Chapter15

803 53 1
                                    

Agad agad kaming sumugod sa hospital kung saan dinala si Papa, bakas sa mukha namin ni Kuya ang takot at pangamba, nadatnan namin sya duong nakahiga at may suot ng suwero at kung ano ano pa sa katawan, tila biglang lumambot ang tuhod ko sa nasaksihan ko, panong sa sandaling iyon ay ganito na agad ang katayuan ni Papa. Lumapit si Kuya dun ng dahan dahan at hinawakan sa balikat ang natutulog na si Papa, ako naman ay naupo muna sa isang upuan dito, naiwan yung Lexie sa bahay, maya maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwartong ito at pumasok ang Doctor, agad agad akong tumayo at lumapit naman si Kuya dito.

"Kamusta po si Papa?" direktang tanong ni Kuya.

"Didiretsuhin kona kayo, may malubhang sakit ang Papa nyo na kailangan agad maoperahan" sagot nung Doctor, bigla na lamang may nahulog na luha mula sa mata ko.

"Ano pong klaseng sakit?" tanong pa ni Kuya.

"May sakit sa kidney ang Papa nyo, ang kaliwang bahagi ng bato niya ay bumigay na, as soon as possible kailangan na natin itong maoperahan at mapalitan, kailangan pa nating humanap ng donor" sagot naman nung Doctor, napatangla si Kuya at napahawak sa noo at bahagyang napapikit, alam kong gusto nading maiyak ni Kuya na pilit nyang pinipigil.

"Ma-magkano po ang aabutin ng operasyong ito?" nauutal ko namang tanong sa doctor.

"100,000 bukod pa rito ang maaari nyong ibayad sa mahahanap nating donor" sagot pa nung Doctor na lalong nakapagpalambot sa katawan ko, bahagya nalamang akong naupo at tila nawala sa sarili sa mga naririnig ko, san kami kukuha ng ganoong kalaking pera?

"Sige maiwan ko muna kayo, magdesisyun agad kayo, at kung may malapit kayong kamag-anak maaari bang sila ang pag-intindihin nyo dito dahil maraming proseso ito?" pagpapaalam nung Doctor.

Hindi nako nakasagot at maging si Kuya, wala naman kaming kamag-anak na malapit samin eh, at wala nga akong kilalang kamag-anak namin.

"Saan tayo kukuha ng ganoong kalaking pera!?" naguguluhang sigaw ni Kuya sa loob ng kwarto na ito habang umiikot ikot at napapasabunot sa ulo.

"Kuya wag ka namang ganyan, maging matapang ka, malalagpasan natin to" umiiyak kong sagot sa kanyan

"Maging matapang? Pano ako magiging matapang ngayong nakikita kong ganyan si Papa! Hindi ko alam kung san kukuha ng ganoong kalaking pera para mapaoperahan sya!" sigaw na sagot naman ni Kuya, sasagot pa sana ako kaso bigla ulit syang nagsalita.

"Dito kalang, hahanap ako ng paraan, bantayan mo si Papa!" sabi pa nya.

"Hindi Kuya! Ikaw ang magbantay kay Papa, mas may alam akong makakatulong satin" matapang kong sagot at nagpunas ng luha at dali daling lumabas.

"Leigh! bumalik ka dito! San ka pupunta!" sigaw pa ni Kuya pero hindi konalang pinansin.

*Pumayag ka lang magpanggap na girlfriend ko at babayaran kita kahit magkano*

Biglang pumasok sa utak ko ang sinabi ni Mark, alam kong mali ito, alam kong hindi dapat, parang isinuko kodin ang sarili ko sa gusto nya, at parang muka akong pera sa gagawin kong ito! kakainin ko ngayon ang sinabi ko sa kanyang HINDI KO KAILANGAN ANG PERA NIYA. Ito nalang ang alam kong makakatulong sakin, wala nakong choice, agad agad akong sumakay ng jeep papunta sa school.

"Nasan ang id mo?" epal nung guard sa may gate.

"Hindi naman po ako papasok eh, may importante po akong pinunta dito" sagot ko naman.

"No Id! No Entry! maging fair tayo sa iba" sagot pa nito, tarayy nya may pa english.

At dahil wala naman nakong choice naupo nalang ako sa upuan sa labas, bakas sa mukha ko ang dungis at pagkadismaya, hindi mawala sa isip ko si Papa, kamusta na kaya sya, sana maging maayos ang lahat at sana may ganitong kalaking pera si Mark na pwede kong hiramin.

"Bat ganyan ang suot mo? San ka galing?" pamilyar na boses mula sa harap ko, dahan dahan kong iniangat ang mukha ko at hindi ako nagkamali si Mark nga, bigla naman akong nabuhayan ng loob at agad agad tumayo.

"Mark! Pumapayag nako!" direkta ko agad sagot sa kanya, bahagya namang kumunot ang noo nya na parang nagtataka.

"Ha?" naguguluhan nyang tanong.

"Mark yung Papa ko.... Yung Papa ko asa hospital malala nayung sakit nya, kailangan ko ng pera, pls tulungan moko, gagawin ko lahat ng gusto mo! pumapayag nakong magpanggap na girlfriend mo basta tulungan molang ako" pagmamakaawa ko sa kanya at hindi na napigilan ang sobrang emosyong nararamdaman ko, sunod sunod na luha ang kumawala sa mga mata ko, na tila nawawala nako sa sarili, hinawakan nyako sa braso at hinila sa bandang gilid kung saan walang masyadong tao, pagkatapos ay hinawakan nyako sa magkabilang pisngi at iniharap sa mukha nya.

"Wag kang umiyak, wag kang mag-alala tutulungan kita at magiging maayos din ang lahat" seryosong paliwanag nya sakin, kitang kita ko sa mga mata nya ang pagkaconcern pero bakit?

"Tara sumama ka sakin" sabi pa nya at hinila ako sa kamay papunta sa parking lot ng school.

Sumakay kami sa kotse nya at dun binalingan nyako ng tanong.

"Magkanong kailangan mo?" seryosong tanong nya, tila pinasok ako ng kaba at hiya sa laki ng perang kailangan ko.

"100k daw sabi ng Doctor at maaari pang lumaki para sa mahahanap naming donor" nahihiya kong sagot.

"Shit" bigla na lamang syang napamura at napaharap sa manubela matapos nyang marinig yung sagot ko.

"Alam kong sobrang laki, pero handa akong pagsilbihan ka, kahit ano gagawin ko, maging alalay mo, yaya nyo, taga linis ng bahay at wag monakong swelduhan, para sa Papa ko handa akong magsakripisyo" mahaba kong sagot sa kanya.

"At kung hindi mo talaga kaya naiintindihan ko, alam ko namang hindi yun ganon kadali eh" sunod ko pang sagot, maya maya pa ay may kinuha syang papel sa bag nya at may sinusulat dito, tapos ay iniabot niya sa akin.

"Ano to?" nagtataka kong tanong.

"Ako ang bahala sa lahat ng gagastusin para sa Papa mo, yan ang magsisilbi nating kontrata, magsisilbi ka sakin bilang girlfriend ko sa loob ng isang taon! at hindi mona kailangang ibalik pa sa akin ang pera, ngayon tatanungin kita, pumapayag kaba sa kasunduan?" seryosong tanong nya.

Muli na namang may pumatak na luha sa mata ko, pumikit ako ng mabilis at huminga ng malalim bago sumagot.

"Pumapayag ako" matapang kong sagot at kinuha ang ballpen sa kanya para pirmahan ang papel na ito.

Wala nakong choice, kailangan ko to para sa Papa ko.

------------

Dont Forget to VOTE

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon