Chapter18

867 53 4
                                        

Pagkatapos kong maglinis ay napagpasyahan kona agad pumunta sa hospital para kay Papa pero sa kamalas malasan nga naman nakasalubong kopa si Liam.

"San kaba nagpupupunta, kanina pa kitang hinahanap" naiinis na bungad sakin ni Liam.

"Ah ano diba naglilinis ako sa cafeteria pagkakalabas dahil yun yung punishment sakin" nahihiya ko namang sagot sa kanya.

"Punishment for what? ano bang ginawa mong kasalanan?" pag-uusisa pa niya.

"Mahabang kwento hayaan monalang, sya nga pala wala naman na akong dapat gawin diba? pupunta na kasi ako kay Papa, gusto kona sya makita" mahabang sagot ko sa kanya.

"Bago mo gawin yan, kailangan mo munang sumama sakin" sagot nya at tingnan ako mula ulo hanggang paa, bago umiling iling.

"Ha? San tayo pupunta? tsaka bakit umiiling iling kadyan?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Simula ngayon bawal ka ng magsuot ng mga ganyang maong pants at mga T-shirt kapag lumalabas ng bahay, lalong lalo na dito sa school, nakita na kita ilang beses ng nakadress pag pumapasok dito ah, bakit bigla ka naman atang nagbago, mas maganda kang tignan pag ganun yung suot mo" mahaba namang panlalait nito sa akin, sinamaan ko naman sya ng tingin bago sumagot.

"Pati ba naman mga susuotin ko ikaw magdedesisyun? Ayoko na ulit magsuot ng mga dress na ganon, simula palang naman talaga hindi nako nagsusuot ng ganon eh, dahil lang  sa isang lalaki kaya ginawa koyun, pero ngayon tuluyan na nyakong inayawan at nilayuan kaya wala ng reason para magpapansin pako sa kanya" mahabang sagot ko sa kanya

"Sino naman ang lalaking yun?" tanong pa nya.

"Alam mo bahala kanadyan gusto kona talaga makita si Papa bye" sagot ko sa kanya at naglakad na ang kaso ay pinigilan nyako at hinawakan sa braso tapos ay nagsimula ng maglakad hanggang sa nakarating kami sa kotse nya.

"Sakay" mahinang sabi nya.

"Eh teka nga muna san ba talaga tayo pupunta?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Wag ng maraming tanong sakay na" medyo seryoso nyang sagot kaya sumakay nako sa tabi nya sa front seat.

So ayun dinala nya lang naman ako sa mall at pinamili ng sandamakmak na mga dress, tapos ay pinagsuot ako ng isa dahil ngayon na pala niya ko ipapakilala sa parents nya. Kasalukuyan na kami ngayong asa byahe papunta sa bahay nila.

"Eh bakit naman kasi ngangayon molang sinabi, sana napaghandaan ko, kinakabahan ako, hindi pako ready" epal ko sa kanya habang busy sya sa pagmamaneho.

"Bakit kaba kakabahan, hindi ka naman papatayin ng mga yun" sagot naman nya habang focus ang sarili sa daan.

"Eh basta, hindi ko kilala parents mo, tapos biglang ihaharap moko sa kanila bilang girlfriend mo? ano naman kayang mukhang ihaharap ko sa mga sosyal at mayamang kagaya nyo, hindi ba pwedeng bukas nalang? or sa isang araw, mas better nga kung sa isang linggo na, para naman mapaghandaan ko noh, baka mamaya pumalpak pako" sagot kopa sa kanya ng medyo naiinis, dahil sobrang kinakabahan na talaga ako.

"Ang ingay mo naman, magrelax kalang, hindi naman nangangain ng buhay yung parents ko" natatawa naman nyang sagot. Ginawa ko naman ang sinabi nya, ikinalma ko ang sarili ko, maya maya pa ay hindi na ulit ako nakatiis kaya nagsalita na naman ako..

"Malayo paba? naiihi nako sa takot eh" epal ko na naman sa kanya, inalis nya naman ang bluetooth earphone nya bago sumagot.

"Actually andito na tayo" sagot nya at pumasok na sa isang subdivision, muli na naman akong pinasok ng kaba at takot.

"Grabe, Liam hindi ko na talaga kaya to, feeling ko mahihimatay nako, uuwi nako" mangiyak ngiyak ko ng sabi sa kanya pero wala lang syang pakealam, maya maya pa ay nasa tapat na kami ng isang malaking bahay.

Pinagbuksan narin siya ng gate nung guard nila.

Agad agad namang lumabas si Liam ng kotse ng maipark na nya yung sasakyan, tapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Eto nga pala yung suot ko.

 Eto nga pala yung suot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

















"Wag kang kabahan" muling bulong nya bago kami tuluyang pumasok sa bahay.

Pagkapasok namin ay bumungad sakin ang mga maid nila na panay bati kay Liam at pati sakin, tumango tango nalang ako sa kanila at pilit nginingitian hanggang sa napunta na kami sa napakahaba nilang lamesa sa hapagkainan, kung saan nakaupo nadun ang sa tingin ko ay ang parents na ni Liam, halos mahimatay nako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba, nakatingin lang ng seryoso ang mag-asawa sa akin kaya nagsalita nako.

"Magandang gabi po" mahinhin kong bati sa kanila, tumango lang yung daddy ni Liam at inikutan naman ako ng mata nung mommy nya. Grabe eto na ngaba sinasabi ko eh.

"Maupo na kayo" sabi nung daddy nya at magkatabi na nga kaming naupo ni Liam.

"Maria, tawagin mona si Hubert sa taas para makakain na" sabi nung mommy ni Liam sa maid nilang si Maria daw. Pero teka sino naman kayang Hubert yun?

"Sino yung Hubert?" bulong na tanong ko kay Liam.

"Kapatid ko" balik na bulong nyang sagot, eto pala yung sinasabi nyang kapatid nyang walang modo, at hindi ko alam kung bakit ba galit na galit sya sa kapatid nya.

"Iha taga saan kaba?" panimulang tanong sakin nung daddy ni Liam.

"Ah malapit lang po ako sa school, sa may San Antonio po ako nakatira" nakangiti ko namang sagot sa kanya.

"May kapatid ka?" singit na tanong naman nung mommy ni Liam.

"Ah opo, may Kuya po ako, si Kuya Sean" nakangiti koding sagot sa mommy ni Liam

"Hindi ko naman itinatanong kung anong pangalan nya" pambabara nito sakin, napalunok naman ako dahil tila simula palang kanina ay hindi nako gusto ng mommy ni Liam.

Maya maya pa ay nakarinig nako ng yabag mula sa hagdan, tumingin ako sa likod kung saan andun yung hagdan, laking gulat ko ng makita ko si Hubert duon, nanlaki ang mata ko ng makita sya, sya naman ay parang nagulat at nagtataka din siguro kung bakit bako nandidito.

"Hubert mabuti naman at andyan kana, halika at kumain na tayo" sabi nung mommy nya sa kanya, ibig sabihin ang kapatid na kinaayawan ni Liam ay si Hubert? Totoo bang nangyayari ito? ang crush ko ay kapatid ng fake boyfie ko, ano nalang mangyayari sakin? lalo nalang komonti yung chansa na maging kami ng ideal guy ko! ay mali! dahil simula palang naman sadyang wala ng chance na maging kami or kahit friend ngalang.

"Ikaw ang 1 month ng girlfriend ni Liam?" nagtatakang tanong ni Hubert sakin na ikinalaki ng mata ko.

"Oo sya nga bakit may problema ba?" sabat naman agad ni Liam, bakit hindi nyamanlang nabanggit sakin na ang role ko pala ay 1month girlfriend na nya. Kitang kita naman ang pagtataka ni Hubert, dahil sa loob ng isang buwan na ito, dito din yung scene ng pag-amin ko ng feelings sa kanya, Nakoo patay ako neto.

Pagtapos ng nakakagulantang na scene na ito ay nagsimula na kaming kumain, habang ako ay walang ganang kumain, dahil ilang na ilang nako kay Hubert sa totoo lang.

____

Dont forget to VOTEE

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon