilang ako para sa kanya, tapos ngayon eto lang ang igaganti nya sa mga sakripisyo ko. Habang nasa ganitong posisyon ako ng pag iisip ay may mga nagsidatingan na sa room na grupo ng mga babae.
"Alam nyoba na si Hubert ay may nililigawan na" sabi nung isa bago sila isa isang nagsiupuan.
"Oo nga eh, napaswerte naman ng babaeng yun" sagot naman nung isa.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaginhawaan, parang napakalaking tinik na nakabara ang naalis sa dibdib ko, huminga ako ng malalim at kinuha ang pouch na naglalaman ng mga make up, at kung ano ano pang pang kolorete at pampaganda sa mukha, kinuha konadin ang salamin, at dun sinimulan kong ayusin ang sarili. Nililigawan palang nya yung babae may chance na para hindi maging sila, kailangang sa maiklinh panahon ay matapos at magawa ko lahat ng nasa list.
Nang matapos kong ayusin ang aking sarili ay tumingin akong muli sa salamin, ibang iba nako, anlaki na ng pinagbago ko. Sa pagkakataong ito ay confident kong chineckan yung #10. which is MAGANDA, napansin korin yung palaayos sa sarili sa #5 kaya chineckan konadin, paulit ulit lang naman yung nsa list eh, chineckan konadin yung #1 makulit, kasi ilang beses konayung nagawa kaso hindi naman sya natutuwa, pinopolish kona yung list. #6 which is maangas ay chineckan konadin, kapatid naman nito ang MATAPANG, na pinakita ko sa kanya last day. And then masipag, dahil pagiging masipag ang pagtulong sa janitor para sa paglilinis dito na ginawa ko.
My Ideal Girlfriend
1. Makulit√ 2. Matulungin√ 3. Maputi√ 4. May class ang dating lalo na sa OOTD√ 5. Pala ayos sa sarili√ 6. Maangas√ 7. Matapang√ 8. Masunurin 9. Mahilig sa maiikling shorts 10. Maganda√ 11. Masiyahin 12. Makadiyos 13. Mahilig sa pusa 14. Masipag√ 15. Magaling magluto 16. Mapagbigay√ 17. Mapagparaya 18. Masinop 19. Matipid 20. magaling sumayaw
Dumaan pa ang ilang minuto at napuno na ang classroom dumating nadin si Hubert, naging simple lang ako, hindi tulad nuon na lagi akong nagpapahalatang nakatitig at nakatingin sa kanya, baka sa pamamagitan nito ay magustuhan na nyako.
Dumating nadin yung prof. namin.
"Good morning class" bati nya.
"Good morning Sir" balik bati namin sa kanya.
"Ok, sino gusto maglead as prayer for today?" tanong nya, agad agad naman akong sumagot.
"Ako napo Sir. kahit araw araw" nakangiti kong sagot, nagtawanan naman sila, eh ano bang nakakatawa sa sinabi ko?
Pumunta nako sa unahan at naglead as a prayer, halos mangatog na ang tuhod ko, dahil hindi naman ako nakapagready dito, kung ano ano nalamang sinabi ko sa unahan tapos ay mabilis kodin itong tinapos, binuksan ko ang mga mata at si Hubert na nakatingin sakin ang naabutan ko, agad agad akong nagsign of the cross tapos ay bumalik na sa upuan ko, sa katabi nya, dali dali akong humarap sa kabila at kinuha ang list para checkan ang makadiyos. Umaasa ako na may chance pa Hubert, alam kong hindi pa huli ang lahat.
My Ideal Girlfriend
1. Makulit√ 2. Matulungin√ 3. Maputi√ 4. May class ang dating lalo na sa OOTD√ 5. Pala ayos sa sarili√ 6. Maangas√ 7. Matapang√ 8. Masunurin 9. Mahilig sa maiikling shorts 10. Maganda√ 11. Masiyahin 12. Makadiyos√ 13. Mahilig sa pusa 14. Masipag√ 15. Magaling magluto 16. Mapagbigay√ 17. Mapagparaya 18. Masinop 19. Matipid 20. magaling sumayaw
Siyam nalang ang hindi ko nagagawa at napapakita sa kanya, kaya ko kayang tapusin lahat ng ito sa isang araw lang? dalawa? o tatlo basta mas magandang mapabilis para hindi ako mahuli.
_____
[A/N: kawawa naman si Leigh, mukang patay na patay talaga sya kay Hubert, sana ol kayang gawin lahat para sa LOVE]