Chapter13

829 57 0
                                    

Agad agad akong tumakbo kung saan dumaan tong si Miggy, tumigil ako at hinanap muna sya sa paningin ko kaso wala na sya, maya maya pa bigla na lamang akong nakarinig ng ingay sa may gilid, agad agad akong tumakbo duon, at naabutan ang kumpulan ng mga estudyante duon, agad agad akong umakyat sa round table para makita kung anong meron dun sa gitna.

"Ano ba kasing problema mo!" sigaw nung babae na nililigawan ni Hubert kay Miggy, so bale silang tatlo ang andun, habang ang karamihan ay nakabilog duon.

"Woyy Hubert! Ano, tatago tago ka ngayon sa likod ng babae? punta ka ditong hayop ka! at ng makita mo hinahanap mo! Bobo mo eh, ang kapal ng mukha mo para pagsalitaan ng kung ano ano si Leigh, eh ikaw tong walang kwenta dyan!" sagot naman ni Miggy, kasabay nun ay hiyawan na naman ng mga tao. Sinubukan kong tawagin ng malakas si Miggy pero hindi nyako narinig, kaya napagdesisyunan ko ng puntahan siya dun, bago pa sila magkagulo. Agad agad akong sumingit sa napakaraming tao at hinawakan sa braso si Miggy at hinila palabas dun.

"Miggy ano bang ginagawa mo? Tara na nga!" bungad ko sa kanya.

"Hayaan moko dito, umalis kana" sagot naman ni Miggy.

"Nakakahiya na pls tara na" pakiusap ko pero parang wala lang sa kanya, maya maya pa bigla nalang kaming nakarinig ng sipol, kasabay nun ay takbuhan ng mga estudyante dito, at naiwan kaming apat.

"Anong nangyayari dito?" bungad na tanong nung guard.

Sasagot pa sana ako ng mapansin si Mark sa may gilid, nagtama yung paningin namin, at umalis ng iiling iling. Nung problema nun?.

"Wala po Manong Guard, birthday lang po ni Hubert kaya nagsisigawan kami, pasensya napo" sagot nung babae ni Hubert. Tinignan nalang kami nung guard tapos ay umalis na. Inalis din ni Miggy ang pagkakahawak ng kamay ko sa braso nya at nagmamadaling umalis na parang galit. Hindi ko nalang muna sya sinundan, napagdesisyunan ko nalang na umuwi muna. Naglalakad nako sa hallway para kunin ang bag ko sa classroom namin, ng mapadaan ako sa library, mas minabuti kong dito nalang muna, bukod kasi sa tahimik dito, makakapag isip isip pako ng mabuti. Walang emosyon akong pumasok dito at nagsign dun tapos ay kumuha ako ng libro at naupo, para kahit papano kunwari may silbi ang pagpunta ko dito. Nakatitingin ako sa bawat pahina ng libro pero si Hubert yung nakikita kodun, naalala ko na naman yung panunumbat nya sakin kanina, habang nasa ganoong posisyon ako ay bigla konalang narinig ang boses ni Hubert, nakita ko syang nagsisign dun kasama yung babae nya, and i think sila na ata. Agad agad kong tinaklob ang libro sa mukha ko, at ng makadaan na sila ay tsaka ako umayos ng upo. Sumubsob nalang ako sa mesa at pinikit ang mata.

___

Nagising ako dahil sa nakakagulat na ingay, agad agad akong tumingin sa likod ko kung san nanggaling ang ingay, nakita ko si Hubert nakatayo duon mag-isa, wala na yung babae, habang nakatingin sa basag na bubog na tropeyo sa kanyang harapan, nabaling ang tingin nya sakin, kasabay nun ay pagpasok ng librarian sa loob mg library, at gulat na gulat sa nasaksihan.

"Anong nangyari sa trophy!" gulat na sambit ng librarian at lumapit sa amin, nakatayo nadin kasi ako.

"Alam nyobang isa yan sa pinakamahalagang tropeyo na natanggap ng St.Francis Academy! Sino ang nakabasag neto!" galit na sigaw nung librarian sa amin ni Hubert, na kapwa nakayuko, wala naman ng ibang tao dito, bukod sa aming tatlo.

At dahil naramdaman kong kinakabahan si Hubert ay mabilis kong pinikit ang mata tapos ay napalunok at tumingin sa librarian bago nagsalita.

"Ako po" mahinang sagot ko.

"Guidance Office now! at ikaw lalaki! lumabas kana dito." sigaw ng librarian sakin. Binaling ko muna ang tingin kay Hubert na mukang gulat sa ginawa ko, tapos ay sumunod nako sa librarian papunta sa guidance office, hindi ko na alam ang mga pwedeng mangyari, pero isa lang ang alam ko, muli napatunayan ko yung pagpapahalaga ko kay Hubert.

"Anoo!!" sigaw ng principal at napahawak pa sa noo, matapos ikwento ng librarian ang nangyari.

"Patawarin nyopo ako, hindi kopo talaga sinasadya" sagot ko at halos mangiyak ngiyak nako sa takot at pangamba.

"Hindi mo alam kung gaano kahalaga ang trophy nayun, yun ang nagpapatunay kung gaano kaayos at kaganda ang school na ito, sampong taon nayun dito, bakit kasi hindi ka nag-iingat! Panong nabasag yun samantalang napaka ayos ng lagay nun dun, at isa pa nakataas yun!" sigaw nung principal sakin, kahit ako ay hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit nabasag ni Hubert yung Trophy, pero isa lang ang sigurado ako, sya talaga ang may kasalanan sa pagkalabasag nito, dahil kami lang namang dalawa ang andun.

"Sorry po talaga, hindi kopo sinasadyang masagi yung pinaglalagyan ng trophy, natakid po kasi ako" paliwanag kopa.

"Hindi ko ito mapapalampas, pagbabayaran mo ang ginawa mo! Dalawang Buwan, araw araw kang maglilinis sa cafeteria pagkakatapos ng klase mo at maglilinis sa buong hallway ng mga building pag may free time! At maglilinis ka sa library weekly! Hindi mo ito pwedeng takasan dahil bago ka nakapasok sa school na ito! pumirma ka sa kontrata ng school! Na pag may nagawa kang hindi dapat, maraming punishment ang naghihintay sayo, at nilabag moyun! Makakaalis kana!" sigaw nung principal sakin, halos mabaliw nako sa mga naririnig ko, agad agad akong tumakbo palabas ng office at sumandal sa pader at napahawak sa dibdib.

"Leigh? kanina pa kitang hinahanap san kaba nanggaling? Ayos kalang ba?" bungad naman ni Miggy sa harap ko, sa halip na sagutin sya ay tumakbo nako palayo.

______

Pls VOTE

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon