Chapter5

1.1K 81 7
                                    

2nd day of school, at ngayon na nga ang simula ng aking napakalaking transformation.

#4 may class ang dating lalo na sa OOTD CHECK!, syempre araw araw dapat may class ang dating

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#4 may class ang dating lalo na sa OOTD CHECK!, syempre araw araw dapat may class ang dating.

So ang saya lang kasi ok nako sa #4, siguro araw araw nalang ganito kasi sa daming past ocations na naganap sa buhay ko puro dress ang mga natatanggap ko na ngayon magagamit kona, sabi pa ni kuya bawala ang mataas sa tuhod pero hindi naman sobra kaya nakalusot ako kay papa.

Habang naglalakad sa loob ng campus, may mga hindi maiwasang mapatingin sakin, pero hindi konalang pinapansin excited ako ngayon dahil today is the day para mapanganga ko yang si Hubert.

"Woww, tignan mo nga naman ang isang Leigh Guevarra ay nagsuot na ng pamatay na outfit, nagdadalaga na sya" nang aasar na bungad sakin ni Miggy. Tumawa din naman ako bago sumagot.

"Baliw ka, ganon talaga walang pernamente sa mundo, lahat nagbabago" natatawa kong sagot.

"Nakks porke classmate mo pala ang ultimate crush mong si Hubert Castro ay natuto ka ng mag ayos ng ganyan" natatawa nyang sagot pero nagulat ako, pano nya nalamang crush ko si Hubert?

"Ha? ano bang sinasabi mo dyan, hindi ko crush yun noh" pagtanggi ko naman, ngumiti naman sya sakin bago ako inakbayan.

"Alam mo Ms.Guevarra ang tagal na nating magkakilala, alam ko na ang mga pasikot sikot sa buhay mo" natatawa pa nyang sagot. Inalis ko naman ang pagkakaakbay nya sakin at hinarap sya.

"Mga pasikot sikot ka dyan, andami mong nalalaman, hindi nga kasi sabi diba" pagtanggi ko padin.

"Ako na ngalang kaibigan mo dito pagtataguan mopa, ano ba naman yan" natatawa padin nyang sagot.

"Ok fine, oo na pero wag kang maingay ha, behave kalang" sagot ko.

"Oo naman, ako pa ba, sige na pumasok kana Ms.Beautiful at baka malate kapa" sabi pa nya, ngumiti nalang ako sa kanya at pinagpatuloy na ang paglalakad, actually sanay naman nako sa mga heels kasi minsan kahit nakamaong pants ako eh hindi rubber shoes sinusuot ko.

Miggy's Pov:

Si Leigh Guevarra ang nag iisang naging crush ko sa talambuhay kona, grade7 palang na naging classmate kami, kinaibigan ko sya para mapalapit ako sa kanya at magkalapitan kami ng loob, masaya ako kasi araw araw kaming magkasama hanggang grade10 .

Pero sa apat na taon naming pagsasama yung tingin at atensyon nya ni minsan hindi napunta sakin, dahil laging nakatuon lang sa iisang tao, ako yung araw araw nyang kasama pero iba yung hinahanap hanap nya, boses ko yung araw araw nyang naririnig pero sa iba ang gusto nyang madinig. Ang unfair ng buhay noh, sya naghahabol sa taong ayaw naman sa kanya tapos ako etong naghahabol sa kanyang ayaw naman sakin. Kung bibigyan ng title yung buhay ko papamagatan ko itong HABULAN.

Inaamin ko torpe ako, pero hindi nyo naman ako masisisi, takot lang akong mareject, kung sa apat na taon nga naming pagsasama hindi nya napansin yung pagpapahalaga ko sa kanya, yung pagmamahal kopa kaya ang mapansin nya diba? Pilitin ko man yung sarili kong itigil na ang umasa pa kay Leigh at magmahal ng iba hindi ko magawa, iba si Leigh sa lahat, andami nyang katangian na hindi mo makikita sa iba, tulad ng pagiging simple nya na ngayoy unti unti ng nababago.

