Hubert's Pov:
Linggo, at napagdesisyunan kong magsimba muna, bukod sa wala na nga akong girlfriend ay sobrang boring na ng buhay ko, hindi ko akalaing sa yaman kong to, at sa gwapo kong to ay may mang-iiwan pa pala sa akin.
Leigh's Pov:
Maagang umaga, Linggo, at isinama na naman ako ni Liam dito sa mansyon nila.
"Dyan kalang ha, wag kang aalis" bungad sakin ni Liam habang nakaupo ako sa couch, tumango nalang ako nilang pagsang-ayon, tapos ay ewan ko na kung san sya nagpunta.
Nagtitingin lang ako ng magazine habang nakaupo nga dito sa couch ng biglang may narinig akong pagtatalo.
"Kung kailan kailangan yang mga maids nayan tsaka mga wala" dinig kong sabi nung mommy ni Liam habang pababa ng hagdan kasama ang asawa nito.
"Hayaan mona, malalate lang naman daw sila ng dating, maya maya ay andyan na din mga yun" mahinahong sagot naman ng daddy ni Liam.
"Oo at maya maya andyan nadin si Bert, kailangan malinis agad ang kwarto nya, at kung hindi, sakin na naman magagalit yun" sagot naman ni Mrs.Castro
Maya maya pa ay nakababa na sila sa napakahaba nilang hagdan at napatigil sa paglalakad ng makita ako, agad agad naman akong tumayo at binati sila.
"Magandang umaga po" nakangiting bati ko sa kanila.
"Walang maganda sa umaga, anong ginagawa mo dito?" nakakasindak agad na sagot ni Mrs.Castro.
"Hon, ano ba yan, pati bisita pinag-iinitan mo, Iha pasensya kana ha, highblood lang tong asawa ko, eh pano ba naman, andami naming maids, ni isa wala pang dumadating, wala tuloy makapaglinis" paliwanag naman sakin ni Mr.Castro. Tinignan pako ni Mrs.Castro mula ulo hanggang paa, at bago pa ulit nyako mabara ay nagsalita nako.
"Ako nalang po yung maglilinis, sanay naman po ako sa mga gawaing bahay eh" nakangiti ko namang sagot sa kanila, medyo nagulat pa silang dalawa at nagkatinginan.
"Nako Iha, wag na nakakahiya naman sayo, hayaan mo nalang" sagot ni Mr.Castro.
"Ayos lang po talaga sakin" confident kong sagot ng biglang sumabat si Mrs.Castro.
"Asa bodega ang mga cleaning materials, ayun yung bodega (sabay turo sa isang kwarto) tapos umakyat ka sa taas, unang kwarto yun yung kwarto ni Bert na lilinisan mo" direktang sagot ni Mrs.Castro at umalis na sa harap ko, magsasalita pa sana si Mr.Castro pero nagsalita nako.
"Sige po akona ang bahala" nakangiti kong sagot sa kanya.
Tumango lang sya at sinundan na ang asawa, huminga ako ng malalim tapos ay pumunta na sa bodega na tinuro nya kanina, sana hindi ganoon kadumi ang kwarto ng Bert nato, kung sino man to. Agad agad akong kumuha ng mga pwede kong gamitin tapos ay umakyat na sa taas, sinunod ko naman ang sinabi ni Mrs.Castro, pumasok ako sa unang kwarto dito, dahan dahan kong binuksan yung pinto ay bumungad sakin ang napakadilim na silid, kinapa ko ang pader na katabi ng pinto para mahanap ang switch ng ilaw at hindi naman ako nabigo, ng mabuhay ang ilaw bumungad sakin ang napakalaking kwarto sa harap ko. Dahan dahan kong sinarhan yung pinto at naupo sa napakalaking kama dito.
Hindi naman sya makalat tulad ng inaasahan ko, kung titignan ay napakaayos naman ng paligid, siguro ay sobrang selan lang ng may-ari ng silid na ito, nagtungo ako sa table lamp at hinawakan ang mesa nito, punong puno na nga ito ng alikabok, punong puno ang kwarto ng iba't ibang mamahaling sombrero na nakasabit sa mga dingding dito, wala naman ni isang picture frame akong nakita dito, nagsimula nalamang akong magpalispis ng papag at ng mga maaaring naalikabukan na, tapos ay pinunasan ito, maya maya pa ay nakaramdam ako ng pagod at medyo nahihilo nako, napaupo ako sa kama at.......
______
Hubert's Pov:
Pagkauwi ko sa bahay bumungad sakin sina mommy na nagbrebreakfast, pero wala dito ang asungot na si Mark Liam.
"Oh Bert andyan kana pala, halika at sabayan mona kami" bati sakin ni mommy.
"Sige po, magbihis lang po ako" sagot ko at nagtungo na sa kwarto ko sa taas, dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilaw sakin ang liwanag galing sa ilaw, sino naman kayang pumasok dito at hindi na pinatay ang ilaw, hanggang sa tuluyan nakong nakapasok, laking gulat ko ng may babaeng nakahiga sa kama ko, nakasideview sya kaya hindi ko kita kung sino sya. Kapansin pansin din na bagong linis ang silid kong ito, pero sa nakikita ko hindi naman ito katulong dahil sa ayos ng pananamit nito, nagtungo ako sa kabilang side ng para makita ko sya at laking gulat ko ng makita si Leigh. Kasabay nun ay pagmulat ng mata nya, at napabaligwas sa gulat, agad agad syang tumayo sa pagkakahiga.
"Nako Hubert, pasensya na hindi ko alam nakatulog na pala ako" dali dali nyang paghingi ng paumanhin.
"Labas!" mahinang tugon ko.
"Sorry talaga nilinis kolang naman yung kwarto mo, tsaka diko alam na kwarto mopala to" paliwanag pa nya.
"LABAS!" sigaw ko dahilan para mataranta sya sa takot, agad agad nyang kinuha ang mga ginamit panlinis at dali daling tumakbo palabas.
Leigh's Pov:
Dali dali akong lumabas sa silid ni Hubert dahil sa takot, ngayon kolang narealize na ang tinatawag pala nilang Bert? ay si Hubert, bakit ba napakakitid ng utak ko! At bakit bako nakatulog dun, lagi talaga akong palpak nakakainis, nagstay ako sa labas ng kwarto nya at pinakalma muna ang sarili.
Liam's Pov:
"Hi, Ma, Dad, asan po si Leigh bakit hindi nyo sya kasama magbreakfast?" bungad ko kina mommy na kasalukuyang kumakain sa hapag-kainan, may dinala kasi akong gamit sa kaklase ko para sa projects at kababalik kolang.
"Ha? kanina kopa syang hindi nakikita, akala ko nakauwi na matapos nyang maglinis sa taas" naguguluhang sagot ni daddy.
"Maglinis? Pinaglinis nyo sya?" naiinis kong sagot sa kanila, sasabat pa sana si mommy pero dali dali nakong tumakbo sa taas, naabutan ko naman sya sa labas ng kwarto ni Hubert.
Leigh's Pov:
Habang pinapakalma ang sarili laking gulat ko ng biglang bumungad sakin si Liam.
"Bakit dala mo ang mga yan? bakit kaba naglinis, pinaglinis kaba nila? tara na sa baba, tignan mo nga ang itsura mo ang gulo gulo na" bungad sakin ni Liam.
"Ah hindi, ako naman talaga yung nagsuggest na ako na yung maglilinis eh, wag kana magalit sa kanila" sagot ko naman.
"San kaba naglinis?" kunot noo nyang tanong.
"Sa__ sa ano, sa kwarto ni Hubert" nauutal kong sagot.
Nagulat nalang ako ng bigla syang natawa.
"Ah kaya naman pala ikaw pa mismo ang nagsuggest na maglinis kasi kwarto ng ultimate crush mo" sagot nya na medyo may galit ang tono tapos ay dali dali ng bumaba at hindi kona sya napigilan pa, napako ako sa kinatatayuan dahil sa sunod sunod na pangyayari, pano nya nalamang crush ko si Hubert? tsaka bakit parang galit sya? nagprepretend lang naman kaming kami ah, pero bakit parang affected sya? bakit parang nagseselos sya?
_____
Dont FORGET to VOTE!
BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...