Chapter23

709 51 1
                                    

Leigh's Pov:

Matapos kong masabi kay Hubert yun ay nagtatakbo nako pababa ng building, ng makalabas ng building didiretso na sana ako sa gate ng bigla namang humarang sa dinaraanan ko si Miggy.

"Umiiyak kana naman?" nag-aalalang bungad sakin ni Miggy at tinignan ako mg seryoso, huminga ako ng malalim at nagpunas ng mukha..

"Sino ba namang hindi maiiyak diba, nareject yung thesis namin" sagot ko at pilit ngumiti para hindi na sya magtanong ng kung ano ano pa.

"Ganon ba, nako masakit nga yan, hayaan muna bawi nalang next time, wag ka ngang umiyak dyan, oa na" natatawa naman nyang sagot, tumawa din naman ako ng mahina bilang pagsang-ayon, nakuha ko naman ang loob nya gamit yung palusot ko.

"So pano? mauna nako ha, hinihintay nako ni Papa sa bahay" pagpapaalam ko sa kanya..

"Sige, mag iingat ka ha" sagot nya, tumango nalang ako at aalis na sana ng bigla na naman syang nagtanong.

"Si Mark asan? hindi kaba nya ihahatid?" tanong nya.

"Ah ano, may defense din siguro, busy kasi sya, sige na bye" sagot ko at nagtatakbo na, matapos kong makalabas ng gate si Liam naman ang nakasalubong ko.

Baka nalilito kayo sa Mark at Liam, iisa lamang sila MARK LIAM CASTRO full name nya, may mga tumatawag kasi sa kanyang Mark, at tinatawag ko naman syang Liam..

"San ka pupunta? Wala ka na bang klase? Tsaka teka ngalang umiyak kaba?" sunod sunod na tanong nya agad sakin.

"Uuwi nako, tsaka hindi ako umiyak noh, mapula lang yung mata ko kasi ansakit nung ulo ko" sagot ko naman sa kanya na parang walang nangyari sa akin. Bigla naman nyang hinawakan ang noo tapos nagsalita..

"Hindi ka naman mainit, siguro pagod kalang, nga pala yung punishment mo na paglilinis sa cafeteria at library naayos kona, hindi mona kailangan magpakahirap para dun, alam mo kung bakit ko ginawa yun?" sagot nya.

"Bakit?" kunot noo kong tanong.

"Dahil narinig ko ang usapan ni Hubert at nung mga kabarkada nya kahapon sa bahay, pinag-uusapan ka nila, at nabanggit nya yung pagkakabasag nya ng trophy tapos inangkin mo daw yung kasalanan, hindi naman sana kita tutulungan dahil kailangan mo talagang pagbayaran yung nagawa mo pero dahil alam ko namang hindi pala ikaw ang gumawa nun, ginawan ko na ng paraan, dahil hindi mo deserve magpakahirap sa bagay na hindi naman dapat, pero isa lang yung tanong ko sayo, bakit mo nga ba inangkin ang kasalanan ng kapatid ko?" mahabang paliwanag nya sakin at nag-iwan pa ng isang pamatay na tanong.

"Ahh Liam, sumasakit na talaga yung ulo ko, feeling ko masusuka nako, sige na mauna nako" walang konek kong sagot sa kanya at aalis na sana, ang kaso ay pinigilan nyako.

"Hindi mona kailangang takasan yung mga tanong ko dahil alam ko na naman, yung sinasabi mo sakin nuon na lalaking bumalewala sayo, yung sinasabi mo saking crush mo at ginawa mo ang lahat para mapansin ka nya, at ang lalaking ULTIMATE CRUSH mo, ay si Hubert Castro, ang kapatid ko, alam mo bang nung nalaman ko yun nasaktan ako" mahabang sagot nya sakin, kumunot naman ng bahagya yung noo ko dahil sa huli nyang sinabi.

"Nasaktan?" mahina at naguguluhan kong tanong.

"Oo Leigh, nasaktan ako nung nalaman ko yun, dahil pakiramdam ko na naman, mas lamang sakin si Hubert, pero hindi lang ito dahil dun, nasaktan ako dahil gusto na kita Leigh, oo tayo nga sa mata ng lahat pero alam naman nating peke lang ito, Leigh gusto na kita at hindi ko na ata kaya kung mawawala ka" malungkot na sagot ni Liam, at hinawakan ang dalawa kong kamay, kusa na namang may lumaglag na luha sa mga mata ko at hindi ko alam kung bakit wala akong maisagot sa mga sinasabi nya.

"Sana hindi pako huli, sana may chance pako sayo, sana hayaan mokong patunayan sayo yun" sunod pa nya, pagkasabi nya nito ay inalis kona ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko at nagpunas ng luha sa mukha.

"Liam, naguguluhan kalang, mali yang nararamdaman mo!" sagot ko.

"Hindi ako naguguluhan, sigurado ako sa nararamdaman ko sayo" madiing sagot nya.

"So pigilan mo yang nararamdaman mo, dahil hindi ko kayang suklian yang binibigay mo" sagot ko at tumakbo na palayo sa kanya, narinig kopang tinawag nyako pero binalewala konalang, agad agad akong sumakay sa jeep, mabuti nalamang at free dito sa front seat, at walang makakakitang umiiyak ako, sobrang bigat lang sa pakiramdam ng mga nangyayari, sobrang worst ng araw nato sakin, wala nakong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Gusto ko si Hubert, umamin naman si Miggy na gusto nyako, tapos ngayon ang fake boyfriend ko na si Liam gusto nadin ako? ano nalang iisipin at mararamdaman ko, gulong gulo nako. Gusto kong isiping napakaswerte ko dahil may nagkakagusto sakin, hindi lang isa kundi dalawa pa, pero hindi eh, hindi ko magawang maging masaya dahil nangyayari ito sakin, bakit napakaunfair ng buhay, kung sino yung gusto kong mapasakin, hindi ko makuha, at yung mga hindi ko naman hinangad ang dumarating. Si Miggy at Liam mga gwapong nilalang na walang sino mang babae ang magrereject panigurado ang inayawan ko, ganon naba ako kachoosy? ganon naba kataas ang tingin ko sa sarili ko? Ganon ko na ba kamahal si Hubert kaya hindi ko magawang mahalin yung mga taong andami ng nagawang mabuti sakin?

Minabuti kong dito muna sa park magstay, medyo dumidilim nadin amg paligid pero hindi konalang pinansin, dahan dahan akong naupo at kinalikot ang sariling mga daliri.

Gusto kong tanungin yung sarili ko.

Dapat pa ba akong magstay kina Papa kahit alam kong dumating na yung totoo nilang pamilya?

____

DONT FORGET TO VOTE!!

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon