Chapter29

737 44 2
                                    

Nakahawak ako sa paa ni Hubert na takot na takot habang si Hubert ay nakahawak lamang sa baging kung hindi ako nagkakamali, hindi ko mapigilang maiyak ng mapatingin ako sa baba kung saan kitang kita mo ang sobrang kataasan nito, na pag nahulog ka ay siguradong patay ka.

"Wag kang bibitaw sa paa ko Leigh, kumapit ka ng mahigpit" sabi sakin ni Hubert na ramdam konadin ang kaba sa boses nya.

"Tulong!! Tulungan nyo kami!!" sigaw ni Hubert.

"Leigh wag kang umiyak, ihinahon mo yung sarili mo, magpakatatag ka!" sigaw ni Hubert sa akin at muli syang humingi ng tulonggg, hanggang sa bigla nalamang kaming bumaba ng bahagya.

"Aahhh!" takot na takot kong sigaw. Sa mga oras na ito pakiramdam ko ay katapusan kona, pilit iniaakyat ni Hubert ang sarili nya pero hindi nya magawa dahil nakakakapit ako sa paa nya, mabilis kong ipinikit ang mata ko bago nagsalita.

"Hubert ang layo nito sa kanila, at imposibleng may makarinig sayo, Hubert lagi mong iingatan yung sarili mo, ipangako mo saking magbabago kana, hindi kana magiging masama ang ugali sa ibang tao, magiging reponsable kana! Gusto kong malaman mo na hindi ako nagsisisi na ikaw yung nagustuhan ko, at sa pagkakataong ito, magpapaalam nako sayo, bilang huling paalam---- naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita na sya.

"Leigh ano bang sinasabi mo, makakaligtas tayo, magtiwala ka sakin, kumapit ka parang awa mona" sagot naman nya.

"Kung hindi ako bibitaw sa paa mo maaaring pareho tayong mapahamak at mamatay, hindi na kakayanin ng baging na hawak mo, mamaya ay bigla na lamang yan bibigay at kasama tayong dalawang mahuhulog, hindi karin makaakyat dahil masyado akong mabigat, ito nalang ang naiisip ko para makaligtas ka, pag bitaw ko sa paa mo, iangat mo agad ang sarili mo, at umalis kana agad dito!" sagot ko sa kanya habang hindi mapigilang umiyak, hindi ko magawang tumingin sa ibaba dahil hindi kona talaga kaya.

"Leigh parang awa mona, hindi ko kakayanin kung wala ka, mahal din kita, matagal na kitang mahal, parang awa mona, hayaan mong maiparamdam ko sayo yun, pls kumapit kalang at makakaligtas tayo pareho dito" sagot nya at this time ramdam kong umiiyak nadin sya.

"Masaya akong malamang mahal modin pala ako, at masaya akong mamamatay, iingatan mo palagi ang sarili mo Hubert, paalam" mahinang sagot ko at pinikit ang sarili tapos ay bumitaw sa paa nya.

"Leighhhh!!!!!!!" sobrang lakas na sigaw ni Hubert.

*Dugsh!*

Sean's Pov:

Habang nakaupo at focus parin sa cellphone ko ay bigla akong nakarinig ng nabasag napatakbo ako sa  kwarto ni Papa kung saan nanggaling ang tunog, naabutan ko syang nakatingin sa picture frame ni Leigh na nabasag sa sahig, tumingin sya sakin na nanlalaki ang mata.

"Pa? ayos lang ba kayo?" natatakot kong tanong sa kanya. Agad agad syang tumakbo sa labas ng kwarto nya at hindi magkaintindihan.

"Eto! tawagan mo ang teacher ni Leigh, hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko, hindi kona kaya! Kailangan kong makausap ang anak ko! Pakiramdam ko may nangyaring masama sa kanya" hindi magkaintindihang sabi ni Papa at inabot sakin amg cellphone nya.

"Papa ano bang sinasabi nyo, wala pong mangyayari kay Leigh" sagot ko naman pero isang sigaw agad ang natamo ko.

"Tawagan mo ang teacher nya!!" galit nyang sagot sakin, ididi-al kona sana yung no. mg teacher ni Leigh mg bigla naman na itong tumawag, agad agad ko naman itong inabot kay Papa.

"Papa tumatawag yung teacher ni Leigh" bulong ko sa pagkakataong ito pinasok nadin ako ng kaba.

Nanginginig na sinagot ni Papa yung tawag.

Hanggang sa bigla na lamang nanlaki ang mata nya at nabitawan ang cellphone na hawak nya. Tapos ay biglang napaupo sa sahig na parang wala sa sarili.

"Papa anong nangyari?" takot na takot kong tanong sa kanya pero tila nawala na ata talaga sya sa sarili.

Hubert's Pov:

Agad agad kong naiahon ang sarili sa pagkakabitin, magkahalong takot at kaba ang bumabalot sakin habang hindi ko mapigilang maiyak. Nagtatakbo ako kung nasan ang mga kasamahan namin at ipinagbigay alam agad sa nakakataas ang nangyari, narinig koding tinawagan nang adviser namin yung Papa ni Leigh, lahat sila ay sunod sunod na tanong ang binabato sa akin, hindi na magkaintindihan ang lahat, lahat ng nasa paligid ko ay natataranta at nagkakagulo na hanggang sa nakarinig ako ng tunog ng ambulansya. Pinaliwanag nung adviser namin sa mga pulis kung ano ang ikinwento kong nangyari samin kanina, nanginginig padin ang katawan ko sa takot, binalabalan nila ako ng makapal na kumot at pinainom para kumalma, pumapasok lang sa isip ko ay ang mukha ni Leigh, mga eksena kung paano nyako pigilang lumabas ng bakod, kung paano ako nagpumilit, at kung paano sya sumunod sakin, kung paano ko sya biniro na kunwari nahulog ako at kung paano nagkatotoo at sya pa ang nahulog, ambilis ng mga pangyayari, gusto kong isiping ayos lang si Leigh pero hindi ko magawa, sa taas nayun na puro bato pa ang lalagpakan ay imposibleng mabuhay ang mahuhulog duon, pero isa lang sigurado ako, ako ang punot dulo ng lahat ng ito, at sa napakaraming pagkakataon  mas pinili na naman ni Leigh ang kapakanan ko kesa sa kapakanan nya, pero iba sa ngayon, dahil mismong buhay na nya ang itinaya nya pa makaligtas ako....

Mark Liam's Pov:

"Ano!" sigaw ni Mommy mula sa telepono kung sino man amg kausap nya.

"Bakit?" tanong ni Daddy sa kanya.

"Si Hubert naaksidente, tara puntahan na natin dalian mo!" hindi magkaintindihang sagot ni Mommy, agad agad naman akong tumakbo palabas para sumama sa kanila, ng nasa kotse na ay binalingan ko ng tanong ang takot na takot na si Mommy

"Mommy ano ba daw nangyari?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Nagkaroon ng aksidente, nahulog sa bangin ang kapareha ni Hubert at pati sya ay muntik ng mahulog!" takot na sagot naman ni mommy, bigla na lamang nanlaki ang mata ko sa sinagot nya, kapareha ni Hubert? si Leigh ang partner nito sa thesis nila, hindi kaya?

O_O

Sana ay mali itong naiisip ko... Sana ay hindi si Leigh ang sinasabing nahulog sa bangin..

_____

DONT FORGET TO VOTE!!

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon