Ok na ang lahat, nabayaran kona ang gastusin para tuluyan ng maoperahan si Papa at maging maayos na din ang lahat, kasalukuyan nakong naglalakad ngayon kasama ang doctor paakyat sa kwarto kung asan si Papa, ready na ang lahat at maooperahan nadin sa wakas si Papa, ang problema ko nalang ngayon ay si Kuya, kung paano koba sasabihin ito sa kanya, ng makarating sa kwarto ay ako na ang nagbukas neto, agad agad naman kaming sinalubong ni Kuya.
"Leigh san kaba nanggaling?" tanong nya sakin, diko muna sya pinansin ng biglang nagsalita ang doctor.
"Dalhin na sya sa Operating Room" sabi nung doctor sa mga nurse, binuksan nila ng malaki ang pintuan at itinulak na ang kama ni Papa na may gulong.
"Teka doc? anong nangyayari? San nyo dadalhin si Papa?" naguguluhan pang tanong ni Kuya.
"Ooperahan na ang Papa mo" sagot naman ni Doc.
"Pero pano pong nangyari yun? Wa----- pinutol kona ang sasabihin ni Kuya at hinawakan sya sa magkabilang kamay.
"Kumalma ka Kuya, ayos na at magiging maayos nadin ang lahat" paliwanag ko sa kanya, hinayaan na naming dalhin si Papa kung saan.
"Pero Leigh! Panong ooperahan siya, eh wala pa nga tayong pera na maibabayad sa kanila" naguguluhang sagot ni Kuya.
"Nabayaran kona Kuya" mahina at nakayuko kong sagot.
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan? At san ka naman kukuha ng ganyan kalaking pera?" naguguluhan ulit nyang tanong.
"Umutang ako sa malapit na kaibigan" naiiyak kong sagot, hindi ko alam pero naiiyak talaga ako.
"Ano! At paano naman natin yun mababayaran" galit na sagot nya.
"Ang hinihigi nyalang kapalit ay maging katulong sa bahay nila, Kuya para kay Papa kaya kong gawin lahat! Hindi sya humihingi ng kabayaran! Ang kailangan kolang gawin ay magsilbi sa kanya!" sagot ko sa kanya.
"Nababaliw kanaba? Sa tingin mo magbibigay sya ng ganong kalaking pera na ang kapalit lang ay pagiging katulong sa kanila? At hanggang kailan Leigh? Hanggang kamatayan? Habambuhay? Sa laki ng perang hiniram mo baka hindi kana nya palayain" mahaba ding sagot nya, nagpunas ako ng luha at direktang tumingin sa kanya.
"Wala nakong pakealam sa mga pwedeng mangyari! Ang mahalaga sakin ngayon alam kong maliligtas ko si Papa, at alam kong gagaling siya! Siya lang ang mahalaga at pinakaimportante sa lahat!" madiing sagot ko at iniwan na siya duon, naupo muna ako sa labas ng operating room at wala sa sarili, maya maya pa ay dumating si Kuya at tahimik na tumabi sakin. Nasa ganoong posisyon lang kami ng katahimikan ng biglang may nagsalita.
"Sige na mauwi na muna kayo, ako na muna ang maghihintay at magbabantay sa Papa nyo" bungad samin ng kapitbahay naming si Aling Mila.
"Andyan napo pala kayo, salamat po sa pagpayag na magbantay muna kay Papa, kukuha lang po kami ng mga gamit" sagot naman ni Kuya at tumayo.
"Wala yun, sya sige mag iingat kayo ha, magiging maayos din ang lahat" sagot pa ni Aling Mila, tumango nalang si Kuya at binaling ang tingin sakin na nagsasabing tara-na.
Tumayo nalang ako at sumunod sa kanya.......
___
Tahimik lang kami sa byahe at ng makarating sa bahay, ay agad agad syang pumasok, syempre iintindihin nyapa yung feeling asawa na nyang si Lexie. Pagkapasok kodin sa loob nakita ko si Kuyang nakatayo duon at lilinga linga sa loob ng bahay na nawala na ang mga gamit, dahan dahan syang humarap sakin at nakita ko syang parang nawala sa sarili at may mga luhang pumapatak sa mga mata, hindi ko maintindihan ang nangyayari.
Bigla nalamang syang napasabunot sa buhok at napaupo sa upuan.
"Kuya anong nangyayari? Bakit nawala ang mga gamit? Pinagbili moba?" sunod sunod na tanong ko sa kanya, yun lang pumasok sa utak ko eh, pinagbenta nya para may pambayad sa hospital pero bakit nagkakaganito siya? Sa halip na sumagot sya nagtatakbo sya at marahas na pinagbubuksan ang bawat kwarto, hanggang sa kusina, tapos ay bumalik dito at napaupo sa sahig.
"Ang tanga tanga ko!! Hayoppp ka Lexieee!" sigaw nya, tila biglang naintindihan kona ang mga nangyayari. Agad agad ko syang nilapitan.
"Kuya tumayo kadyan, wag ka namang ganyan, pls maging matatag ka naman, asa hospital pa si Papa kailangan nyapa tayo" umiiyak kong bungad sa kanya.
"Niloko nyako, magnanakaw pala siya, kinuha nya lahat ng mga mapapakinabangan nating gamit! Nagpaloko ako! Ang tanga tanga ko!" sagot na naman nya, niyakap ko sya ng mahigpit dahil kahit ako nasasaktan sa nasasaksihan ko. Ang matapang kong Kuya ay umiiyak ngayon sa harap ko, bumalik lahat sa utak ko, nung bagong dating yung Lexie nayun dito, una palang may mali na, lagi nyakong sinasaktan at kinagagalitan, may time pa na nagsinungaling sya kay Kuya at ako pa etong naging masama.
"Kuya wag mo ng alalahanin ang mga gamit na nawala, wala na tayong magagawa, ang kailangan natin ngayon ay maging malakas para harapin ang mga masasamang nangyayari sa atin, Kuya para kay Papa maging matapang ka, pls" pakiusap kopa sa kanya habang nanatili ang yakap ko sa kanya.
Bakit ganito ang nangyayari sa buhay namin? sa buhay ko! Anong kamalasan ang dumapo sakin at ganito ang nangyayari, gusto ko ng sumuko pero hindi pwede, para sa pamilya ko lalaban ako at lalakasan ko ang loob ko para harapin ang mga problemang ito..
______
VOTE
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...