Leigh's Pov:

Pagpasok ko sa classroom ay mga bulungan at tinginan agad ang natanggap ko pero hindi konalang sila pinansin, wala pakong kilala sa kanila kasi nga 2nd day palang at masanay na sila ngayon na ganito ako, nakaupo nadin si Hubert dun habang nakaearphones, at hindi pa nagagawi yung tingin nya sakin, huminga ako ng malalim at dahan dahang lumapit sa kanya, kasi remember yung upuan ko asa gilid, ng nasa tapat na nyako.

"Excuse" panimula ko, dahan dahan naman syang humarap sakin tapos ayun inatras nyalang yung upuan nya at bumalik na ang tingin sa phone nya.

LIKEEE WHATTT THE HELL!!! ANONG PAKIRAMDAM SYA MERON! ANO NAG EFFORT AKO NG GANITO PARA SA KANYA TAPOS GANON LANG REACTION NYA? NOOOOOOO!!!

Padabog akong naupo sa tabi nya, nakakainis kasi.

Paminsan minsan akong tumitingin sa seryoso nyang muka, tapos bigla akong napangiti, pano ba naman kasi ako magagalit sa ganitong kaamong muka. Tsaka bakit ba ang nega. ko asa list to ng ideal gf nya, siguro hindi lang talaga sya yung taong pa obvious, malay naman natin may lihim na pala syang pagtingin sakin hindi lang sya nagpapahalata diba. Napakatalino ko talaga, by the way thank you nadin kasi wala dun sa list ang word na MATALINO, kasi talagang wala ako nun.

__

So ayun mabilis lang natapos ang half day kong klase, oo half day lang talaga pasok dito sa St.Francis Academy kasi may mga pang hapon yung klase, masaya akong uuwi today kasi nga napakita kona sa kanya ang #4 sa list nya ang may class ang dating lalo na sa OOTD kaya naman araw araw nayun. Sumakay nako ng jeep at dahil walang traffic ay ilang minuto lang ay bumaba nako sa kanto, naglinga linga ako sa mga tricycle dito kung andito ba si Papa pero wala kaya sumakay nalang ako.

Pagpasok ko sa bahay nakaamoy ako ng usok, usok ng sigarilyo kaya pumasok agad ako sa bahay, laking gulat ko ng makita si kuya duong nag iinom mag isa habang nagsisigarilyo at magulo ang bahay, agad agad naman akong tumakbo sa kanya at kinuha ang sigarilyo sa kanta at tinapakan ito.

"Kelan kapa natutong manigarilyo ha? tsaka bakit kaba nag iinom ang aga aga, tignan monga yang itsura mo, tignan mo ang bahay, ang gulo gulo na" reklamo ko sa kanya, bigla naman nyakong tinuro.

"Ikaw! umalis ka dito, wag mokong pakealaman" sabi nya sakin in lasing voice tapos namumugto pa yung mata.

"Kuya ano ba, tatawagan kona si Papa pag hindi kapa tumigil!" sigaw ko sa kanya pero bigla nyang tinaob ang lamesang ginagamit nya, sa gulat at sa takot ko ay bigla akong napaupo sa sahig at napaiyak.

"Leigh andito kanaba?" boses ni papa mula sa labas, bigla namang bumukas yung pinto, agad agad akong tumayo at yinakap sya.

"Anong nangyari dito? bat ka umiiyak? Sean! anong ginawa mo!" galit na sigaw ni Papa kay Kuya, inalis naman ni Papa ang pagkakayakap ko sa kanya at pinuntahan si Kuya.

"Nagkakaganyan ka dahil sa babae lang, gumising ka nga! natatanga kana bang bata ka! hindi kita pinalaking tanga!" sigaw ni Papa pero sa halip na sumagot si kuya ay tumakbo na ito palabas.

Agad agad din naman akong nagtatakbo sa kwarto ko.

_____

VOTE

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon