Chapter21

719 49 0
                                    

Leigh's Pov:

Araw ng lunes, may pasok na naman, nakakainis lang dahil bigla nalang nagalit si Liam sakin ng hindi ko naman alam ang totoong dahilan kahapon.

"Papa yung bilin kopo ha, wag na wag po muna kayo papasada, dito lang po muna kayo sa bahay at magpahinga, sige po, papasok napo ako" bungad ko kay Papa na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Maayos naman na si Papa ayoko palang na magpagod sya, si Kuya naman wala ng pahinga, puro trabaho nalang.

"Araw araw mo nayang sinabi sakin eh, kaya ko naman na, pero sige dito lang ako, nakakainip kas dito sa bahay eh, di ako sanay ng walang ginagawa" sagot naman ni Papa.

"Eh ano po bang tawag nyo sa ginagawa nyo ngayon, diba po may ginagawa kayo" natatawa ko namang sagot sa kanya, tumingin naman sya sakin at nagpunas ng basang kamay.

"Nahihiya kasi ako sa inyo, lalo na sa Kuya mo, ako dapat ang nagtratrabaho para sa inyo, hindi yung ang Kuya mo ang gumagawa nun" mahinang sagot nya.

"Pa naman eh, nagawa mo napo yun, simula nung bata palang kami ikaw na yung naghirap para samin ni Kuya, kaya wag nyo napong isipin yun, sige Pa kunin kolang po bag ko sa kwarto" nakangiting sagot ko naman at tumungo na sa kwarto.

Sean's Pov: (kuya ni Leigh)

Papunta nako sa trabaho ng biglang may pamilyar na boses ang tumawag sakin, bigla na lamang akong kinalibutan ng marinig ang boses nayun, boses na sobrang tagal ko ng hindi narinig. Dahan dahan akong humarap sa likod kung saan nanggaling ang pagtawag sa pangalan ko, nanlaki na lamang ang mata ko ng makita si Mama sa harap ko.

"Ma?" mahinang tugon ko.

"Anakk" mahina ding sagot nya at agad agad akong niyakap. Habang nasa ganoong posisyon ay muli syang nagsalita.

"Patawarin nyoko, mahabang kwento kaya bigla na lamang akong nawala, hayaan nyokong magpaliwanag, san na ba kayo nakatira? nasan ba ang papa mo?" sunod sunod na sagot at tanong niya tapos ay bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin at nagpunas ng luha.

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya, hindi padin nakakarecover ang utak ko sa mga nangyayari, nagbalik si Mama? at malalaman na nya ang napakalaking sikreto namin ni Papa na tanging kami lang dalawa ang nakakaalam.

Leigh's Pov:

So ayun na nga inabot nako ng sampong minuto dito sa kwarto ko paghahanap ng hanep na Physics notebook yun, mabuti naman at nakita kona. Inisa isa kong ilagay ng maayos ang mga notebook ko sa bag ko pagkatapos ay napagdesisyunan ng umalis kasi malalate na talaga ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay tinawag kona si Papa, sanay na kasi sa ganito, yung pagkakalabas ko ng kwarto tinatawag kona agad sya.

"Papa!" sigaw ko habang naglalakad, ng makarating sa pinaka salas namin naabutan kong nakatayo si Kuya duon at may babaeng kasama, gusto kong isiping may bago na naman syang babae pero hindi, para na namin itong nanay kung titignan kaya imposible. Binaling ko naman kay Papa ang tingin na kasalukuyang nakatayo sa may lamesa na para mong biglang may malalim na iniisip, nakatingin din si Kuya sakin pero wala ding emosyon ang muka nya. Magsasalita na sana ulit ako ang kaso ay biglang nagsalita yung babae.

"Papa?" kunot noo na tanong nung babae tapos ay tumingin sakin at inilipat kay Papa.

Sino ba sya? bakit parang takang taka sya na tinawag kong Papa si Papa?

"May anak ka sa iba Jun?" tanong nung babae kay Papa na ikinagulat ko, ano bang sinasabi nya.

Bigla na lamang tumahimik dito sa bahay, nakayuko lang si Papa at si Kuya.

"Mawalang galang napo, sino poba kayo? ano po bang sinasabi nyo?" mahinahong tanong ko sa babaeng ito.

"Ako? tinatanong mo kung sino ako? Ako lang naman ang asawa nitong tinatawag mong Papa, at ina nitong si Sean, eh ikaw? sino kaba? anak sa labas?" galit at malakas na sagot nito sa akin dahilan para manlaki ang mata ko, sya ang asawa ni Papa? sya ang Mama ni Kuya? eh ako? eh diba dapat anak nya din ako.

"Noie tumigil kana!" sigaw na sabat naman ni Papa at lumapit sakin.

"Pinagtatanggol mopayang batang yan, asan yang nanay nyan, asan ang kabit mo! iharap mo sakin!" galit na sigaw pa nung babae, tila lumilinaw sakin ang lahat.

"Wala akong kabit at wala akong iba! Ang lakas din naman ng loob mo para isumbat sakin ang mga yan, samantalang ikaw tong umalis at sumama sa iba! Isa pa! Wag na wag mong pagtataasan ng boses ang anak ko, Oo hindi ko sya totoong anak! Hindi ko sya kadugo! Dahil nalimot ko lang sya! Pero nagpapasalamat ako dahil dumating sya sa buhay ko, kaya kung papipiliin ako, ikaw na asawa ko o ang batang ito, hindi nako magdadalawang isip dahil si Leigh ang pipiliin ko" mahabang sagot ni Papa na ikinaguho ng mundo ko, ang pamilyang itinuring ko, ang pamilyang kinalakihan ko ay hindi ko pala tunay na kapamilya, isa lang pala akong peke, nalimot lang kung saan, sa sobrang bigat ng pakiramdam ko at parang hindi kona ata kaya ay mabilis akong tumakbo palabas.

"Leigh!" sigaw ni Papa pero dikonalang pinansin, nagbubukas nako ng gate ng bigla nalang akong hinila ni Kuya paharap sa kanya.

"Leigh makinig ka sakin, alam ko masakit sayong marinig yung katotohanan, pero mahalaga pa ba yun ha? Tumingin ka sakin, ako to, ang Kuya mo, hindi na magbabago yun, at si Papa sya yung Papa natin, bata palang tayo, tayo nayung laging magkasama, at ikaw yung kapatid kong maingay at makulit, oo nalaman mong hindi ka tunay na anak ni Papa pero ni minsan ba pinaramdam nya sayong iba ka? Hindi diba? kasi minahal ka nya ng sobra bilang isang totoong anak nya, kahit anong mangyari hindi ka namin bibitawan, at sana wag ka ring bumitaw, lagi mong sinasabi sakin pag may problema ako diba, magpakatatag ako, kaya ngayon gusto kong iapply moyun sa sarili mo, maaayos din ang lahat, magtiwala kalang kay Papa." mahabang paliwanag ni Kuya habang tuloy tuloy yung patak ng luha sa mata ko, agad agad naman nyakong niyakap ng mahigpit.

Makalipas ang ilang sandali ay agad agad akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at tuluyan ng tumakbo palayo, narinig kopa ang sigaw ni Kuya pero dikonalang sya pinansin, ang alam kolang hindi kona talaga kaya, ang bigat sa pakiramdam, kung dati napapanood at nababasa kolang ang ganito, ngayon ay nararanasan kona, sobrang sakit pala talaga.

_____

DONT FORGET TO VOTE THANKIES!

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon