Chapter30

822 52 1
                                    

Hubert's Pov:

"Hayop ka Hubert! Ikaw ang kasama ni Leigh! bat mo sya hinayaang mahulog!" galit na galit na sigaw sakin ni Mark, andito na kami ngayon sa bahay, hawak hawak sya ni Daddy para hindi nyako masaktan, ngayon lang ako naging mahina, ngayon lang ako umiiyak ng ganito, hindi ako makasagot sa mga sumbat nya sa akin.

"Mark! pwede bang kumalma ka, bakit moba sinisisi ang kapatid mo, wala namang may gusto sa nangyari, tsaka magpasalamat kanalang at walang nangyaring masama sa kanya" sabat naman ni Mommy, iimik pa sana ulit si Mark ng biglang..

"Hubert! nasan kang  gago ka! Anong ginawa mo kay Leigh!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng makalapit sya ay hindi ako nagkamali, si Miggy nga ang matalik na kaibigan ni Leigh. Susugurin na sana nyako buti na lamang at napigilan sya ng guard namin.

"Ano ba talagang nangyayari dito? bakit ba lahat kayo sinisisi di Hubert!" medyo galit na namang sabat ni Mommy.

"Lahat na ginawa ni Leigh para sayo! Na kahit magmukha na syang desperada ayos lang sa kanya, napakarami na nyang sinakripisyo para mapaayos ka! Minahal ka niya kahit na alam nyang ni konti wala kang maibibigay sa kanya nun, at wala syang makukuha sayo! Ilang beses na nyang pinatunayan sayo kung gaano ka nya pinapahalagahan pero lahat ng isinukli mo sa kanya puro sakit! Ilang beses mo na syang sinaktan! Alam mo ba kung gaano ka kaswerte at nagustuhan ka niya, na kahit gaano kasama ang mga pinapakita mo sa kanya hindi nagbabago yung pagtingin niya sayo! Nakikita mo ba ako? Gustong gusto ko si Leigh, ginawa kona ang lahat, pero wala eh, sadyang sayo sya patay na patay, ewan koba sa kanya, kung bakit sa daming lalaki, ikaw payung nagustuhan nya, lalaking batugan! lalaking walang kwenta! at lalaking duwag! Ilang beses mo ng sinaktan si Leigh diba? baka nga may kinalaman kapa sa pagkakabagsak nya, ito ang tatandaan mo hayop ka! Oras na mabalitaan kong may nangyaring masama kay Leigh humanda ka sakin!" mahaba at galit na sumbat sakin ni Miggy at malakas na kumalas sa pagkakahawak sa kanya nung guard at nagmamadaling lumabas.

Nanatili lamang akong nakaupo habang hinahaplos ni Mommy ang likod ko para kumalma ng biglang...

"Hindi! Hindi ito totoo! Hindiiii!!!" biglang sigaw ni Kuya at nabitawan ang hawak na cellphone habang nanginginig ang mga kamay, kasabay nun ay pagpasok ng kaba at takot sa akin,  isa lang ang biglang pumasok sa utak ko, si Leigh....

Nakita ko ang camera na ginamit ko pangkuha ng  mga litrato sa campaign, agad agad ko itong kinuha at tinignan ang mga pictures, karamihan sa mga nandito ay si Leigh, patago ko siyang kinukuhanan ng litrato nuon habang busy sya sa paghahanap ng flag, may mga nakangiti sya, may mga nakasimangot din, muli na naman akong nakaramdam ng kirot. Hindi mawala sa utak ko kung paano sya nagsakripisyo para makaligtas ako, parang nuon sa mga palabas kolang ito napapanood tapos ngayon ay nangyari pa sa akin sa totoong buhay, hindi mawala sa utak ko ang mga katagang iniwan ni Leigh sakin bago sya tuluyang bumitaw sa mga paa ko sanhi ng pagkahulog nya at pagkaligtas ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng messenger hindi naman ako nabigo at may mga chat na dito ang ilan sa mga barkada ko, agad agad ko itong pinagbubuksan....

:Hubert, natagpuan na ang katawan ni Leigh, hindi nila magawang ipakita samin ang katawan nya dahil grabe daw ang tinamo nito at halos hindi mona makikilala, durog durog din ang katawan nya, Hubert wala na si Leigh patay na siya.

Kusa nalang nanlambot ang katawan ko at nabitawan ang cellphone na hawak ko, pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga.

Sana ay panaginip lang lahat ng ito.. Hindi ko na kaya...

"Nahihiya ako kay Leigh, napakasama ko, dapat hindi ko sya minaltrato ng ganon, dapat naging mabait ako sa kanya, sa totoo lang nababaitan ako sa kanya, masipag din, at responsable, pero dahil sa estado ng buhay nya ay hindi ko sya pinakitaan ng maganda, nagsisisi ako ngayon, kung hindi pa sana huli ang lahat ay naitama kopa ito" biglang sabi ni mommy sa tabi ko.

*Kinabukasan*

"Anak gusto ng pamilya ni Leigh na magtungo ka sa bahay nila ngayon din" bungad ni Daddy sa kwarto ko habang ako ay wala sa sariling nakahiga dito, ni hindi manlang ako nakatulog sa sobrang pag-iisip, hindi ako patulugin ng konsensyang ito.

Agad agad akong tumayo at nagtungo sa bathroom para mag-ayos ng sarili, kailangan kong pumunta sa bahay nila para kahit sa ganoong paraan ay maipakita ko sa kanila ang pagsusumamo ko.


Magtatanghali na ng makarating ako sa bahay nina Leigh, nasa gate ako ng biglang lumabas ang Kuya ni Leigh na walang kahit anong emosyon ang mukha.

"Pasok ka" walang emosyon din nyang sagot, napalunok ako bago sumunod sa kanya.

Nang makapasok na kami sa bahay nila ay binalingan nyako ng tingin.

"May gusto lang akong ipakita sayo" seryosong sabi nya sakin, bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi nya, nagsimula na syang maglakad at sumunod naman ako, bigla syang tumigil sa tapat ng isang silid, tumingin sya sakin at malungkot na binuksan yung pinto ng silid na iyon, pumason sya dun at sumunod ako, nanlaki ang mata ko sa ng bumungad sakin ang kwarto na ito na punong puno ng mga litarto ko, may parang taurpalin pa sa gilid ng dingding na ako mismo ang litratong nanduduon, at may caption sa ibaba na OPPA! NOTICE ME! OPPA!

Bigla na lamang may isang butil ng luha ang nalaglag sa magkabilang mata ko, habang nililibot ang paningin sa buong kwarto nya na napakakulay, naupo yung Kuya ni Leigh sa kama at may kinuhang picture frame sa table lamp.

"Itong litratong ito yung lagi nyang kinakausap, ikaw ito hindi ba? lagi ko syang nahuhuling kinakausap ang litrato mong ito, kapag masaya sya, malungkot, o kahit umiiyak, kapag galit sya sayo dito nyadin nilalabas, walang araw na lumagpas na hindi ko sya nahuling pinanggigigilan tong litrato mo, nung una akala ko artista ka, binalewala kolang yung mga ginagawa nya at sinuportahan sa pagiging fangirl nya, ang hindi ko alam kaklase nyalang pala ang mga nasa litratong ito at ikaw yun" mahabang paliwanag pa nung Kuya nya, napaatras ako ng bahagya at napailing iling at sunod sunod na luha na naman ang kumawala sa mga mata ko, nanlalambot nadin ang mga tuhod ko, nanghihina ako sa mga nalalaman ko, hindi ko akalaing ganito ang paghanga ni Leigh sakin, hindi ko akalaing napakaswerte ko pala, bakit ngayon kolang narerealize ang lahat, bakit ngayon kolang nararamdaman yung pagmamahal nya, bakit kung kailan handa nakong suklian lahat ng sakripisyo nya eh hindi na pwede.....

_____

Dont Forget to VOTE.

Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon