Chapter8

920 65 2
                                    

So ayun naka 1week na at dahil sabado ngayon ay andito lamang ako sa bahay, tahimik at nakatambay. So kasalukuyan lamang akong nagffb dito habang nakaupo at nakataas ang paa. May new friend request dito tinignan ko naman kung sino ito.

Mark Liam Castro

Teka? si Mark to ah, yung nakasalubong namin sa mall last time, agad agad kong chineck yung profile nya at dun nasigurado kong sya na nga ito, kaya agad agad ko syang inaccept, pero seryoso ba? inadd nyako? pano naman nya nalaman fb ko? sinabi kaya ni Miggy? tsaka wait nga lang, Mark Liam Castro ang full name nya, ka apelyido nya si Hubert, baka naman coincidence lang, wala nga si Hubert sa mutual friends nya eh kaya wala silang konek, hmmf.

Habang nasa ganoong posisyon ako ng pag iisip ay biglang pumasok si kuya kasama ang isang babaeng bago lamang sa paningin ko, agad agad ko namang binaba ang nakataas kong paa sa lamesa at umayos ng upo. Pero teka bakit parang andami namang dalang gamit ni kuya? kanino yun dun sa babae nya? dont tell me dito nya patitirahin ito, eh ni hindi ko nga kilala ito at for sure si Papa din, parang last week broken sya dun sa nililigawan nyang iniwan sya tapos ngayon may bagong kasama.

Naupo lamang silang dalawa sa couch, yung babae naman maganda at may pagkamataray ang dating dahil sa ayos nito at sa lantik ng pilik mata, isama pa ang ayos na ayos na kilay nya. Habang nasa ganoon posisyon ako na nakatingin sa kanilang naglalampungan duon ay napatingin sakin yung babae tapos nagsmirk, hindi sya ordinaryong ngiti, may halong kakaiba na hindi ko maipahiwatig kung ano at bakit? sino ba talaga sya.

"Leigh punta ka dito" utos ni Kuya sa akin, dahan dahan akong tumayo at lumapit sa kanila

"Bakit Kuya?" tanong ko.

"Gusto kong ipakilala sayo, si Lexie, girlfriend ko at dito muna sya satin tutuloy, pansamantala" pagpapakilala ni kuya sa girlfriend nya, tila nabigla naman ako sa sinabi nyang dito muna yung gf nya.

"Ah ano, wow" naiilang kong sagot at pilit ngumiti.

"Nice meeting you Le-Lexie" nauutal kopang sabi

"Anong Lexie ka dyan, just call her Ate Lexie" sabat naman ni kuya. Pero sa halip na sumagot pa ako ay tumungo nako sa kwarto ko at sinarhan ito. Seryoso ba sya? pano ako! kami! hindi ako makakagalaw ng maayos dito sa bahay kung may ibang tao, tsaka san nyaba nalimot yung babaeng yun, bat ambilis, mali, sobrang bilis talaga.

So dahil sa inis ay napagpasyahan kong lumabas muna sa bahay nato at magtungo kung saan man dyaan.

Pagkalabas ko ng kwarto ay yung Lexie lamang ang naabutan kong nakaupo ruon, siguro ay nasa kusina si Kuya, naglakad nalamang ako ng hindi tumitingin sa kanya, ng malapit na sa pinto ay laking gulat ko ng may humablot sa likod ko at hinila ako pakanya.

"Ikaw babae ka! Wala kang respeto, kanina pakong pikang pika sa pagmumuka mo!" sabi nya habang hawak hawak yung buhok ko palikod.

"Ano ba! bitawan mo nga ako!" sigaw ko naman.

"Ano bang problema mo! ikaw nga itong parang pipi na hindi man lang umiimik kanina tapos ako pa yung walang respeto?" naiinis kong sagot habang pilit inaalis ang kamay nya sa buhok ko, bigla itong humigpit nung sinagot ko sya.

"Arraayyyyyy bitawan mokoooo!" sigaw ko dahil ansakit na talaga feeling ko matatanggal na buhok ko. Parang wala lang siyang naririnig ng biglang

"Leigh tignan mo oh, hindi kaman lang nagwawalis dito sa labas, ang kalat kalat na!" boses ni Kuya mula sa labas, sisigaw na sana ako ng biglang bumitaw sa buhok ko ang Lexie nato, napatingin ako sa kanyang, ginugulo yung buhok nya, nasisiraan naba sya ng bait? Nagulat ako ng bigla nyang itinumba yung maliit lamang na lamesa dito tapos ay naupo duon na para mong sinaktan sya ng sobra sobra, napako lamang ako sa kinatatayuan ko at ang tingin ay sa kanya, dahil tila naguguluhan nako, ng biglang pumasok si Kuya.

"Lexiiee!" gulat nyang sabi at nabitawan pa yung plastik na dala nya at dali daling lumapit kay Lexie.

"Anong nangyari sayo?" nag aalalang tanong ni Kuya, dahan dahan akong napapaatras dahil tila alam kona ang nangyayari, nagkukunwari pang humihikbi si Lexie na kung titignan mo ay kaawa awa talaga ang dating.

"Yung kapatid mo, sinaktan nyako, ayaw nyakong tumira dito senyo" mahina at humihikbi nyang sabi kay Kuya dahilan para manlaki ang mata ko sa gulat.

Agad agad binaling ni Kuya ang galit na galit nyang tingin sa akin tapos ay tumayo at hinawakan ako sa magkabilang balikat, hindi ko maintindihan pero magkahalong kaba at takot yung bumalot sakin.

"Bakit mo ginawa yun! ano bang problema mo! Ikaw ang dapat hindi na tumira dito dahil pabigat kalang naman dito! PABIGAT KALANG SAMIN NI PAPA!" sigaw nya sa pagmumukha ko na halos gumuho yung mundo ko. Agad agad kong inalis yung kamay nya sa balikat ko at nagtatakbo paloob sa kwarto ko at duon binuhos ang sakit.

Halos wala akong maintindihan dahil sa bilis ng mga pangyayari, bakit ganon yung babaeng yun, bakit ginawa nya ang ganuong kasamang bagay, bakit sya galit sakin, ano bang problema nya, sya yung nanakit sakin, tapos ngayon ako etong nagmumukang masama, ako yung nasaktan sa pisikal, tapos sinaktan pa sa emosyonal! Hindi ko maimagine na ang Kuya kong lagi kong kabangayan, kakulitan at kaasaran ay ginawa sa akin ang napakasakit na pangyayaring ito ngayon, ang mga salita nyang dala ng sobrang galit na hindi ko kayang sikmurain pa, mas pinipili nya ang babaeng yun kesa sa aking kapatid nya, pabigat? yun ba ang matagal na nyang tingin sakin? isa lang ba talaga akong pabigat sa kanila?

Hindi kona alam kung kakayanin kopang lumabas sa silid na ito kung ang makikita ko ay ang babaeng sumira sa akin, ang babaeng hindi ko alam ang motibo kung bakit ginawa sakin yun.

____

VOTEEE MGA PIPS

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon