Kabanata Dalawa
"Hija, welcome back!" salubong sakin ni Nanay Mila, nanginig ang aking labi at agad syang niyakap ng mahigpit habang humahagulgol sa kanyang bisig.
"Nanay, pinalayas ako ni daddy. Is he really cares for me?" paglalabas ko ng sama ng loob sa kanya, she caressed my hair and kiss my forehead.
"Kisses, stop thinking about negative things. Your dad loves you, so much. Keep that in your mind." mahinahon nyang sabi sa isang malambot na boses, tumahimik ang paligid at ang tanging mga hikbi ko lamang ang maririnig sa bawat sulok ng silid.
"O sya, matulog ka na at alam kong pagod ka. Nasa ikalawang palapag ang kwarto mo, sa may kanang bahagi." pinunasan ni nanay ang aking pisngi at hinalikan ako sa 'king noo.
All my life, I've been looking for mother's love. And now that I'm with nanay, I'm so happy.
Umakyat ako sa kwarto ko at mabilis na nakatulog dahil na rin siguro sa pagod.
Tanghali na 'kong nagising kinabukasan, kinusot ko ang mata ko at pinasadahan ng tingin ang paligid ngunit medyo blur ito. Kinapa ko ang salamin ko na nasa lamesang nakapwesto sa gilid ng aking kama, napangiti ako nang makita ang kabuuan ng silid.
Gawa sa kahoy ang bahay ni Nanay Mila, kumbaga parang itinayo pa nung panahon ng mga kastila. Pero, na-renovate naman na syang naging dahilan para mas lalong gumanda.
Hindi magarbo ang bahay, simple ngunit komportable. Inayos ko ang mga damit ko at inilagay ito sa cabinet na nakapwesto malapit sa bintana, dumiretso ako sa terasa at namangha sa view na aking nakita.
Ang mga matatarik na bundok na kulay berde ay syang napakaganda, makikita mo rin ang iba't ibang bahay na kagaya lang din ng bahay na kinalalagyan ko. Sumilay ang malamig na hangin, napapikit ako at bahagyang napangiti.
"Gising ka na pala." pagmulat ko ng aking mga mata ay si Nanay Mila ang aking nakita, nakangiti sya at halatang masaya.
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko, kamukhang-kamukha mo ang mommy mo." ani nya habang papalapit sakin, isinumping ko ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga dahil tinatangay ito ng hangin.
"Salamat po, nanay. Masaya po ako na nandito ako, sa tabi mo." ngiti ko sa kanya, ngumiti sya pabalik.
"Oo nga pala, ita-transfer na kita sa La Trinidad High School. Hindi ba't kolehiyo ka na? Ang bilis talaga ng panahon. O sya, magbihis ka na nang makaalis na tayo." utos nito, tango ang isinukli ko ang sinunod ang kanyang sinabi.
Naligo ako at nagbihis, I wear a gray t-shirt and dirty jeans. Kulay puting Fila ang ginamit kong sapatos, ipinusod ko ang mahaba at straight kong buhok bago bumaba at sinalubong si nanay na naghahain ng tanghalian.
"Kumain na muna tayo." anyaya nito, sabay kaming nananghalian na may halong kwentuhan at tawanan. Saglit akong napatigil habang nakangiti, this is the first time I laughed genuinely again.
Hindi ako palangiti, hindi ako mapagbiro at ang ekspresyon ko ay laging seryoso. I never been happy simula nang mawala si mommy, I was only 11 years old that time. She died because of car accident, but I doubt that. Gobernador si dad sa bayan namin, marami syang kalaban sa politika na malamang ay pinag-iinitan sya. At first, I blame my daddy because of mommy's death, but right after nakita kong nagluluksa din sya ng sobra, nawala ang galit ko at dinamayan sya.
Until he changed when he met Tita Amy, nabalewala ako, naitsapwera. I'm always on my room, alone, while I'm hearing their laugh on sala. I'm crying in the bathroom, while nasa mall sila at namimili ng mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila.
Hindi ako kilala ng mga mamamayan, ang alam lang nila ay may anak si Governor Kier Villafuerte sa una nitong asawa. I was thankful, though. Dahil hindi ko yata maaatim na lumabas nang pinagchichismisan ng mga chismosa.
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
Historia CortaI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?