Chapter14

880 59 6
                                    

Tahimik lang ako naglalakad sa hallway papunta sa room para kunin ang gamit at makauwi na, para akong wala sa sarili, hindi koba alam kung magsisisi ako sa pag-ako sa kasalanan ni Hubert o magiging masaya ako dahil siguro naman ay kahit konti mabibigyan na nyako ng importansya na antagal ko ng hinahangad, ng makarating sa room ay dahan dahan kong binuksan ang pinto, bumungad sakin si Hubert na nag iisa lamang dito sa room, at wala ng kahit sino.

"Bakit mo ginawa yun?" seryoso nyang tanong pero wala ka ni isang emosyong makikita sa mukha nya.

Tila biglang nagsara ang bibig ko at hindi makapagsalita.

"Tinatanong kita, bakit mo inako yung kasalanan ko?" tanong ulit nya, napalunok ako bago matapang na sinagot ang tanong nya.

"Hindi paba obvious Hubert? Hindi paba obvious ang lahat lahat ng pinapakita ko sayo? Hindi paba obvious na gusto kita kaya ginagawa ko lahat mapansin molang ako. Oo Hubert tama ang narinig mo! Gusto kita simula palang nung high school, kaya rin ako napadpad sa school nato,ay dahil sinusundan kita, at kaya itong kursong ito ang kinuha ko ay para makasama kita, lahat na ginawa ko, lahat ng nasa list sinusunod ko at pinapakita sayo, pero bakit sa kabila nun? kahit konting atensyon at pagpansin ay hindi mo magawang ibigay sakin?" mahaba kong sagot sa kanya, tapos ay biglang may butil ng luha ang nalaglag sa mga mata ko, tila nagulat din naman sya sa pag-amin ko.

"Ikaw pala ang kumuha nung list" tipid nyang sagot.

"Hindi ko iyon kinuha, nakita kolang yun" sagot ko naman.

"Pero ayos lang, ang list naman nayun ay ginawa ko nung high school pa, at hindi nayun ang hinahanap ko sa babae ngayon" sagot nya, nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Kinuha na nya ang bag nya bago muling nagsalita.

"At thank you sa pag-amin ng feelings, at sorry kung sasabihin ko sayo to, pero wag ka ng umasa sakin, hindi ikaw ang tipo ng babaeng magugustuhan ko, salamat din pala sa pag-ako sa kasalanan ko, goodluck sa punishment na ibibigay sayo" mahaba pa nyang sabi bago tuluyang lumabas ng classroom, bigla nalamang nanlambot ang tuhod ko at napaupo sa sahig, parang bigla akong nawala sa sarili dahil sa sunod sunod na nangyayari.

Lahat ng sakripisyo ko ay nauwi lang sa wala, bakit ganon sya? bakit ansama sama nya, wala lang talaga sa kanya kahit anong kabutihan ang ipakita ko sa kanya? Nanatili lang akong nakaupo sa sahig at umiiyak. Kinuha ko ang list sa bag at pinagpupunit diretso sa basurahan.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo nako at kinuha ang bag at wala sa sariling lumabas sa silid na ito. Habang naglalakad sa hallway napatingin ako sa bubog na bintana ng isang room, duon nakita ko ang sarili ko, sarili kong binago ko, sarili kong iniba ko dahil lang sa taong gusto ko, pero nagkamali ako, hindi ko dapat pala ibinigay lahat. Kung may pinagsisisihan man ako ngayon, yun ay kung bakit si Hubert pa ang naging crush ko.

"Ayos kalang ba?" boses mula sa likod ko, agad agad ko naman itong nilingon at nakita si Mark duon.

"Oo bakit?" sagot ko at muling pinunasan ang basang mukha.

"Sa nakikita ko hindi, wag mo ngang sayangin ang luha mo sa walang kwentang tao, hindi pa katapusan ng mundo para magdrama ka ng ganyan, tumayo ka at bumangon, harapin at tapusin mo ang problemang hinaharap mo" mahabang paliwanag nya, pero wala ni isang emosyon kang makikita sa mukha nya, para lang syang seryoso na ewan. Pagkasabing pagkasabi nya nun ay umalis na sya, at iniwan akong nag iisang nakatayo dito. Napagdesisyunan kong umuwi nalang.

LUNES

"Woyy babae! bumangon kana dyan, tanghali na!" sigaw ni Kuya sa labas ng kwarto ko habang kinakalampag ang nakakandado kong pinto.

"Hindi nga sabi ako papasok! Bakit ba ang kulit mo!" sagot kong sigaw at nagbalot na ng kumot.

"Ano na naman bang arte nyang kapatid mo?" epal naman ng boses ng imapaktang Lexie na girlfriend ng Kuya ko na dito na tumira.

"Mapapagalitan ka ni Papa, pag nalaman nyang hindi ka pumasok, ano bang nangyayari sayo? lagi ka namang excited pumasok, tapos ngayon magmumukmok ka dyan, ano bang problema mo ha?" paliwanag pa ni Kuya. Nag alis naman ako ng kumot at nakasimangot na umupo sa kama ko.

"May sakit ako, hindi ba malinaw sayo yun? Gusto kolang muna magpahinga, pwede ba hayaan monalang ako" naiirita kopang sagot sa kanya. Wala na naman syang naging respond dun. Napatingin ako sa maliit na lamesa sa tabi ng kama ko, kung san, andun yung picture frame ni Hubert.

"Ang sama sama mo Hubert, sobrang sama mo talaga! Sana hindi nalang kita ginusto, at sana hindi ko inako ang kasalanan mo, alam mobang napakahirap ng punishment sakin? At isa nayun sa dahilan kung bakit absent ako ngayon, at siguradong patay na patay ako bukas pagpasok ko, bat ba kasi ako nagpauto sayo, sana hinayaan nalang kita, tutal ikaw naman talaga bumasag nung trophy, at talagang wala lang sayo na nabigyan ako ng mabigat na punishment, ang sama sama mo!" maktol ko sa picture nya, para nakong tangang nagsasalita mag-isa.

Bumangon nako sa kama, at kasalukuyang nag-aayos ng hinigaan ng bigla akong makarinig ng sigaw mula sa labas.

"Sean! Leigh! Ang Papa nyo! Sinugod sa Hospital!" sigaw mula sa labas, bigla nalamang akong pinasukan ng kaba sa dibdib at dali daling lumabas.

"Bakit po? Ano pong nangyayari?" kinakabahang tanong ni Kuya.

"Nawalan siya ng malay habang nagmamaneho ng tricycle, mabuti na lamang at wala siyang sakay at hindi sya napabangga kung saan" sagot ng babaeng kapitbahay namin.

Tila biglang bumagsak yung mundo ko sa mga naririnig ko, magkahalong takot at kaba ang bumalot sa buong pagkatao ko, si Papa.... Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya....

______

PLS VOTE

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon