Ang Simula
"Kisses!" boses ni daddy habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko, hindi ko sya binigyang pansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.
"Kisses, open this door!" he said again, nagpasak ako ng earphone sa tenga upang hindi sya marinig.
Pero maya-maya lang, ay padabog na nagbukas ang pinto at iniluwa sya. I have a deep breath and face him, his face was red, and I knew it was because of anger.
"What do you think you're thinking?! Umalis ka sa restaurant na 'yon nang hindi man lang nagpapaalam ng maayos sa anak ng kliyente ko?" bulyaw nito, namataan ko ang ugat sa leeg nya ngunit wala akong ibang ginawa kundi ang titigan syang naghihimutok sa galit habang nanggigilid ang luha sa 'king mga mata.
Tumingala ako to prevent myself from crying, I fixed my eyeglasses and force a smile even though the pain was eating me.
"Paano mo naaatim na ipakasal ako sa lalaking ni hindi ko naman kilala? Really, dad? Because of business, you will sacrifice your own daughter? Anak mo ba talaga ako?" my voice broke, natigilan sya, nangapa ng mga salita.
"W-What? Kine-kwestyon mo ba ang pagiging ama ko?! That guy is rich, kaya ka nyang buhayin! Anong gusto mo, ha? Sumama ka sa lalaking tambay sa kanto? Yung mas mahirap pa sa daga?" mariin nitong singhal sa mukha ko, napapikit ako.
"May sinabi ba 'kong magpapakasal ako sa isang iresponsableng lalaki? Daddy naman. Oo, kaya akong buhayin ng taong ipapakasal mo dapat sakin, but how about my happiness? Why can't you let me decide on my own?" tumaas ang boses ko hindi lang sa galit, kundi pati na rin sa sakit.
It's sucks that your father is ordering you to marry a man you don't love, I don't even know his name! Napahagulgol ako sa harap nya, umiwas sya ng tingin at halos manlambot ang aking mga tuhod sa sunod nyang sinabi.
"You won't follow my command? Leave, Kisses. Tingnan lang natin kung saan ka pupulutin." tinalikuran nya 'ko, mapakla akong tumawa.
"I will, daddy, don't worry." ani ko na syang ikina-tigil nya sa paglalakad, nanigas sya sa kinatatayuan nya dahil alam kong hindi nya inaasahan ang naging sagot ko.
"All my life, I'd been your puppet. Lahat ng gusto mo, sinusunod ko. You want me to be the valedictorian when I was high school? Sure, I did my best, I did everything to make you proud. But instead of congratulating me, wala, wala akong natanggap na kahit anong matamis na salita mula sayo. And now that I'm first year college, you want me to marry someone? In the age of 18, itatali mo 'ko sa lalaking ni hindi ko alam ang pangalan? Sorry, daddy, pero mali, e. Maling-mali. Simula nang namatay si mommy, kahit isang segundo, hindi mo 'ko tinuring bilang anak mo—" I was cut off by his slap, tumagilid ang ulo ko at panibagong luha ang tumulo galing sa 'king mga mata, hindi dahil sa sampal nya kundi dahil sinampal ako ng katotohanang kaya nya akong pagbuhatan ng kamay.
Nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan sya, nanginginig ang kaliwang kamay nya at namumula din ang kanyang mga mata. Inayos kong muli ang aking salamin, nginitian ko sya ng pilit.
"That's it. Mag-iimpake lang ho ako, wag kayong mag-alala dahil aalis na rin ako sa pamamahay nyo." huli kong sinabi bago sya talikuran, nag-simula akong magbalot ng gamit habang sya ay nakatayo pa rin sa likuran ko.
I didn't stop my tears from falling, sunod-sunod ang pagpatak nito pero hindi na 'ko nag-abalang punasan pa hanggang sa narinig ko nalang ang yabag ng aking ama papalayo sakin.
I hope you realize my worth, dad, kahit isang araw lang...
BINABASA MO ANG
Unwanted Feelings
PovídkyI met a jerk, I hated him, we always fought, he's a freaking asshole. But, you know what the ironic thing is? I suddenly felt unwanted feelings towards him and each day, it's getting deeper.. What would I do?